CHAPTER 40

26 3 0
                                    

Zariena pov

Nakakainis sya, napakayabang porke sya yung pinag mamalaki ni lolo sa lahat at pinupuri kung umasta! Kala mo kung sino at kung bastusin nya ng ganon si mom at lolo at lola kanina parang kaedad lang nya ang kausap, tapos kung barahin ako kanina, nakakapang init ng ulo

'ahhhhh!!',

Gusto kong mag wala sa sobrang galit ko sa babaeng yon, nung una yung relo, sunod naman sa pag bastos nya kay mommy at lolo at lola, tapos ung papuri noon na sa akin napupunta sa kanya, pati si lolo donny pinag mamalaki sya, aaminin kong mas talented sya kesa sa akin pero ang yabang pa rin nya!! Kung hindi lang ako nasa party ni lolo at kung nasa teritoryo ko sya baka kung anong nagawa ko sa kanya

'akala mo naman kung sinong maganda!',

Bumalik na naman sa isip ko ang mga sinabi ng lolo ni Ljay, kaya napakuyom ako ng kamay hindi! Hindi pwede yon! Pati mga magulang ni Ljay ng ipakilala ni lolo sa kanila si zhou kanina tuwang tuwa sila at nung nag hawak ang kamay ni zhou at Ljay nakakainis! Wag nyang sabihin pati si Ljay aagawin nya sa akin!!.

Pauwi na kami at katatapos lang ng party pero hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko ang kaninang pang liliit ko sa sarili ko, hindi pa ako nakakakilala ng makakalamang sa akin ng ganon, tapos ang tingin pa ni Ljay sa zhou na yon! Kanina! Nakakainis!! May pa akting akting pang walang interes! Malandi rin naman

Nang makauwi ay agad akong pumasok sa bahay at dumeretso sa kwarto at nilock iyom saka pinalo palo ang unan sa kama, sa sobrang galit ko at napahinga ng malalim,

'may araw ka sa akin!! Hindi ako papayag kung pati si Ljay ay mapupunta sayo!',

Nag igting ang panga ko na pati lolo at pamilya ni mj at kent ay gustong ipakilala ang mga kaibigan kong lalaki sa babeng yon, parang gusto nilang ipag kasundo si kent et mj pati na rin si Ljay kay Zhou, na mas lalong ikinainis ko, ano bang meron sa babaeng yon at ganon na lang bigla ang lahat sa kanya!! Dati ng una akong makilala ng lolo ni Ljay hindi ganon ang nakita kong saya sa mata nito higit pa ron ang nakita ko kanina at kagustuhan nitong ipakilala si Ljay kay zhou

'wag na wag lang zhou!! Makakaharap mo ko lintek ka!!',


Etelle pov

"Hhayyy! Kapagod",nag hilata ako sa kama sa pagod na matapos ang party inabot kami ng umaga dahil inayos pa namin ang mga ito at i alis ang decoration nahiga naman si darwin sa tabi ko kaya nakatitig lang kami sa kisame

"Napapansin ko ba kanina!?",tumingin ako dito

"Ang alin!?",

"Si ciara! Parang kinukumpara nya si Zhou sa anak nya",natawa ako sa sinabi nito

"Halata naman eh! Hanggang ngayon nakikipag kompentensya sa akin",sambit ko

"Napansin ko si dominic na nagiging malapit sa kanina kay zhou! Ano gagawin mo?",tanong nito kaya natigilan ako, naalala ko ang saya at ningning ng mata ni dominic habang kausap si zhou, habang ang isa nyang anak ay nananahimik

"Wala", tumingin sakin si darwin

"Tingin mo? Kailangan na natin sabihin kay zhou ang totoo?",huminga ako at umupo

"Hindi ko alam, hanggang ngayon natatakot ako para sa anak ko",

"Naiintindihan kita, kahit naman ako ayaw kong lumayo ang loob ng bata sa atin dahil pinag sinungalingan natin sya",humiga ulit ako at nag isip

"Alam ko rin naman yon! Natatakot lang ako na baka maapektuhan ang dalawang bata",tukoy ko sa anak ko at anak ni ciara

"Hindi maiiwasan yon, Damay at damay sila dito kahit itago mo man o aminin damay sila pareho",natahimik ako
"Matalino ang anak natin etelle alam nya kapag may tinatago ang isang tao, at alam kong alam nya na may tinatago tayo hindi lang sya nag sasalita dahil gusto nya yung umaamin etelle, kilala mo si Zhou higit na ayaw nya ay yung nag sisinungaling",giit nya may punto sya ayaw ni zhou ang ganon

B.E.T.R.AY.E.D  ( BOOK 2  )Où les histoires vivent. Découvrez maintenant