Hindi ko maitago ang lungkot sa mga mata ng tumingin ako sa ginang pababa sa hawak niyang papel. Hindi rin nakawala sa paningin ko ang bahagyang panginginig ng kaniyang kamay. 

S-Siguro nga. Hindi ako pasado. 

“Ma'am ayos lang naman po kung hindi po ako magtatagal dito. Malaki na po ang bagay na pagpapatuloy ninyo sa akin.”

“Hey!”

Naputol ang sinasabi ko ng biglang sumulpot ang boses mula sa kawalan. Mabilis na lumipad ang paningin ko sa pinanggalingan ng boses at napansin ko si Sir Zoren na bumababa mula sa hagdanan. 

Napalunok ako nang bumaling sa puwesto ni Ma’am Mayumi na malungkot ang mga mata na nakatitig sa papalapit na asawa.

"You already told her?" ani Sir nang nakalapit kay Ma'am. 

Marahang bumuntong hininga ang ginang at umiling-iling ang ulo. 

"Sasabihin pa lang…"

Mabilis na sumikip ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay huling araw ko na talaga ito at mukhang nahihirapan lamang magsabi si Ma'am Mayumi sa nais iparating.

"Gwen?" 

"Opo," mabilis kong tugon kay Sir nang nagsalita ito habang umuupo sa tabi ng asawa.

"What year are you now?"

Namilog ang mga mata ko sa gulat. 

"Sa college po ba?" 

Tumango ito. "Yeah."

"Second year college na po sana kung papalarin akong makapag-aral ulit."

Did you already compile your requirements?"

"Po?" 

Ngumisi ito kalaunan kaya parang unti-unting napawi ang pangamba sa puso ko. 

"Kompleto ba ang requirements mo? Pag-aaralin ka namin sa darating na pasukan."

“Po?!” mas lalo akong nagulat.

Sabay na tumawa ang mag-asawa dahil sa naging reaksyon ko. Napasulyap ako kay Ma’am Mayumi na nakangiti na rin, hindi kagaya kanina na para bang ang lalim ng iniisip.

“Again, kumpleto na ba ang requirements mo sa school? Three months from now the first semester class will start.”

“T-Talaga po?” I couldn’t hide how I’m feeling bliss right now. 

Nag-init ang bawat sulok ng mga mata ko dahil sa nag-uumapaw na saya. 

“Yes, so mind telling us what course you want to take so we can serve a slot for you?”

“Hon, it would be better kung sabay sila ni Brianna mag e-enroll sa college,” singit ni Ma’am Mayumi. 

Lalong kumislap sa tuwa ang mga mata ko dahil sa halo-halong saya at pagkabigla.

“Oh, that’s great since they are both going to college.”

“Yeah, mas ahead lang siya ng isang taon kay Brianna. At mas maayos na rin kahit paano dahil may titingin kay Brianna lalo na at sigurado na ang alis ng dalawa niyang Kuya. Is that fine with you, Gwen?” 

Wala pa sa isang segundo akong tumango-tango ng mabilis sa ginang. 

“Opo, Ma’am, wala pong problema sa akin.”

“Hindi mo naman kailangan bantayan dahil malaki na si Brianna. And she already knows what is right and wrong. We just wanted to know if she’s fine even without her Kuya’s,” dagdag pa nito.

Irresistible Series 2: Lost in Fire (Ongoing)Where stories live. Discover now