CHAPTER 65

13 2 0
                                    

Vienriex pov

Halos paliparin ko ang sasakyan ko patungo sa lugar kung saan nakalagay ang location ni mommy, nalolocate ko sya dahil sa kwintas na binigay ko sa kanya, kaya nang makapunta ron ay bumungad sa akin ang ilang armadong lalaki na nakabantay sa labas ng gate, nagparada ako sa kalayuan sa gate at madilim na parte, bago nagtaklob ng muka at naglakad ng tahimik bago, hinawakan ang likod ng lalaki at binali ito, saka tumalon sa ere et binaliktad ang braso nito at siniko ang batok dahilan para mawalan ito ng malay, hinila ko ang katawan nung dalawa sa tabi ng madilim na parte at sumilip sa butas ng siwang ng gate bago inakyat ito at tahimik na lumanding, bago dumaan sa madilim na parte at isa isang Pinatumba ang nga tauhan na humaharang sa dinaraanan ko

Sa likod ng mansyon ako dumaan at saka umakyat sa may veranda dumaan sa hagdan ron, marami akong napatumba bago kinuha ang baril, at kinasa iyon

"Hoy?!", sigaw ng lalaki kaya pinaputukan ko ito

'nalintikan na!',

Sunod sunod na tauhan ang sumalubong sa akin kaya pinaputukan ko ito ng sunod sunod na walang palya bago patakbo na tumago sa gilid ng paputukan din ako nito, nakita kong lumabas si ciara at melisa at Brandon sa isang kwarto kaya naman tumago ako at tumalon sa isang hagdan bago pinaputukan ang tatlong lalaki sa mismong noo, at mabilis na lumuhod at yumuko bago pinaputukan ang dalawang lalaki sa taas ng floor at nag tago sa likod ng sofa at pinaputukan sila, umakyat ako sa hagdan habang magkikipag palitan ng putok na wala pang sablay o nasasayang na bala,

"Yahh!!",nasalo ko ang braso nito at umikot bago Pinatid saka pinaputukan,

"Sinong lintek na nagpangahas na pasukin ang teritoryo ko ha!!!",sigaw ni brandon

"T-tulungan nyoko!!!!", tumingin ako sa kwarto na nilabasan nila ciara ng marinig ko ang sigaw ni mommy

'eomma!',

Pinaputukan ko sila ciara at nakatago sila, saka tumakbo sa hagdan paakyat sa kwarto kung saan si mommy, nagpaulan ako ng bala sa baba ng mawalan ito

Hinila ko ang kwelyo ng dalawang lalaki saka sinipa ito at umikot ng mabilis at agad na binigyan ng sinapak at sinipa sa ere  bago kinuha ang baril nila at ginamit sa pag tapos sa ibang tauhan na natitira sa paligid nila brandon, agad na nagsilabasan sila paniguradong tatakas sila pero wala akong pakialam, kailangan kong makuha agad si mom


Etelle pov

Pinapalo palo ko ang pinto pero walang sumasagot, kanina pa ako sigaw ng sigaw na tulungan ako tanging sunod sunod na putok ng baril ang naririnig ko, kaya napaupo ako pero napaurong ako ng bumukas ang pinto, nakataklob ang muka nito, mukang tauhan sya nila ciara kaya tumakbo ako papalayo, pinasadahan nya ng tingin ang kabuuan ko kaya tinakip ko ang braso ko sa bandang dibdib ko na punit ang damit, pero natigilan ng makilala ang matatalim at seryosong mata nito, sunod sunod na tumulo ang luha ko magulo ang buhok ko dahil dun sa kanina,

"Z-zhou!? A-anak!? I-ikaw ba yan!?",tanong ko inalis nito ang taklob sa muka at napahagulgol ng si zhou nga ito kaya niyakap ko ito

"E-eomma!? W-what happened t-to you!?",tanong nito saka ako hinawakan sa braso at tiningnan ako kaya umiyak ako na parang bata sa harap nito

"B-binalak n-nila n-na iipagahasa ako!!",saad ko ang mata nitong matalim ay mas tumalim pa lalo, humigpit din ang hawak nito sa braso ko, niyakap ako nito at binalot sa akin ang suot nyang jacket bago hinawakan sa kamay papalabas, don ay kumalabog ang puso ko ng makita ang mga wala ng buhay na katawan sa buong mansyon may mga dugo rin yung iba ay bali ang kanilang braso at leeg, tumingin ako kay zhou na tuloy tuloy sa pag baba, saka lumipat ang mata ko sa kamay nitong may hawak na baril

B.E.T.R.AY.E.D  ( BOOK 2  )Where stories live. Discover now