Biglang nawalan ako ng ganang kumain at tumayo ako tsaka nagwalk-out sa hapagkainan.Hindi na ako nagpaalam na aalis ako ng bahay. Pinuntahan ko ang tunay kong ama na nasa kabilang lungsod. Two weeks ago pa kaming friends sa Facebook ng tunay kong ama pati sina mama at mga kapatid ko. Nag-message ako sa kanya kanina na magkita kami sa isang maliit na burger shop.

"Johnson, ba't ka di nagpaalam kina mama at Tito Randy na aalis ka?" tanong ng isang pamilyar na boses at may naramdaman akong may humawak sa braso ko.

Nang tinignan ko ay di ko namalayan na nasa tabi ko pala si Hansel.

"Hansel, sinusundan mo ba ako?" tanong ko

"Oo, kanina pa kita sinusundan simula noong sumakay ka ng jeep." sagot ni Hansel

Nasa loob na kami ng burger shop pero hindi pa nakarating ang hinihintay kong tao. Umupo muna kami sa isang bakanteng table na nasa gilid ng counter.

"Kaya pala may nakita akong familiar na lalaki na naka-facemask, naka-maroon na polo shirt at naka-itim na jeans kasi ikaw pala ang nakikita ko." sabi ko sabay gulo ng buhok niya.

"Yes, you're correct!" tugon ni Hansel

"Dahil kuya mo ako, dapat halikan mo ako sa lips." sabi ko sabay kurot sa pisngi niya.

Nagulat ako nang hinalikan ako ni Hansel sa bibig. Walang malisya ang halik niya sa akin kasi nasanay na ako na nilalambing niya ako.

"Anak, di ko alam na may kasama ka pala. Boyfriend mo?" ani papa at natawa si Hansel.

"Hindi, si Hansel po ito pa. Bunso kong kapatid. Hindi rin kami parehas ng tatay." pinakilala ko si Hansel kay papa.

"Sige, mag-o-order muna ako ng meryenda natin. Maaga kasi akong nag-lunch kanina." paalam ni papa

Habang hinihintay namin si papa ay nag-usap muna kami ni Hansel.

"Nagpaalam ka kina mama na aalis ka ng bahay?" tanong ko

"Oo, sinabi ko lang na pupuntahan ko lang ang teacher ko noong elementary." sagot ni Hansel

"Hindi ba sila nagtanong sa'yo kung ba't ako umalis?" tanong ko

"Wala naman silang itinanong sa akin." sagot ni Hansel

Biglang lumapit sa amin ang isang lalaki at nakangiti pa siya sa aming dalawa ni Hansel.

"Oh, are you the son of Paulo Ramiro?" tanong ng lalaki

"Opo, pero naghiwalay na sila ng mama ko at apelyedo ni mama ang ginamit ko." sagot ko

"I'm Daniel Sauza, boyfriend ako ng papa mo." pagpapakilala ng lalaki at nag-shake hands siya sa aming dalawa ni Hansel.

Umupo siya sa table namin at nagkataon naman na katatapos lang ni papa na mag-order ng meryenda namin.

"Babe, sorry for being late!" sabi ni Tito Daniel at hinalikan pa niya si papa sa lips.

"It's okey babe at least nakilala mo na ang anak ko pati ang stepson ko." tugon ni papa

Bigla akong natawa kay Hansel dahil napakabungisngis niya habang kumakain ng burger.

"Wow, ang sarap pala ng burger! Ililibre niyo po ako next time!" sabi ni Hansel habang ngumunguya.

"Hansel, mahiya ka naman sa sarili mo. Huwag kang masyadong mag-demand kay papa." sita ko

"By the way Johnson, ba't mo gusto makipag-usap sa akin?" tanong ni papa

"Hihingi sana sa'yo si Johnson ng pe--" huminto si Hansel sa pagsasalita nang sinubuan ko siya ng fries.

"Pa, naghiwalay kami ng boyfriend ko dahil sa mga fake news ng mga tsismosa. May kilala akong tao at ginawa ko siyang panakip-butas baka sakali makalimutan ko ang ex ko. Naghanap din siya ng panakip-butas para makaganti siya sa ginawa ko sa kanya. Kahit na may bagong syota na ako ay mahal ko pa rin siya." paliwanag ko at nagsimula na akong umiyak. 

Hinahagod ni Hansel ang likod ko.

"Anak, huwag kang maghanap ng panakip-butas para makalimutan mo ang nararamdaman mo sa kanya. Kung ako sa'yo, dapat magbalikan na kayo para di na kayo parehong masasaktan. Huwag niyong papansinin ang mga tsismosa basta ang mahalaga ay ipinaglalaban ninyo ang pagmamahalan ninyong dalawa." payo ni papa

(Ford's POV)

Nalaman ko na boyfriend na pala ni Johnson si Richard pero mahal ko pa rin siya. Nagbago na ako at hindi na ako ang dating Ford na mahal na mahal ni Johnson. Ginamit ko ang utak ko para makipaglandian sa ibang babae pero never akong gumawa ng milagro sa kama. Alam ko na sa puso ko ay mahal ko pa rin si Johnson.Kasama ko ang babae habang hinatid ko siya sa terminal ng van.

"Baby, puwede mo ba akong samahan sa mall bukas para manood ng sine?" tanong ng babaeng kasama ko

"Sure!" sagot ko

Hinalikan pa ako ng babae sa pisngi tsaka siya sumakay ng van pauwi ng bahay nila. Umalis na ang sinakyanb van ng babae pero nagulat na lang ako na may biglang nagsampal sa mukha ko nang malakas at dalawang beses pa akong sinampal.

"Hoy, sinong kasama mo kanina! Bagong syota mo?" tanong ng babaeng naka-eyeglass at di ako makasagot.

"Akala ko loyal ka pero marami mo na palang binibiktima!" sabi ng babaeng blondina.

Alam ko na galit sila sa akin pero ito na lang ang way ko para makalimutan ko si Johnson.

"Sabi mo sa akin ay pupuntahan mo ako sa bahay ko at bibili ka ng ice cream!" bulalas ng babaeng naka-eyeglass

"At sabi mo rin sa akin na mag-date tayo sa Jollibee!" bulalas ng babaeng blondina.

Di na ako makasagot at sa halip ay umalis na lang ang dalawang babae. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko sa sarili ko. Umiiyak ako dahil mahal ko pa rin si Johnson. 

Breathe With Me (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now