CHAPTER 58

25 2 0
                                    


Kent pov

Hindi ko akalain na iiyak ako ganito kagrabe, nakaluhod si zhou sa harap habang yakap ni Ljay umiiyak ito ng walang ingay pero ang sunod sunod na patak ng luha nito sa mata na aming nakikita ay sapat na para malaman namin na sobra syang nasasaktan at higit pa yon sa sobra, dahan dahan itong tumayo habang alalay ni Ljay at ni tito dominic si zariena naman ay nakatalikod at tahimik na umiiyak kaya naman nilapitan ko ito

"Here! Take this",binigay ko ang panyo ko at kinuha naman nya iyon, para ako nalatak ng makita ang maslalo nitong pag iyak, kusang gumalaw ang kamay ko at niyakap ito, doon ay naghikbi sya sa dibdib ko habang pinapanood si zhou na lapitan ang kabaong ni lolo donny, ang kaninang tahimik nyang iyak ay nagingay ng mahawakan nya ang kabaong ng lolo, napapikit ako habang dama ang sakit ng taong nasa paligid ko halos lahat ay nadala sa iyak ni zhou, yung iba ay umiwas ng tingin para mabawasan ang pagkahawa nila ng sakit at iyak, humahagos si zhou sa unahan at lahat ng mata ay nasa kanya lang, nilapitan sya ng kanyang lola at hinagod sa likod habang nakatakip sa bibig at pinipigilan ang paghikbi nya

"L-lolo!!! Aggghhggggggggg!!!",napakuyom ako ng kamay ng pumatak ang luha sa mata ko at mahigpit na niyakap si zariena na ngayon ay mas lumakas ang hikbi

"S-sino!?? L-lolo!?? S-sino ahhhhg!!!!",ang kaninang sakit na nararamdaman namin sa iyak ni zhou ay unti unting naramdaman namin ang galit nya sa bawat salita na binitawan nya

'fuck this!!!',

"B-babe!! Shhhh!!",pag aalalo ni Ljay kay zhou

Vienriex pov

Gusto kong magwala sa paulit ulit na kumakalabog ng sakit sa dibdib ko, nagagalit ako dahil wala akong nagawa para iligtas ang lolo ko sa kamay ng mga hayop na yon! Wala akong nagawa! Wala!!

"Huhuhuhuhuhuhuhu!!!!! P-pagbabayaran n-nila i-ito!!",bulong ko napakuyom ako at hindi ininda ang sakit, unti unti ay nawawala ito pero patuloy pa rin sa pag luha ang mata ko, wala akong maramdaman pero umiiyak ako, pinakalma ko ang sarili at maya maya ay isang ala ala ang namamahagi sa aking isipan

'apo? Ang lahat ng bagay ay may katapusan! Hindi habang buhay ay nananatili, balang araw ay mawawala ako sa mundong ito gusto ko ay mailaan ko sayo ang huling sandali, isa pa apo? Maipapangako mo ba sa akin na ikaw ay mas magiging matapang at matatag kagaya ng iyong lolo!?? Hahahahaha bayae!! Alam kong mas matapang ka nga talaga sa akin! Ikaw ang dabest apo ko!! Hahahah kahit marami akong apo ikaw! Ang pinaka paborito ko! Mahal na mahal kita apo ko',

Umiyak ako sa mismong braso ko habang nakaduko sa kabaong, tahimik na umiyak may nag sasabi sa puso ko ng bagay na ayaw kong gawin, alam kong hindi matutuwa si lolo non, pero nag kukusa ang malamig na awra sa katawan ko ay unti unting tumindi, hanggang sa hindi ko na alam kung anong gagawin ko ang pagluluksa ba o pag hanap ng hustisya para sa lolo ko

'tama! Ikaw hindi nila maibigay sa akin ang hustisya! Ako ang kukuha ng hustisya na gusto ko! Ako ang hahatol! Ako ang mag sasabi kung anong klaseng kaparusahan ang kanilang kailangan aa ginawa nila sa lolo ko! Kulang ang salitang kamatayan',

'buhay ang kinuha nila pwes buhay rin ang kapalit, maniningil ako at sisiguraduhin kong pagnalaman ko kung sino ang may kagagawan, bibigyan ko sila ng sukli na ikadudusa nila, mag mamakaawa at higit sa lahat sasabihin nilang patayin ko na lang sila',

Napakuyom ako at hinayaan ant sariling dalhin ang paa kung saan, hinabol ako nila mommy at daddy kahit sila Ljay pero hindi ako nakinig patuloy lang ako nasa labas na ako ng biglang bumuhos ang malakas na ulan, bumalot sa mas malamig sa aking katawan habang lumalandas ang luha sa aking mata pababa sa aking pisnge, pinikit ko ang mata ko at napaluhod sa damuhan at doon humagulgol ng humagulgol doon ay nag wala ang buong sistema ko pinag susuntok ko ang damuhan natatalsikan din ako ng putik sa katawan,unti unti ay mas lumakas ang ulan tumingala ako at don ay humiling

B.E.T.R.AY.E.D  ( BOOK 2  )Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu