Chapter 9: Three in One

11 3 2
                                    

"Ollie?"

Napako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Kilala ko ang boses na 'yon. Kilala ko kung sino 'yon.

"Kumusta ka na?" nakangiting bati sa akin ni Mavis. Oo, si Mavis nga. Ex-girlfriend ko. Kaklase ko si Mavis noong 4th year high school ako. Niligawan ko siya after graduation dahil nalaman kong girlfriend na ni Arwin ang ate ko. Oo, hindi magandang umpisa sa magsisimulang relasyon, pero minahal ko si Mavis. Totoong nahulog ang loob ko sa kanya. Hindi naman siguro tatagal ang relasyon namin ng isang taon kung laro lang ang lahat para sa akin.

"Hi!" ganting bati ko. "kumusta ka?"

"Ikaw ang kumusta. Lalo yata tayong gumagwapo, ah?"

"Hindi naman. Kumusta? Blooming ka yata."

"Sus! Blooming pa ba 'to? Mukha na nga akong losyang. Stress na stress na ko sa acads. Nasaktan pa. Char!" napangiti ako, alam ko naman na para sa akin 'yong sinabi niya.

"I'm sorry, Mavis. It was my fault."

"Wala 'yon. Tapos na 'yon! Gwapo ka ba para maging bitter ako sa 'yo kahit three months na tayong break? Oo. Joke!" tumawa siya, pero hindi katulad ng tawa na nagustuhan ko sa kanya. Hindi 'yong tawa na kayang bumuhay ng malulungkot na kaluluwa. Wala na ang dating Mavis. Nawala ang dating sigla ni Mavis dahil nasaktan ko na siya.

Tatlong buwan na mula ng huli kaming magkita ni Mavis. Sa totoo lang, sa nakalipas na mga linggo, naiisip ko na darating ang araw na magkikita kaming muli. Hindi ko lang inaasahan na ganito pala kabilis ang magiging pagkikita namin. Nang huli ko siyang makita, mas malala ang sitwasyon namin ni Mavis. Nasaktan ko siya ng sobra. Hindi ko rin sasabihin na hindi ko intensyon na saktan siya dahil alam ko kung ano ang kasalanan ko. Alam ko ang pagkakamali ko. Kaya hindi ko dapat pagtakpan ang sarili ko. Masama ako. Masama akong tao dahil nasaktan ko ang girlfriend ko.

"Quin, nandito ka pal—," sabay kaming napalingon ni Mavis sa bagong dating. Nawala ang kulay sa mukha ni Mavis. Kahit anong tago niya sa tunay niyang nararamdaman, alam kong galit siya, makikita mong pamilyar sa kanya ang babae sa harap niya. "M-mavis?"

"Scarlet. Hi!" walang kagana-ganang sagot ni Mavis.

"Sige, una na ko sa inyo. Excuse me." nagmamadaling tumalikod si Scarlet ngunit naabutan ito ni Mavis, pinigilan niya itong umalis. "Mavis?"

"Busy ka ba, Scarlet? Yayayain ko kasi si Ollie na mag-chill. Catch up lang. Nakaka-stress na kasi." may diin ang bawat salitang binibitawan ni Mavis.

Mabilis na namutla si Scarlet. Kabaliktaran ng pangalan niya, nawala lahat ng pula sa katawan niya. Maputi si Scarlet, chinita, maganda ang kutis. Ngunit ang Scarlet na nakatayo sa harap ko ngayon, mas namuti pa. Nawala talagang lahat ang kulay sa mukha niya. Kahit naman siguro sino, tatakasan ng kulay kapag nakaharap ang taong iniiwasan nila. Hindi siguro inaasahan ni Scarlet na magkikita sila ni Mavis. Sa libo-libong tao nga naman na nagpupunta sa mall na 'to, maiisip mo pa bang makakasalubong mo ang taong pinagtataguan mo?

Matapang na siya. Hindi na siya 'yong Mavis na kilala ko. Hindi na siya iiyak sa isang tabi at kakalimutan na lang ang nangyari pagkatapos niyang mahimasmasan.

"A-ah, a-ano kasi M-mavis. M-may p-pupuntahan pa ko." kandautal-utal na sagot ni Scarlet. Nakita kong tumingin siya sa akin at humihingi ng saklolo ngunit hindi ako makapagsalita. Hindi ako makagalaw. Nanlalamig din ang mga palad ko.

"Sandali lang naman tayo. 'Di ba, Ollie? Ayaw mo bang makasama si Ollie, Scarlet? Parang hindi naman ganoon ang pagkakatanda ko." nag-iipon ako ng lakas ng loob para tulungan si Scarlet pero hindi ko talaga magawang iangat man lang ang kamay ko. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao sa paligid.

Ano ba dapat ang gawin ko sa ganitong sitwasyon? Naiipit na ako. Hindi ko alam kung sino ang papanigan ko. Isa lang ang sigurado ako, magagalit ang isa sa kanila oras na may kampihan ako.

"Sorry, Mavis. Hindi ko sinasadya."

"Sorry? Sorry, Scarlet? Anong magagawa ng sorry mo? Mabubura ba ng sorry mo ang sakit na naramdaman ko? Maaalis ba ng sorry mo 'yong panloloko niyo sa akin?"

"Mavis, please." pagmamakaawa ni Scarlet. "Sasama na ko. Huwag ka naman mag-eskandalo dito."

"Ah, nae-eskandalo ka? 'Yong ginawa mo sa akin, niyo sa akin, hindi ka ba eskandalosa sa lagay na 'yon? Puta!" tumulo ang luha sa mga mata ni Mavis. Nakakahiya man sa mga tao sa paligid, hindi ko pa rin magawang humakbang palapit sa dalawa. Ako ang dahilan ng pagtatalo nila pero wala akong magawa. Hindi ko man lang sila maawat. "Hindi ako 'to. Puta, Ollie! Hindi ako 'to. Hindi ako nang-aaway. Hindi ako marunong mang-away. Hindi ako marunong manakit. Hindi ako naninigaw pero puta, anong ginagawa ko ngayon? Anong ginawa mo sa akin, Ollie? Bakit ako naging ganito?"

"Mavis?" Lord naman. "Scarlet? Magkakilala kayo?"

"Tyn," bati ni Mavis sa babaeng hindi ko kayang tignan sa mga oras na ito. Hindi niya alam 'to. Hindi niya alam ang nangyari sa aming tatlo. At wala akong balak ipaalam. "kilala mo si Scarlet?"

"Yeah, classmate namin siya ni O. Blockmates."

Shit talaga! Bakit si Tyn pa ang pinadala niyong tulong? Hindi niya pwedeng malaman ang nagawa ko.

"Oliver, bakit nakatanga ka sa akin? I know pretty." hinawi pa nito ang buhok nito na parang nagpapapansin sa crush niya.

Crush na kita, hindi mo na kailangan gumanyan.

"Chua, alam mo ba, ex-girlfriend ni O si Mavis? Halos kahihiwalay nga lang nila. Buti Mavs hindi mo sinaktan 'tong kaibigan namin. Ganito lang talaga si O pero fragile 'yan."

"Totoo."

"Alis na ko, Tyn. Mavis, next time na lang. I really have to go." nagmamadaling paalam ni Scarlet. Hindi ko siya masisisi. Si Tyn lang ang pag-asa niyang makatakas sa gulong ito.

"Agad? Kararating ko lang. Tara, coffee muna. O's treat!" Not now, Tyn. "Please, Ollie Molly?"

"Sure, baby."

Tanga tanga! Tatlong babae mo in one date?

Never The Love Of HersWo Geschichten leben. Entdecke jetzt