EPILOGUE

62 3 0
                                    

Dominic pov

"Hindi ka ba talaga pupunta!?",tanong ko kay monti andito ako ngayon sa hospital

"No im not",sambit nya

"Kailangan ka ni zariena don", natigilan sya at huminga ng malalim

"Mas hindi sya magiging okay kapag nakita nya ang taong gumawa non",

"Monti!? Please!? Nasabi ni zariena sa akin hindi nya sinasadyang magawa yon nung gabing yun",

"Kailangan ako ni Ljay wala pa rin syang malay hanggang ngayon", tumingin ako kay Ljay at lumaylay ang balikat na tumingin kay monti na umupo sa sofa

"Iilibing na sila sa isang araw, s-sana pumunta ka, nasabi sakin ni major ng makilamay sya eh! Ayus na raw sa head ang nagawa mo masaya ako ron pati si zariena",sambit ko

"Nasabi na rin ni major sakin, si mom!? Nasan!?",

"Nandon, tumutulong sa pag aasikaso sa burol",

"That's good!",sambit nya lumakad ako papalapit sa kanya, at niyakap sya sa likod na ikinatigil nya

"Hindi galit si zariena sayo, ang totoo nahihiya sya sayo, at sya ang nakokonsensya sa nagawa ni ciara at ni tita melisa kay Ljay",sambit ko  at bumitaw sa kanya

Saka sya hinalikan sa noo at tinanguan saka lumabas ng kwarto ni Ljay at umalis sa hospital at sumakay sa kotse ng makarating sa parking lot, huminga ako ng malalim

'sana maging ayus na kayo para matapos na',

Napapikit ako at huminga ng malalim, bago ipanaandar ang sasakyan patungo sa mansyon ni tito dielo, pero sa lahat ng ito masaya ako at medyo maayos ayos na si etelle at tito dielo na ikinatutuwa ko ang inaalala ko ay si zariena at monti

Vienriex pov

Napaupo ako at sumadal ang noo sa gilid ng kamay ni Ljay, napahinga ako ng malalim sa sinabi ni dad sa akin, hindi ko kayang marinig ang sakit na nararamdaman ni zariena ng dahil sa akin, natigilan ako ng may humaplos sa buhok ko kaya dahan dahan akong tumingala at napatayo ng makitang si Ljay yon napangiti ako at namuo ang luha sa mata

"Gi-gising ka na!",sambit ko at niyakap sya magaling na ang ibang sugat at pasa

"B-babe!?",hirap na bulong nito kaya humikbi ako, at isiniksik ang muka sa leeg nya, saka tumayo at tinawag ang doctor, maraming chineck sa kanya

"Sa ngayon ay okay na okay na sya kailangan na lang nya mag pahinga pa ng konti",tumango ako sa sinabi ng doctor maya maya pa ay dumating na sila tita at tito pati sila lolo at lola,

"Anak!!", salubong nito kay Ljay

"Apo!? May masakit ba sayo!? Ayus ka na ba!?",tanong ni lolo dito

"Im f-fine!", tumingin su Ljay sa akin, at ngumiti at sumenyas na lumapit ako kaya lumapit ako, sa kanya hinawakan naman nito ang kamay ko

"N-narinig k-ko yung sinabi n-ni tito do-dominic!? H-hindi k-ka pumunta!?", yumuko ako

"H-hindi ko alam k-kung panong haharapin si z-zariena",sambit ko tumitig sya sa akin

"Kailangan ka n-nya", tumingin ako sa kanya, at saka tumulo ang luha sa aking mata na kanyang pinunasan

"Narinig kong sa isang araw na raw ang libing nila, pupunta ka ba!?",tanong ni tito, nag isip ako at tumingin kay Ljay na tumango at ngumiti Kaya nagbuntong hininga ako

Zariena pov

Napaluha ako ng unti unting ibaba ang kabaong nila mommy at lola, napakapit ako kay kent at daddy sa pang hihina ng tuhod, alam kong marami akong pag kukulang bilang anak ni mommy pero ang pagmamahal ko hindi nawawala

B.E.T.R.AY.E.D  ( BOOK 2  )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang