Chapter 16

19 4 0
                                    

I am good with everything except for love, something that I can't really handle, I don't know the true meaning of it, it's different from movies and books, from your own experience, things are not just what it is, unless we experience it.

I went home while thoughts are eating me, could I have been a better man so that I would fit for Hanna? If I know what love is, could we still end up being like this? Things are just too complicated.

"Kumain kana, iho" Aniya ni manang at naglapag ng juice sa tabi ng pagkain ko. She stared at me while I am eating, I let her do that, something she can do that my mother can't, napaupo siya ng matapos ako at tumikhim.

"May problema kaba, iho, anak?" Tanong nito, I gave her a small smile at umiling.

"Pagod lang Po" saad ko, no matter how close I am with manang Loida, I don't feel like sharing her my problems, or how hurt I am, maybe because I don't want her to get worried about me.

"Sige, iho, pahinga kana sa kwarto mo" Aniya nito at niyakap ako, it's a mothers hug, again something that my mother can't do now that I'm already grown up. I went to my room, tired and exhausted, umupo muna ako ng ilang minuto at pagkatapos humiga.

Life is so hard to live, but people always say that it depends on how people live for for it, or how they make their life worth to live for. But my life, I guess my life is meant to be broken right from the start.




"Gagu, pre, broken na broken ka ata ngayon, pati fb profile mo black? Dami tuloy nag comment ng condolence, Loko ka talaga" saad ni Oliver, pinalitan ko 'yung Facebook profile ko ng black, there's a small name on it, pero hindi nila makita dahil sa liit nito.

"Loko ka talaga" saad ko at tumawa. Napatawa naman siya pero agad din sumeryoso.

"Seryoso na, may problema kaba?" Tanong nito, napabuntong hininga ako at tumango.

"Ilang beses ko na siyang pinaiyak" saad ko, napabuntong hininga siya at umiling iling.

"Craige, iparamdam mo na sa kanya ang dapat na niyang maramdaman, mahal mo siya diba? Then go, ipakita mona sa kanya" saad nito, napabuntong hininga ako at binigyan siya ng ngiti.




Pumasok ako sa first class ko which is oncology, agad hinanap ng mata ko si Hanna, just like everyday, magtatama paningin naman at iiwas siya. Umupo na ako  at tamang tama din dahil dumating si Doctor Dabiyo.

"We have an important meeting so I just need you to study, dismiss" Saad ni Doctor Dabiyo nagsigawan ang iba at nagmamadaling lumabas, nakaupo lang ako habang pinapanood si Hanna na nililigpit ang gamit, lumapit si Rashie sa kanya, hindi ko alam kung anong pinag usapan nila pero tumingin si Rashie sa direksyon ko at bahagyang ngumiti, ng makalabas silang dalawa, lumabas narin ako.

Pumunta ako sa gym para mag basketball, mamaya nalang ako mag aaral sa bahay, habang naglalaro nakita ko si Vanessa na pumasok, hindi na ako masyadong pinapansin ni Vanessa, maybe because she already realize her worth as a woman, mas mabuti narin 'yun.

Natapos akong mag basketball, pero wala paring bell, kaya't pumunta muna ako sa cafeteria para bumili ng maiinom, ng makarating ako doon, naabutan ko si Hanna kasama si Rashie at Jacob, mukhang close na ata sila, habang naglalakad ako bigla akong tinawag ni Jacob, agad napalingon ang ibang students sa gawa ko, napatingin din kaagad ako kay Jacob, kumakaway na siya sa'kin, isang senyales na lumapit ako. agad akong lumapit sa kanila.

"Upo ka" Saad ni Oliver napatingin ako kay Rashie at tumango naman ito. Tiningnan ko din si Hanna pero hindi siya nakatangin sa'kin kaya't umupo ako, magkatabi sina Jacob at Rashie, habang magkatabi naman kami ni Hanna.

Heartbeat Where stories live. Discover now