CHAPTER 45

40 2 0
                                    

Zariena pov

Tumayo ako at nag pagpag sa sarili ang hapdi ng pisnge ko, sa sampal nya

"Ano!! Anong itinatayo tayo nyo jan!!!??",sigaw ko sa mga studyante na nagkumpulan sa amin kanina habang tumatawa

"Alis!!",sigaw ni tracey

"Napakalakas naman ng loob nya para ganonin ang anak ng may ari ng school, tara na nga!",bulong ng isang grupo ng babae saka umalis napakuyom ako ng kamay

"Nakakainis!!! Ahhh!",pumandyak padyak ako sa sahig sa sobrang inis

"Ang bilis nya kumilos!! Letse!!!",inis na usal ni miles

Kahit ako nag tataka ang bilis nya kumilos hindi ko agad inaasahan ang kilos nya, hindi ko rin mabasa kung ano ang nasa isip nya, nakakainis!!!

"Tara!",usal ko saka naglakad patungo sa canteen sumunod naman sila sa akin, lalo pa akong napakuyom ng makitang umupo si Ljay sa table ni zhou

"Anong ginagawa mo dito!!?",inis na tanong ko kay zhou na nag angat ng tingin sa akin

"Zariena? Ano na naman! Ba!?",tanong ni Ljay

"At bakit ha!? Ipagtatanggol mo sya!! Hindi naman sya nararapat dito! Hindi sya bagay dito!!",sigaw ko

"Wala namang ginagawa sayo yung tao!!!",si Ljay

"Pano ko naman nasabi na hindi ako nararapat dito!? Eh? Kami ang may ari dito! Isa pa kung may hindi nararapat dito ikaw yon!", tumingin ako kay zhou

"Isang stock--",

"BOBO KA BA TALAGA!!?",natahimik lahat sa sigaw ni zhou
"Isang stockholder lang ang lolo at lola mo! At 30% lang yon! Habang ako ay 60% at pati ang lupa ay pag mamayari ko!! Ang lakas naman ata ng loob mo para sabihing ako ang hindi nararapat dito!!?",natahimik ako sa sinabi nito

"Dahil sayo! Nag kandeletse letse ang buhay ko!!",

"Ano bang ginawa ko sayo ha!?? Wag mo sabihing dahil sa party!? O baka naman dahil sa kahit saang paraan eh! Lamang ako sayo!?",deretsang sabi nito
"O dahil sa kanya",turo kay Ljay na ngayon ay wala ng emosyon ang muka

"Parehas!!!", sigaw ko, kunwareng natawa si zhou

"Pwede ba kahit minsan! Gamitin mo ang utak mo!! Wag ka puro sugod at puro pag bibintang ng mga bagay bagay! At isa pa!?? Syota mo ba ito?",tanong nito sa akin habang nakaturo kay Ljay na nagulat din
"Tinatanong kita syota mo ba ito?",

"H-hindi!! Pero mahal ko sya!!",

"Bwaahahahahhah!!!",napakuyom ako ng tumawa ito kahit ang ibang nandito

"Anong nakakatawa!!?",

"Yun naman pala eh! Hindi mo naman syota kung umasta ka kala mo inaagawan ka!",

"Mahal k-",

"Mahal ka ba!?",natigilan ako sa sinabi nito, blangko na ulit ang muka ni zhou

"Bwahahahahahhah!!!", sigaw ng nakakarinig

"Tinatanong kita! Sabihin na nating mahal mo nga ito!",turo kay Ljay
"Mahal ka ba!? Kung umarte ka kase ay talo mo pa ang syota ah! Ni hindi ka naman pala mahal nung tao kung umasta ka tsk! Sa susunod mag isip! Ka! Kung pinapalayo mo ko sa kanya! Isipin mo muna kung dinidikitan ko ba ito!",singhal nito saka kinuha ang pagkain at inumin saka ang bag at isinakbit sa likod at umalis

Tumingin ako kay Ljay na ngayon ay tumayo na rin kaya hinawakan ko ang braso nito

"Ljay?",

"Hindi kita gusto at hindi kita gugustuhin! Zariena kaya please tama na!!",sambit nito saka umalis dahilan para manlamig ang katawan ko

B.E.T.R.AY.E.D  ( BOOK 2  )Onde histórias criam vida. Descubra agora