CHAPTER 43

26 3 0
                                    

Ciara pov

Sobrang hiya ang naramdaman ko sa oras na yon, napahawak ako sa dibdib ko na ang bilis ng tibok, ewan ko pero may kung ano sa anak ni etelle na hindi ko maintindihan, napahawak ako sa pisnge ko at tiningnan yon sa front mirror ng kotse ko at napakuyom ng namumula ito sobra magkabila pa

"Panong nakakilos sya ng ganon kabilis!!!",naalala ko ang kilos nitong pagtayo at pag dampi ng palad nya na walang alinlangan sa muka ko

'ang lakas ng loob nyang sampalin ako ng ganon',

Sa pag iisip ay pinaharurut ko ang sasakyan pauwi sa mansyon, at pumasok don at hinanap sila mommy at daddy nakita ko ito sa sala nag kakape

"Mommy!! Daddy! Bakit hindi nyo sa akin sinabi na sila etelle na ang may pinaka malaking shares aa school na pinapasukan ni zariena at nakabili ng buong lupa na kinatatayuan ng school!?",giit ko kala mom na tumingin sa akin at nanlaki ang mata

"What happened bakit namumula ang pisnge mo!?",dali dali itong pumunta sa akin at hinawakan ang pisnge ko at dahil nga mahapdi ay napaiwas ako

"Ciara!! Sino ang may gawa nyan!?",galit na tanong ni dad

"Si zhou!!",usal ko kaya natigilan sila

"Ano!!?",tanong nila

"Yes mom! Ang anak ni etelle ang may gawa nito sa akin!",

"Bakit!? Naman nya ginawa yon!? Talagang bastos ang batang yan!",singhal ni daddy

"Ano bang nangyare kasi!?",

"Mom! Tumawag sa akin ang apo nyong si zariena, sabi daw ay pinahatak daw ng Zhou na yon ang kotse na niregalo nyo",

"Ano!? At anong karapatan nya don!?",

"Anong sabi ng dean!!?",

"Yun na nga dad! Wala syang ginawa, ang sabi nya ang mga montireal na daw ang may ari ng lupa at school! Panong nangyare yon!!",

"May bumili ng shares sa school at si--",

"Si etelle mom!! Sya! 60% yon mom! Ang laki naman sobra!",angal ko
"Tapos sabi nung dean eh! Si yung asawa ni etelle ang nag tubos ng lupa o bumili ng lupa sa mismong may ari non! Kaya ang mga montireal na ang nag mamayari non! Bakit hindi nyo sinabi sa akin!? Napahiya kami ng anak ko don!",

"Dahil hindi naman namin alam na interesado ka!",si dad

"Naman eh! Tapos yung anak nila! Nakakainis ang batang yon! Ang lakas ng loob nya! Walang alinlangan akong sinampal!!",angil ko

"Ano!? Ginawa nya yon!? Pati ba si zariena ay ginanon nya!?",si mom

"Oo mom! Pati ang anak ko!",

"May nasabi ka atang hindi maganda sa bata kaya ka sinampal!!",natigilan kami sa boses ni lolo na kadadating lang seryoso ang muka nito

"Lolo! W-wala!",pag sisinungaling ko, naalala ko nasabihan ko ng malandi si etelle

"Wala!? Kung ganon bakit namumula ang magkabila mong pisnge!? Sa sampal nya!? Kilala ko ang batang yon! Ciara! Hindi yon basta basta nananakit kapag balewala sa kanya ang ginagawa o sinasabi ng kaaway nya, maliban na lang kung tangkang sinaktan mo sya eh! Talagang lalaban ang isang yon, pero sa nakikita ko ngayon sa pisnge mo ay may nasabi kang hindi maganda na ikinainit ng ulo nya!? Tama ba ciara!?",natahimik ako sa sinabi ni lolo

"Dad! Nasaktan na anak ko! Sya pa ba kakampihan nyo!?", Si daddy

"Dielo! Halos kilala ko ang apo kong ciara! At mas lalo na si zhou! Mag kasalungat sila ng ugali! At sa nakita at narinig ko kanina mula sa bibig ni ciara ay anak mo ang mali! Tumigil ka dielo! Matagal na panahon na akong nag titimpi sa anak mong yan! Umayos ka ciara! Bago pa dumating ang punto na malaman ni zhou ang kalokohan na ginarawa ninyong tatlo! Kay etelle! At pag sabihan nyo si zariena! Nakausap ko ang dean kanina ng school at sinasabi nya sa akin ang lahat ng nakikita nya na ginarawa ni zariena kay zhou, sinasabi ko sa inyo ito! Hindi nyo magugustuhan kapag nahalungkat ni Zhou ang mga bagay na ginarawa nyong pang aagrabyado kay etelle!",sigaw nito na ikinatahimik namin at ng buong mansyon saka umakyat sa taas, nagkatinginan kaming tatlo at nag tataka sa sinabi ni lolo

B.E.T.R.AY.E.D  ( BOOK 2  )Where stories live. Discover now