"Nothing." Binalik ko na ang atensyon sa pagkain "By the way, thank you dito sa almusal."


Napangiti siya ng slight "Anytime for you, Annie."


Hindi ko alam kung bakit ako biglang nakaramdam ng kakaiba. Isinawalang bahala ko na lamang yun.

After ko kumain ay siya na din ang naghugas ng pinagkainan ko. Sinabihan ko naman siya na ako nalang pero ayaw naman niya kaya bahala siya. Ewan ko din ba sa babaeng yan at ang bait ng pakikitungo niya sa akin.



Andami kong mga tanong sa kanya. I'll ask her nalang sa tamang panahon.


Same routine lang ang ginagawa namin ni Mindy. Paglulutuan niya ako ng breakfast at lunch then sa bandang hapon ay pupunta kami ng park para maglibot-libot. After non ay uuwi kami ng bahay at paglulutuan niya ako ng dinner. Gusto pa nga niya sana na hintayin ako na makatulog bago siya umalis kung saan tinutulan ko. Ayaw ko na lalo siyang gabihin sa daan. Isa pa hindi na ako bata para hintaying niya na makatulog.



Pauwi na kami ngayon galing park. Nakailang libot din kami dun bago ako nagpasya na magpahinga. Ilang araw pa lang kami magkasama ni Mindy pero nagugustuhan ko na ang company niya. I hate to admit it pero nasasanay na ako sa kabaitan at sa presensya niya.


Tahimik lang kaming naglalakad. Ewan ko ba at komportable ako sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Meron kasi yung iba awkward kapag masyadong tahimik. Kapag sa kanya hindi ko nararamdaman yun. It feels like I'm with the right person. Right person like friend ha? Hindi yung right person na right person. You know what I mean? Basta yun. Bakit ba ako nag-eexplain? Nagmumukha tuloy akong defensive. Hayss.


May nadaanan naman kami na nagbebenta ng mga street foods. Gusto ko sanang bumili kaso wala akong perang dala nasa bahay huhu. Napatingin ako kay Mindy. Manghiram kaya muna ako sa kanya? Babayaran ko nalang siya pag nasa bahay na kami.



Tinapik ko ang braso niya gamit ang siko ko. Agad naman siya napatingin na parang nag-aalala? Hmm.



"Yes mahal?" Nagulat naman ako sa tawag niya sakin. I think she's not aware dun sa sinabi niya kaya never mind nalang baka iniisip niya lang yung jowa niya kaya natawag niya akong ganun.



"Uhm...ano may pera ka bang dala?"


"Bakit?" Nilipat ko ang paningin ko sa nagbebenta ng mga ihawin. Napatingin din siya sa kung saan ako tumingin at nilipat ulit ang paningin sakin. She scoffed. Nauna na siyang pumunta dun sa nagtitinda. Sumunod nalang din ako. Nilingon pa niya ako and tinanong kung anong gusto ko and she uses that endearment again pero gaya nung kanina hindi ko nalang pinansin.



Andami kong kinain. Nakakamiss kasi kumain nun. Nakarating na din kami sa wakas sa bahay after namin tumambay saglit dun sa inasalan.


Tinulungan ako ni Mindy na humakbang sa steps papasok ng gate kahit na di naman kailangan. Kanina ko pa napapansin na ang init ng mga palad niya. Mukhang di rin siya okay kahit na ilang beses na niyang sinabi na okay siya.

Nang makapasok na sa bahay ay nagpahinga muna ako sa sala habang siya naman ayun nasa kusina.


After niya akong lutuan ay nagpakain na siya and this time sumabay na siya sa akin. Ang tahimik talaga ng babaeng to nakakapanibago. Ang sarap awayin tuloy tss.


After namin kumain ay nagpumilit ako na ako na maghuhugas at umupo nalang muna siya. Magpahinga muna. Sinabi naman niya na sa sala nalang daw muna siya.



Pagkatapos kong maghugas ay agad ko siyang pinuntahan sa sala. Naka-on yung TV akala ko tuloy nanonood siya. Nadatnan ko kasi siya na natutulog. Nagsasayang ng kuryente. Ioon yung TV di naman pala manonood.


Marahan ko siyang tinapik sa braso niya. Medyo nagtaka naman ako kasi ang init ng braso niya. Hinawakan ko ang braso niya saka inilipat ang kamay ko sa noo niya. Ang init niya. Napansin ko din na parang giniginaw siya.


"Mindy..." mahina kong tawag sa pangalan niya. Napamulat naman siya ng kanyang mga mata. "Sorry, nakatulog ako." Sabi niya.



"No, it's okay."

"What time na? I-I have to go..." akmang tatayo na sana siya ng pigilan ko siya.


"No, dito ka na muna matulog." Parang naguluhan naman siya sa sinabi ko "May lagnat ka."


Napakunot siya ng kanyang noo "Wala akong lagnat. I'm totally fine." Sabi niya sabay ngiti "Sige na. Bukas nalang ulit. Uwi na ako. Bye."




"Mindy kasi baka mapaano ka pa sa daan." Kasalukuyan siyang naglalakad nun habang ako nakasunod sa kanya na de saklay pa nang bigla nalang siyang napahinto na para bang nahihilo hanggang sa natumba nalang siya sa sahig.










🖤

Suddenly, You're not InloveKde žijí příběhy. Začni objevovat