CHAPTER 38

21 2 0
                                    

Zariena pov

Nang makaupo kami ay inaantay ko pa rin yung lima lalo na yung si Ljay, kaya agad akong tumayo ng makita ko sila sa entrance naka suot si tracey ng pink na skirt na talagang bagay sa kanya at si miles na kulay gray ang gown na tube at si mj at kent na naka suit na at si Ljay na mas lumitaw ang kakisigan sa suot nyang yan at ang buhok nyang basa at black na black

"Bakit ang tagal nyo!?", kunwareng reklamo ko

"Hahhahaha ito kase eh! Inantay namin mga magulang namin syempre! Nandon oh!",turo nila sa dumeretso na nilang magulang

Nag kwentuhan pa kami at umupo sa isang table na anim ang upuan sakto para sa amin, babalik ako kala dad dahil yun ang sabi ni dad sa akin kanina, ewan pero may napapansin ako kay dad hindi ko pa sya nakikita na ganon kasaya, at nananabik ang kanyang mga mata at hindi na makapag hintay, saka naman tumigil ang music at mag salita anh emcee kung hindi ako nag kakamali nakita ko na sya, sya yung babaeng tinawag ni dad na razel siguro ay kaibigan nya ang babaeng ito kaya nakinig kami

"can I get your attention for even a minute !? thank you so much for coming tonight for the gathering for mr. donny de leon, and now grandpa donny! come up here, and give a speech",nagpalakpakan kami saka naman umakyat sa stage si lolo nahagip ng mata ko ang mga instruments at piano, kaya napangiti ako na baka pwede akong kumanta para kay lolo

"Salamat razel iha! Salamat sa inyong pagpunta sa aking kaarawan, at gusto ko ring pasalamatan ang nag organize ng party napaka ganda, at syempre hindi ko makakalimutan ang aking apo na si etelle kilala nyo sya hindi ba? Nakauwi na sya at ngayon ay itong mansyon na ito ay pag mamayari nya pati na rin sa kanyang asawa na si darwin maraming salamat sa inyong dalawa at ngayon ay gusto kong mag enjoy kayo sa magiging pasabog at sana ay mag saya kayo, lalo na kapag nakilala nyo pa ang isa kong apo na bukod kay zariena na kilala nyo na ipakikilala ko sa inyo ang isa kong apo mula kay etelle hahahahahha!",masaya si lolo sa tuwing nababanggit ang apo nya dun sa etelle kaya gusto kong makilala

"Zariena! Sino yung etelle!?",tanong ni mj

"Sabi nila kapatid daw ni mommy!", Nanlaki ang mata nila

"May kapatid ang mommy mo?", tanong ni ljay

"Oo, nashock nga rin ako eh! Nalaman ko lang nung pag uwi ni lolo",

"Wow!! So may isa pang apo sa tuhod ang lolo mo?",tanong ni tracey

"Oo, zhou daw ang pangalan",kinilig naman si miles

"Hala! Pangalan pa lang gwapo na!",natawa ako sa sinabi nito

"Tungek! Babae yon!",ngumiwi naman sila

"Babae!? Eh? Bakit zhou?",si kent

"Ewan! Yun ang tawag ni lolo eh",kibit balikat na sagot ko

"Ipinakikilala ko sa inyo ang nag babalik kong apo mula sa korea,!!! Etelle de leon montireal!!!!",tumingin kami sa hagdan na tinamaan ng spot light kaya dumilim ang paligid

"Ang ganda nya!",usal ni mj, naka suot ito ng white gown at naka pusod ang kanyang buhok light ang make up pero maganda sya at maganda rin sya ngumiti, saka ito bumaba at pumunta sa stage at humalik sa pisnge ni lolo

"Hahahaha napakaganda! At ang isa ay ang kanyang asawa darwin montireal!",isang lalaki ang umakyat sa stage, gwapo ito at talagang napaka gandang lalaki nakipag kamay ito kay lolo at yumakap

"Hahahahaha ang asawa ng aking apong si etelle darwin!",nagpalakpakan kami lahat ay masaya at nakatingin sa stage,
"Mamaya ay makikilala nyo ang apo ko dahil may gagawin pa syang exhibition pagkatapos kong mag salita dito", biro ni lolo kaya tumawa lahat, binigay ni lolo ang mic sa babae kanina

B.E.T.R.AY.E.D  ( BOOK 2  )Where stories live. Discover now