Letter to Mavis

10 1 0
                                    

July 2018 (Present)

Ilang araw na ang nakalipas mula ng mawala si Ollie. Mula sa huling pagkikita namin tatlong buwan ang nakaraan matapos naming maghiwalay, sa araw na ito, tatlong taon na ang mabilis na lumipas. Mula noon, nakatatak na sa aking isipan ang sakit na idinulot ni Ollie. Minahal ko naman siya. Mahal ko naman siya. Saan ako nagkulang? Bakit dumating pa rin ang araw na niloko niya ako?

"Mavis?" napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Tyn, ang best friend ni Ollie. Kung siya siguro ang babaeng nakita kong kasiping ni Ollie noon, masasaktan lang ako at hindi magagalit. Tanga na kung tanga, alam ko naman sa sarili ko na malaki ang lamang niya.

Rest in Peace, Scarlet. You'll never be better than me. I sound bitter, I know. Hindi ko pa rin kasi matanggap na ipinagpalit ako ni Ollie sa babaeng katulad ni Scarlet Chua. Ano bang nakita niya sa babaeng 'yon? Hindi hamak naman na mas katanggap-tanggap na ipagpapalit niya ko sa best friend niya. Kaya siguro kahit tatlong taon na 'yong lumipas, hindi ako maka-move on. Hindi ko kasi matanggap. Ayaw pumayag ng kaluluwa ko na sa isang mababang uri lang ng babae ako ipinagpalit ng boyfriend ko.

"Tyn, magpahinga ka naman girl. Ang dami mong ginagawa. Ako ang nahihilo sa iyo, sa totoo lang." pabiro kong sabi. Bahagya lang siyang ngumiti sa akin at may inabot na asul na papel. "Ano ito?"

"Para sa 'yo, Mavis." sa mga ngiti niyang hindi umaabot sa mata niya, doon ako mas kinakabahan. Bakit pakiramdam ko hindi ko magugustuhan ang nakalagay sa papel na 'to?

"Listahan ba 'to ng utang. Wala akong pera, ah! Mayaman ka naman. Baka naman."

"Loka-loka!" hinampas niya ko sa balikat. "Maiwan muna kita. Kailangan mo ng privacy para dyan. Nandoon lang kami sa likod, Mavis. Kung gusto mong mas tahimik, pumunta ka na lang sa opisina ko sa taas. Bukas 'yon. Makakapagbasa ka doon."

"Bakit parang kinakabahan ako, girl? Ano ba 'to? Anong sulat ang babasahin ko dito."

"Basahin mo na lang, Mavis. Masasagot ng laman ng sulat na 'yan ang mga tanong mo. Magtiwala ka lang. At tatagan mo ang loob mo."

Matapos tumango, tahimik na iniwan ako ni Tyn na nakatulala sa papel na inabot niya. Para saan ba kasi ang papel na ito? Bakit niya inabot sa akin?

Natigilan ako ng bumungad sa akin ang malinis na pagkakasulat ng mga titik, animo inimprenta ng makina, na siyang isa sa mga dahilan kung bakit lubos akong napa-ibig sa kanya. Kilala ko ang sulat kamay na ito. Sulat kamay ito ng unang lalaking minahal ko. Automatiko ang naging pag-angat ng kamay ko. Napahawak ako sa dibdib ko kasabay ng biglang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko.

Ollie, anong ibig sabihin nito?

Hindi ko namalayan ang pag-agos ng mga luha ko. Ang sunod-sunod na pagpatak nito at nagmamarka sa dulong bahagi ng papel na hawak ko. Nanginginig ang mga kamay ko, nalulukot na rin ang papel dala ng kawalan ko ng kontrol sa katawan ko.

"Uminom ka muna," napatingin ako sa baso ng tubig sa harapan ko, dahan-dahang inangat ko ang aking tingin at nagulat ng si Gray ang nag-aantay sa akin. "Napansin namin na yumuyugyog na ang balikat mo. Baka ma-dehydrate ka, Mavis. Ilang araw ka ng hindi tumitigil sa pag-iyak."

"Salamat!" mabilis kong nilagok ang laman ng basong inabot niya. "Paanong—"

"Paano namin nalaman na umiiyak ka? Hindi mo naman kailangan itago sa amin 'yon, Mavis. Naiintindihan ka namin. Iiyak mo lang 'yan. Ilabas mo lahat. Huwag mong ipunin ang sakit."

"Ang sakit pa rin pala." naramdaman ko ang pag-ikot ng kamay ni Gray sa balikat ko. Niyakap niya lang ako at hinayaang umiyak ng umiyak sa balikat niya. Hindi ako malapit sa taong ito. Hindi ako naging malapit sa mga lalaking kaibigan ni Ollie. Alam ko lang na kilala nila ako at lahat sila ay mga kaibigan talaga ni Tyn. Kaya kahit nakakailang, hinayaan ko na lang na ilabas lahat ng bigat na nasa puso ko habang yakap yakap ako ni Gray. Mas nakakagaan pala ng pakiramdam. Nabawasan ang bigat, nabawasan ang sakit. Kahit na isang estranghero ang umakap sa akin. "Sorry, Gray. Nabasa 'yong polo mo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never The Love Of HersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon