Chapter 10

7 4 0
                                    

Kakatapos lang ng exam namin, nasa bahay ako ngayon nag papahinga, wala naman daw kami practice bukas dahil kakatapos lang ng exam ngayon, nakahiga ako sa kama ko, iniisip parin 'yung confession ni Hanna sa'kin, Hindi na ako nilubayan ng confession na iyon simula nung umamin siya, gusto ko siyang kausapin pero parati niya akong iniiwasan, kahit sa classroom kapag nakita niyang papalapit ako, bigla siyang aalis, sa tuwing pumapasok naman siya ay saktong sakto talaga sa bell, Hindi ko alam kung sinasadya niya o dahil lang 'yun sa tadhana. Inis akong bumangon dahil sa iniisip ko kaya't kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang photo namin ni Anna.

"It would be a lot easier kung andito ka sa tabi ko" saad ko at ngumiti ng bahagya.



Kinaumagahan, agad akong nagising at naligo, ng matapos ako bumaba ako at kumain, Saturday ngayon kaya pupunta nalang ako ng Arcade city, gusto ko rin maglibang, konti lang ang tao sa Arcade city, mas madami talaga ang tao dito, naglalaro lang ako ng taken then basketball, pagkatapos nag laro ako ng racing, ng mapagod ako at nakaramdam ng gutom, pumunta ako sa malapit na fast food chain, konti lang din ang tao kaya't agad akong naka pag order, habang kumakain, ng matapos ako agad akong bumalik sa arcade city, last game nalang at pipili na ako ng kapalit ng tickets ko, ng matapos ang last game ko pinagpalit ko na Ang ticket ko sa isang tumbler, ng matapos agad akong lumabas pero nabunggo ko ang isang babae.

"I'm so--" Hindi ko natapos ng makita ko si Hanna.

"Craige?" Gulat niyang tawag sa pangalan ko.

"You're here" saad ko at bumuntong hininga.

"Uhm? Yeah, actually may pupuntahan pa ako, gotta go, bye!" Bago paman ako magsalita ay tumakbo na siya, wala na akong magawa pa, hindi ko maintindihan kung bakit ako nasasaktan, the way she avoids me break my heart, gusto ko kaya siya, pero nasasaktan din naman ang kaibigan ah kapag iniignore siya ng kaibigan niya, but I know that Hanna don't see me as a friend, she sees me more than friends.

Nakauwi ako sa bahay pagod, ako na Muna ang nagluto dahil abala sa pag lilinis si manang Loida, ng matapos ako umakyat na ako at humiga sa kama. Walang nangyari sa weekends iniisip ko parin si hanna ayaw ko naman na always kaming ganto.

Nasa canteen ako ngayon, wala si Doctor Dabiyo kaya nag stand by kami ni Oliver dito, parehas kaming tulala dahil madami akong iniisip, Isa na doon si Hanna, alam ko na si Sheena din ang iniisip ni Oliver, nakwento niya kasi sa'kin ang tungkol sa nangyari kahapon, it must been painful for him seeing the woman she likes having fun with someone else, nasaktan narin kaya si Hanna ng dahil sa'kin? Nagselos narin kaya siya? Kailan? Kanino? Arghh, napailing ako ng maisip ko ang mga bagay na 'yun, agad naman napatangin si Oliver sa'kin na nakataas ang isang kilay.

"Hindi mo parin ba alam kung gusto mo siya o hindi?" Tanong nito napailing lang ako.

"Kasi alam mo ba, I look at Sheena like how you look at Hanna, di rin impossible na hindi mo siya magustuhan, kasi kitang kita sa mata mo kung gaano ka kasaya when it comes to her, you've never been interested to women, not even once, except nalang doon sa childhood friend mo" saad nito

"And look Craige, follow your heart, why don't you see it and find it for yourself kung gusto mo ba siya o hindi" dagdag nito. Napatingin ako sa kanya at bumuntong hininga, I don't know what to do, I've never been in the situation like this, Hindi ko alam If what really love is or even the word like, how am I supposed to know, kung sa mom and dad ko naman, it was all about sacrifice, or deeper than that.

Pumunta kami sa second subject ko, nakinig lang kami ng nakinig hanggang sa matapos ito, wala din 'yung preceptor ng next sub namin kaya't pumunta ako sa library, hindi pa man ako pumapasok ay pumagitna na si Vanessa sa'kin.

"Ano na naman?" Tanong ko sa kanya.

"Do you mind if we go to the canteen for a while" saad nito.

"Look, Vanessa, I'm not in the mood para makipaglaro, I have a lot of things to do" saad ko. Naglakad na ako pero pinigilan niya ako.

"Is there any problem?I'm here" saad nito, napabuntong hininga ako at nagsimulang maglakad kasama siya papuntang canteen. Di ko alam pero gusto kong alamin kay Vanessa ang sagot baka sakaling matutulungan niya ako.

"I don't know if I have the rights to ask you, pero how would you know if you like someone?" Tanong ko napatingin naman siya sa'kin at ngumiti, but pain covered her eyes.

"Hindi kapa na fall noon?" Tanong nito sa'kin, napatawa siya at hinampas Ang lamesa, Loka Loka din pala to.

"Bakit?" Tanong ko.

"Akala ko kasi gusto mo si Hanna, pero di mo pa alam, but if people would answer your question, sasabihin talaga nilang nay gusto ka kay Hanna, ganun ata ang napapansin nila" saad nito, napakunot naman ang noo ko.

"What makes you say so?" Tanong ko sa kanya.

"It's because you look at Hanna the way my ex looked at me before" saad nito, napatingin ako sa kanya na seryosong sumisip sip ng juice, kahit papaano umiba Ang paningin ko sa babaeng ito.

"Pero bagay kayo, bagay din naman Tayo, pero mas bagay kayo, kaya kung ligawan mo man siya, edi kayo na" saad nito at umirap, natawa nalang ako sa iniasta niya. Kumain kami at pagkatapos naglakad palakad, ng makalabas kami ng canteen napagisipan ko na magpaalam na sa kanya, Bago paman ako makapagsalita na kuha na ng atensyon ko si Hanna. She's staring at me without emotion, agad pumasok sa isip ko ang pag kagusto ni Hanna sa'kin, nagtama ang mata namin pero kaagad din siya nag Iwas at nagmamadaling tumakbo, tumakbo rin ako para mahabol siya pero masyado siyang mabilis dahilan para di ko siya maabutan, napabuntong hininga nalang ako at pumunta ng next class ko, ng matapos ang third class namin sa second session, agad akong lumabas ng room, at pumunta sa next class pero Hindi pa ako pumasok hinintay ko si Hanna, at Maya Maya pa Nakita ko siyang naglalakad, but she's not alone, she's with someone, agad akong nagapagitna sa kanila, Hindi ko na inexpect na magugulat si Hanna dahil sigurado ako na alam niyang kakausapin ko siya.

"Mauna kana!" Saad ni Hanna sa kasama niya, napatingin naman sa'kin ang lalakie at umalis.

"Bakit?" Tanong niya sa'kin.

"Bakit mo ako iniiwasan?" Tanong ko.

"You should be doing something para mapansin kita" saad ko sa kanya, napakunot naman ang noo niya.

"Papansin? Sino ba ako? Si Vanessa?" Sarkastiko niyang tanong.

"Hindi ko gusto si Vanessa" saad ko, napatingin siya sa'kin na bahagyang nagulat.

"May dahilan ako kung bakit kita iniiwasan" Saad nito, aalis na sana siya ng pigilan ko siya.

"At bakit Naman?" Tanong ko sa kanya.

"Dahil mahirap ang magkagusto sa taong Hindi naman ako gusto, it hurts me, ayaw kong lumala, pero sa tuwing iniiwasan kita, mas masakit pa ang dulot sa'kin" saad nito, napatingin ako sa mata niya at ganun din siya sa'kin.

"Ikaw, Craige, may reason kaba para hindi kita iwasan?" Tanong nito sa'kin.

"Meron" deretso kong sagot.

"At bakit Naman?" Tanong nito.

"Galibog ko sa akong feelings nimo, halos dili ka mawala sa ako huna huna(nalilito ako sa nararamdaman ko sayo, Hindi ka matanggal tanggal sa isip ko)" saad ko, at agad pumasok sa classroom.

╣[-_-]╠♥

A/N: Thank you so much for supporting my story and for reading it, thank you for appreciating it, please be with me till the end of my journey.

Heartbeat Where stories live. Discover now