Letter to Millie

17 3 3
                                    

July 27, 2018 (Present)

The sun is shining so bright. Like what Ollie used to tell me. Life is beautiful. Despite the hardships, despite the hindrances coming his way, he still see the brightness and goodness in everything. So, why? Why did these things happen? Why am I going through something that doesn't feel right? Bakit sa kabila ng liwanag ng araw ay kay dilim ng daang tinatahak ko?

Ollie, why did this story have to end like this?

"Xtyn?" nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung paano ko nagagawang humakbang papalapit sa kinatatayuan ng best friend ng kapatid ko. Si Xtyn. Si Xtyn na hindi iniwan si Ollie kahit na nakapag-asawa na siya. Ang taong laging nandyan para kay Ollie mula noon hanggang ngayon. Ang taong umako sa responsibilidad ko sa kapatid ko.

"Ate Mildred," malumanay niyang sabi bago humakbang papalapit sa akin. "Mabuti naman at nakarating ka."

"Si O-ollie?" parang may nakabara sa lalamunan ko. Hindi ko man lang masambit ng maayos ang pangalan ng kapatid ko.

Nakangiting lumapit sa akin si Xtyn at inalalayan akong makalapit kay Ollie. Sa lapida ni Ollie.

"Ollie." bumuhos ang mga luha kong kanina pa walang tigil sa pagtulo. Kung kanina ay bahagya lamang ang paunti-unti ang pagbagsak ng mga luha ko, ngayon ay dere-deretso ang pag-agos nito. Biglang nanikip ang dibdib ko. "S-sorry. Sorry, Ollie, wala si ate para tulungan ka."

"He's in a better place now." naramdaman ko ang malumanay na pag-aalo sa akin ni Xtyn. Hindi katulad ko, nakangiti siya habang nakatingin sa lapida ng kapatid ko. Hindi ba siya nasasaktan? Mas matagal niyang kasama si Ollie. Mas madalas siyang kasama ng kapatid ko. Ngunit hindi ko makitaan ni katiting na kalungkutan ang mukha niya. Maaliwalas ito at tila hindi man lang namatayan ng matalik na kaibigan. "Hindi na natin kailangan mag-alala sa kanya kasi masaya na siya. Hindi na siya mahihirapan pa."

"Paano mong nakayanan ang lahat, Tyn?" hindi ko napigilang itanong sa kanya. "Paano mo natanggap ang pagkawala ng kapatid ko?"

"Hindi ko siya natanggap, Ate Mildred. Hindi ko pa rin siya matanggap." marahan siyang tumayo at humakbang palayo sa akin. "I don't know what to feel anymore but I have so many things to do and I don't have all the time to mourn for Ollie."

"What?"

"Kailangan kong asikasuhin ang lahat ng naiwanan ni Ollie, ate. Assets, properties and even his will. May iniwan si Ollie sa akin. I..." marahil ay nailang siya sa paraan ng pagtitig ko, nakayuko lamang siya sa lapida ni Ollie at hindi tumitingin ng deretso sa akin. "I'm in pain, too. It is hurting me. Pero anong magagawa ko? If I let this consume me, mauunahan ako ng mama mo. Makukuha ni Cynthia ang lahat ng pinaghirapan ni Oliver."

Napasinghap na lang ako sa mga narinig ko. Wala pa rin pala pinagbago si mama. Puro problema pa rin ang dala niya sa pamilya. Ngayon, pati ang kaibigan ng kapatid ko ay pino-problema siya. Wala na nga si Ollie pero puro problema pa rin ang hatid ni mama sa kanya.

"I will never let that happen, Ate Mildred." hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Xtyn sa akin. Mahigpit siyang kumapit sa kamay ko. Ngayon, nakatutok ang dalawang paningin niya sa akin. Sinsero niyang sinabi ang mga habilin ni Ollie sa kanya. "Ipinapangako ko sa iyo, ate Mildred. Hindi kita bibiguin. Hindi ko papabayaan si Ollie."

"Ate Mildred." nalingunan ko si Xtyn na tumatakbo papalapit sa akin. "Sandali!"

"Bakit, Tyn? May problema ba?"

Hingal na hingal siyang huminto sa harap ko. Binuksan niya ang bag niya at nag-abot ng kulay asul na papel sa akin. "Ano 'to?"

"O-ollie." nauutal niyang sabi. Hinihimas-himas niya pa ang dibdib niya. Malayo-layo rin ang itinakbo niya dahil nandito na ako sa tabi ng kotse ko. "Basahin mo."

Napatingin ako sa papel na hawak ko. Ollie? Basahin ko? May iniwan bang sulat si Ollie para sa akin? "Salamat."

Ilang minuto na ang nakalipas mula ng makaalis si Xtyn pero ako, ito, nakatulala pa rin sa asul na papel na hawak ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bubuksan ko ba at babasahin o susunugin at itatapon na lang? Ano ba ang dapat kong gawin? Ano ba ang nilalaman ng papel na 'to?

Matapos huminga ng malalim, pumikit ako. Tinimbang ko ang saloobin ko sa papel na hawak ko. Deep inside, I know, gusto kong malaman kung ano ang nakasulat dito. Ngunit may bahagi ng pagkatao ko ang pumipigil sa akin dahil baka hindi pa ko handa sa kung anuman ang nakapaloob dito.

Bago pa tuluyang magbago ang isip ko ay binuksan ko na ang papel. Tumambad sa akin ang napakagandang sulat kamay ni Ollie. Mapait akong napangiti. Naalala ko noon na tinutukso ko siya sa penmanship niya. Para kasing babae ang nagsulat. Malinis at maganda ang kurba. Aakalain mong printed ito dahil kamukha ito ng mga font na mapipili mo sa kompyuter.

Dear Ate Millie, ito ang panimula ng sulat ni Ollie. Sobrang hapdi na ng mga mata ko kakaiyak mula pa kanina. Kaso, hindi ko mapigilang umiyak muli. Tatlong salita. Tatlong salita pa lang ang nababasa ko pero parang nadudurog na ang puso ko. Pakiramdam ko, may kamay na bakal na tumagos sa dibdib ko para hawakan ang puso ko, unti-unti nitong pinipiga ang puso ko na mas lalong nakadagdag sa bigat at sakit na nararamdaman ko.

Hindi ako galit sa iyo. Kahit kailan ay hindi ko magagawang magalit sa 'yo. Ate kaya kita. Mahal kita, ate. Mahal na mahal kita. Huwag kang mag-alala sa akin kasi okay lang naman ako. Mabubuting tao naman ang mga nakasama ko.

Mas lalo akong nilamon ng konsensya ko sa sulat ng kapatid ko. Sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi pa rin siya nagtanim ng sama ng loob sa akin. Hanggang sa huli, siya pa rin ang Ollie na nakilala ko. Ang natatanging nilalang na mas pipiliin tignan ang kabutihang naidulot mo buhay niya kaysa sa mga pananakit na paulit-ulit na naipadama mo sa kanya.

Sayang lang, ate. Hindi ko nagawang humanap ng makakasama ko at magiging katuwang sa buhay tulad ng mayroon kayo ni Arwin. Naramdaman ko ang pagdantay ng kamay ni Arwin sa mga braso ko at marahang pinisil iyon.

"Okay lang 'yan, babe. Kilala naman natin si Quin, 'di ba? Alam ko kung gaano ka kamahal ng batang 'yon." pangongonsola ng asawa ko.

Biglang may sumagi na tanong sa isipan ko. Kung hindi ba ko sumama kay Arwin noon, kung hindi ko ba pinili si Arwin noon, makakasama ko pa rin si Ollie hanggang ngayon? Hindi ko alam kung dahil lang sa nakokonsensya ko sa biglaang pagkawala ng kapatid ko o ano, pero mula noong huli kaming nagkita, ngayon ko lang kinuwestyon ang naging desisyon ko.

Nagpadalos-dalos ba ko? Mas pinili ko ba talaga ang pag-ibig kaysa sa pamilya ko? Napahikbi ako. Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap ni Arwin sa akin. "Millie, tahan na. Magagalit si Quin, sige. Alam mo naman na hindi ko kayang makita kang ganyan."

"Babe, sa tingin mo, magkakatuluyan ba tayo kung hindi ako sumama sa iyo noon?"

"Nagsisisi ka na ba na pinili mo ko, Millie?" nasaktan ako ng marinig ang malungkot na boses ng asawa ko. "Hindi, babe."

Hindi. Nakakabigla na sobrang nakokonsensya ako sa pang-iiwan ko sa kapatid ko, pero hindi ako magda-dalawang isip na sumama kay Arwin kahit na bigyan kami ng pagkakataon na baguhin ang nakaraan. "Sasama pa rin ako sa 'yo, Rodriguez. Kahit na sabihan nila ko ng paulit-ulit na sinasayang ko lang ang buhay ko sa pagsama sa 'yo, sasama pa rin ako. Pipiliin at pipiliin pa rin kita."

"Mahal na mahal kita, Millie." malalim na halik ang isinagot ko sa kanya. Masaya ako. Masayang-masaya ako sa buhay na mayroon ako at wala kahit katiting na pagsisisi akong nararamdaman sa lahat ng ginawa ko. Ang desisyon na ginawa ko noon ay handa kong gawin ulit ngayon kung papipiliin ako. Sa piling ng asawa ko, naramdaman ko ang tunay na kaligayahan. At alam kong naiintindihan ako ng kapatid ko.

Nang maputol ang halik namin ni Arwin ay hinanap kong muli ang sulat ni Ollie. Hindi ko pa nga pala natatapos basahin ang sinulat niya sa akin.

Hindi mo kailangan isipin na may sama ako ng loob sa 'yo, sa inyo ni Arwin, noong magtanan kayo. Naiintindihan kita, ate Millie. Gusto kong manindigan at patuloy na piliin ang sarili mo para sumaya. Kailangan mo ng tuldukan ang lahat ng sakit na pinagdaanan mo. At kay Arwin mo nakita iyon. Naniniwala akong mamahalin, aalagaan at poprotektahan ka niya katulad ng gagawin ko kung ako ang nandyan sa tabi mo.

Hindi tulad kanina, walang luha ang umagos sa mga mata ko. Purong kasiyahan na lamang ang nanaig. Umusal ako ng panalangin para kay Ollie. Panahon na siguro para pakawalan ko ang guilt na kinikimkim ko sa loob ko.

Salamat, Ollie! Salamat.

Never The Love Of HersWhere stories live. Discover now