Chapter 2: Millie and I

43 5 1
                                    

“Ilang taon na nating hinahanap si Mildred, Cynthia.” kauuwi ko lang galing sa eskwela ng marinig ko ang pagsigaw ni Papa. Ni hindi nila narinig ang pagbati kong nandoon na ako. “Hindi mo mahahanap ang taong ayaw magpahanap.”

“Hindi ako naniniwalang magagawa iyon sa akin ng anak ko, Vergel. Mabait na bata si Mildred. Hindi ako pagtataguan ng anak ko.”

“Baka naman nagpalit na siya ng pangalan kaya hindi natin siya matagpuan. Cynthia, ayaw ko rin naman sumuko sa paghahanap pero napapagod rin ako. Twelve years na, Cynthia. Twelve years ko na ginagawa ito.”

“Ano naman? Labin-limang taon ko na inaalagaan ang anak mo. Naiintindihan mo ba ko, Vergel? Labin-limang taon na kong nangungulila sa anak ko. Nagagawa kong alagaan ang anak ng ibang tao pero hindi ang sarili kong anak?” galit na galit na sigaw ni Mama.

“Anak ko si Ollie. Anak ko ang inalagaan mo kaya anak mo rin siya.”

“Anak mo, Vergel. Anak mo lang. Hindi ko siya anak!”

Nasaktan ako. Kahit minsan ba ay hindi niya ko tinuring na anak? Kahit minsan ba hindi niya ko trinato ng totoo? Gusto kong sumabat. Gusto kong sumagot. Gusto kong ipaalam sa kanila na nandito na ko. Ulit. Gusto kong malaman nila na naririnig ko ang pagtatalo nila. Gusto ko naman maramdaman, kahit ngayon lang, na may halaga pa rin ako sa kanila.

Hindi pa ko nakakalapit ay kusang umatras ang mga paa ko. Natatakot ako sa kalalabasan ng pinaplano ko. Natatakot akong harap-harapang mabalewala. Umakyat na lang ako deretso sa kwarto ko at nagkulong. Hindi na lang ako magpapakita sa kanila ngayong araw.

“Brad, may chicks daw na magbabantay sa atin ngayon, ah?” nakatambay ako kasama ang mga barkada ko sa tapat ng school namin. Kanina pa ko natutuksong kunin ang yosi ng tropa ko. Hindi naman ako naninigarilyo. Ewan ko ba, bakit parang trip na trip ko subukan.

“Sinong chicks?” tanong ni Arwin. “Sigurado bang chicks 'yan? Baka naman pato 'yan, ah?”

“Gagi, 'yong crush mo sa higher batch. Si Ms. Yllana!” sabat ni Raven.

“Hala! Si Millie baby?”

“Anong baby, Andrei? Gusto mong bumalik sa tiyan ng nanay mo para maging baby ulit?”

“Sino si Millie?” tanong ko sa kanila na sabay sabay namang humarap sa akin.

“Quin naman. Kaya ka habulin, eh. Pa-misteryoso ka masyado. I'm sure kilala mo si Millie. Napapatayo kaya lahat kapag nadaan 'yon.” inakbayan pa ko ni Arwin, pero ramdam ko ang bihat ng katawan niya sa akin, parang sinisindak ako na hindi ko maintindihan, “pero off limits na si Millie. Sa akin na 'yon, brad. Napatayo na niya lahat sa akin.”

“Anong napatayo?”

“Balahibo.” ngiting-ngiti na sabi nito.

“Kunyari ka pa, Win. Hindi mo pa deretsuhin. Baka bu—”

“Buhok. Buhok 'yon, Quin.” sagot ni Raven habang nakatakip ang mga kamay sa bibig ng nagpupumiglas na Andrei. Siniko nito si Raven kaya nakawala ito sa pagkakayakap ni Raven kanina. “Huwag ka maniwala sa mga 'yan. Crush lang ni Arwin si Millie pero hindi pa niya nakukuha 'yon. Balita ko wala pa ring boyfriend 'yon, eh. Pero may gusto raw 'yon na ka-batch natin.”

“Ako nga 'yong crush ni Millie. Huwag niyo na pag-interesan. Hindi naman kayo magugustuhan ng baby ko.” humithit muli si Arwin sa sigarilyo nito bago ibinagsak at inapak-apakan. “Ako lang naman malapit sa edad ni Millie. Huwag niyo na pangarapin.”

“Oo na, Win. Imbes kasi na second year college ka na rin tulad ni Millie, third year high school ka pa rin kasi repi ka.”

“Tumigil ka na, Andrei. Masyadong masakit 'yong sinabi mo kay Arwin.” pumagitna ako sa kanila nang makita kong nagbago ang itsura ni Arwin. “Hindi kasalanan ni Arwin na ma-aksidente siya. Star player natin 'to. Kung hindi siya na-aksidente noon sa laban nila, hindi natin siya magiging kaibigan.”

“Tangina n'yan ni Andrei, eh. Akala yata nakakatawa pa 'yong biro niya.” tinuro pa ito ni Raven bago tinapik-tapik sa balikat si Arwin, para kumalma ito.

“Sorry, Win. Hindi ko intensyon. Sorry.”

“Okay lang. Tara na, pasok na tayo. Baka nasa room na 'yong baby ko.”

“Hay naku, Arwin. Hindi ka pa rin nagbabago. After all these years, palagi ka pa rin late.” nandoon na nga si Ms. Yllana pagdating namin sa classroom. Maaga pa naman kami. Alas-dos y media ang oras ng pasok namin at pasado alas dos pa lamang. Nakaupo si Ms. Yllana sa teacher's table katabi ng bintana sa may bandang likuran ng classroom namin. Katapat ng upuan ko.

“I miss you, too, baby. May usapan ba tayong magkikita ngayon? Late na ba ko?”

“Tumigil ka, Arwin. Baka hindi ako respetuhin ng mga kaklase mo. Baka magbantay ako dito ng tatlong linggo. Isipin pa nila may relasyon tayo. Hindi ka ba nahihiya sa mga barkada mo?” huminto ang mga mata ni Millie sa akin. Apat na pares ng mata ang nakatingin sa akin sa mga oras na 'to, alam ko. Sigurado rin akong kay Arwin nagmumula ang nagbabagang tingin na nararamdaman ko.

Baka isipin nito type ko 'yong crush niya. Chicks nga, pero hindi ko naman type.

“Millie!” sabay sabay kaming napatingin kay Arwin. “Lagkit ng tingin mo sa bata ko, ah? Napapabalita pa naman na may crush ka sa batch namin. Alam ko naman na ako 'yon pero sa tingin mo ngayon kay Quin, parang gusto ko na magselos.”

“Tumigil ka nga, Win. Kung makasalita 'to, feeling may relasyon tayo?” umiwas na ito ng tingin sa akin at inayos ang mga papel na nasa harap nito. “Hindi magkakaroon ng switching ang mga teachers ngayon dahil sa conference. Volunteer kami from Educ Department. Magsawa kayo sa mukha ko.”

“Parang hindi naman po nakakasawa titigan ang mukha niyo, Miss.” pagpapa-cute ni Andrei dito. Hindi man lang ito sumimple at halatang type din si Ms. Yllana kaya naman binatukan ito ni Arwin. “Wala kang respeto sa akin, Andrei? Nandito ka pa sa harap ko?”

“Andrei Melendez. Arwin Rodriguez. Raven Aguilar? Ikaw ba si R. Aguilar?” tanong nito kay Raven bago humarap sa akin. “and?”

Inabot nito ang tubigan na nasa harap nito. Nagpapasukan na ang mga kaklase namin kaya nagmadali siya sa pag-aayos ng mga libro sa harap niya habang nakatingin sa class record sheet ng klase namin.

“Quintaña. Oliver Quintaña.” Parang nag-slow mo ang lahat kay Ms. Yllana. Mula sa pagharap niya sa akin, pagkabitaw niya sa tubigan niya at ang pagkabasag nito sa harap naming lahat na lumikha ng napakalakas na ingay. Dahil na rin siguro tahimik lang ang paligid ng bigla niya itong nabitawan. Naluluha siyang nakatingin sa mga mata ko na para bang napakalaki ng kasalanan ko sa kanya.

“Millie! Huwag ka munang gagalaw. Pahingi nga kami ng papel o 'di kaya used Manila paper, lalagyan ko ng bubog. Pakibilis.” sigaw na utos ni Arwin sa mga kaklase namin. Nakatakbo naman agad si Raven para kumuha ng walis at pandakot habang si Andrei ay hinablot ang bote ng tubig sa bag ko at inabot kay Millie.

Para akong napako sa kinatatayuan ko at hindi ko rin magawang iiwas ang tingin ko kay Millie na ngayon ay nakaupo na dala na rin siguro ng panghihina niya at panginginig.

Sino ka ba? Bakit ganyan ka makatingin sa akin?

Never The Love Of HersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon