CHAPTER 33

74 6 0
                                    


Dominic pov

Nandito ako sa mall at pauwi na bumili kase ako ng regalo para kay lolo sa birthday nya may binabalak din kaming birthday party nya sa mansyon nya mismo gaganapin at sabi sa akin ni tito dielo ay nakauwi na si lolo donny nung isang araw pa kaya eto ay pauwi na rin pero sa kalagitnaan ng biyahe ko ay napahinto ako ng biglang tumigil ang kotse ko kaya bumaba ako at napahawak sa buhok ng nabutas ang gulong

'hhaaayyss!! Dominic!!!',

Ilang oras ako don at tinatawagan ko yung kaibigan kong si gelo para sana sunduin ako pero hindi ito sumasagot ng biglang may humintong napakagarang sasakyan sa likod ng kotse ko, inaninag ko ang tao sa loob para humingi ng tulong, bumaba ang isang babae na kasing edad ni zariena, napanganga pa ito dahil napaka ganda nito mukang barbie pero hindi sya babaeng babae kumilos dumaan ito sa gawi ko kaya hinarang ko ito kumunot agad ang noo nito, napatitig ako sa muka nito ng parang pamilyar ang muka nya

"Who are you?",napalunok ako sa walang dahilan ng malamig na tinig nito

"Can you help me!?",turo ko sa gulong ng sasakyan ko at tumingin ito sa akin saka tumingin uli sa gulong ng sasakyan ko at tumango

"But still!? Who are you?",tanong nito

"Dominic! Dominic pajares",pakilala ko at inilahad ang kamay pero nalaglag ito ng hindi man lang nya tanggapin

'sino ba mga magulang mo?? At ganyan ka! Psshh! Napahiya ako don ah!',

Tumungo ito sa sasakyan ko at ipinauna ang kotse nya at hinila ito sakay ako sa isang ayusan ng nasisiraan ng sasakyan saka walang emosyon na tumingin sa akin at sumakay sa sasakyan at umalis, napanganga akong sinundan ang tingin ang kotse at humawak sa puso ko

Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa batang iyon, sino ba yon? Napahiya ako kanina tsk! Kakaibang bata! Kinausap ko ang mag rerepair ng kotse ko at ilang oras ako don bago naayos ang kotse ko, hanggang sa makauwi ako ay yung batang babae ang nasa isip ko





Vienriex pov

Napaisip ako kung sino yung lalaking humarang sa akin kanina, kakaiba sya makatitig sa akin, kala ko kanina masamang tao malay ko ba, hindi ko sya kilala pero nag kusa ang katawan ko na tulungan sya kung tutuusin hindi ko ugali ang ganon kapag hindi ko talaga kilala hindi ko kinakausap pero ang taong yon!? Ewan, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kanina

Nag iikot ikot ako dito sabi kase ni lolo kailangan kong makabisado ang lugar na ito nagpasama pa ako kay dad kahapon na iikot ako para naman makaya ko pag ako na lang mag isa, tutungo sana ako sa mall pero dahil sa lalaking yon naumay ako kaya naman hindi na lang ako tumuloy sa mall at umikot pa ng umikoy hanggang sa makabisado ko nakaratinga ko sa university na sabi ni lolo na aaralan ko dito unang tingin ko lang dito sa labas ng gate alam ko ng malaki at malawak ito sana lang wala akong makaaway sa school na ito dahil sa school ko dati walang nag tatangka talaga

Saka ako umalis at tumungo sa park at sa iba pang lugar dito, masasabi kong maganda nga ito kagaya ng sinabi ni lolo sa akin noong bata ako, matagal ko ng gustong sumama kay lolo tuwing sasabihin nyang uuwi sya dito, at hanggang ngayon ay gusto ko kaya talagang pumayag ako agad ng sabihin ni lolo na dito ako mag aaral, nag tataka lang ako na sa tuwing babanggitin ni lolo noon kay mom ang pag aral ko dito ang takot at sakit ang nakikita ko sa mata ni mom pakiramdam ko may hindi sa akin sinasabi si mom pero hindi ko na lang pangungunahan hahayaan ko syang sabihin sa akin yon, mukang seryoso din at hindi madali kay mom

Nang mapagod ay umuwi ako sa mansyon, maganda ang ipinagawa ni dad na mansyon para sa amin ni mom, syempre simple lang si mom kaya nalalakihan sya bagay na nagustuhan ng lahat kahit ako kay mom, mabait si mom at kapag nag kakamali ako hindi nya ako pinapalo o kaya naman sinasaktan kinakausap nya lang ako, isa pa ron ay matalino si mommy kaya talagang hanga ako sa kanya pagdating sa mga bagay bagay kagaya ni dad kinwento ni lolo sa akin kung gaano katapang at katatag si mommy noon, hindi naman sinasabi ni lolo kung kailan

"Zhou?",tawag ni dad sa akin

"Appa!?",

"Saan ka galing!? Pagkagising namin wala ka?",

"nan geunyang appaga yeogijeogileul dolmyeo hal-abeojiga malsseumhasindaelo oewoss-eoyo",paliwanag ko
(' i just dad circled the whole place and memorized as grandpa said' )

"Sa susunod mag paalam ka",

"Yes appa!",usal ko

Hindi ko rin alam pero mahilig ako mag salita ng iba iba halo halo daw sabi ni tita razel, si tita razel na walang ibang gawin kung hindi pilitin akong magsuot ng dress na binibili nya

Dont forget to VOTE and COMMENTS!!❤️

B.E.T.R.AY.E.D  ( BOOK 2  )Where stories live. Discover now