Kabanata 19

204K 5.6K 1.7K
                                    

Kabanata 19

Warned

MAINIT at maaliwalas dito sa may pool. Nagkatuwaan kasi ang mga magpinsan at naisipan nilang maligo nang nag-request na naman ang anak ko na gusto niyang maligo. Hindi siya marunong lumangoy ngunit ginagabayan naman siya ng mga uncle niya. He was just five years old. Malapit na rin ang kaarawan niya pero kahit gano'n ay hindi ko siya pinapayagang maligo ng pool mag-isa. Ngayon lang ako pumayag dahil nandiyan naman ang mga uncle niya.

Law and Lazarus did not join the pool fun. Siguro ay nasa loob ng private room si Law. Si Lazarus naman ay prenteng nakaupo sa tabi ko. May upuan kasi rito na mukhang gawa sa kahoy pero may mga cushion naman para mas maging komportable ito. Lazarus was wearing a simple white tee shirt that looked refreshing on him with black short pants.

Pareho naming pinagmamasdan si Luzon at ang mga uncle nito na naglalaro sa pool. My son was floating in the pool because of the ring-shaped balloon-like around him. 'Yong parang life buoy, pero pambata ito.

Simula noong nagising ako kaninang umaga sa loob ng kuwarto ni Lazarus hindi na siya mahiwalay sa akin.

"Baby boy, kita mo 'tong abs ni Uncle Ruin? Napahiya ang abs ni Tito Laki mo nang nakita 'to ng mga chix." Hinimas himas ni Ruin ang kaniyang matigas at basang tiyan. He showed it purposely in front of Laki even though he was talking to my son.

"Libreng mangarap, bruh," komento ni Laki habang nakahawak sa salbabida ng anak ko.

"Aanhin ng babae ang mga abs niyo kung four inches lang pala ang haba ng sa inyo." Kahit na sobrang lalim ng sinabi ni Isaiah ay nagmumukha pa rin siyang inosente. He was doing the backstroke, his head was floating up that was why he was able to look at the blue sky.

"Four inches? Kanino 'yon? Sa'yo ba 'yon, Ruin?" May hawak namang wine si Daumier na nakasandal lang sa gilid ng pool. May tray pa'ng nakalapag sa sahig nito na may ice bucket at wine glass. Looking chill the way he gently sipped the wine.

"Gusto mo ng pruweba, Daum? Tara sa banyo." Maangas ang dating ng baritonong boses ni Ruin na parang nanghahamon.

"Nakita niyo naman siguro sa mga video ko na pinakalat ng mga babae, mukha ba'ng four inches 'yon?" Laki intentionally messed his dark and wet hair using his long and lean fingers, his lips were radiating a cocky smile. "Hindi ko alam kung ilang inches mukhang kailangan talaga ng measuring tape o T-square dahil lagpas ruler yata 'to."

"Stop praising your d*cks in front of the kid, f*ckers," awat ni Noah nang nakita nito ang kuryosong mukha ng anak ko na palipatlipat lang ang tingin sa kanila at halatang pinapakinggan ang kanilang pinaguusapan.

"Tumahimik na kayo, palabas na si Kuya Law." Saul was silent earlier but he butt in their conversation. He was near behind Zon like he was trying to guard Zon in case if something would happen to him.

Lumingon ako sa may sliding door at nakita nga ang paglabas ni Law. He was wearing a simple white tee shirt but its cloth was thin than Lazarus' tee shirt paired with a dark green cotton short pants. Mukhang wala siyang balak maligo at makisali sa kasiyahan nila. Bakat ang hubog ng pangangatawan nito dahil sa sobrang nipis ng tela ng tee shirt na suot niya.

"Uncle Law!" tawag ng anak ko kay Law na hinahampas pa ang mga maliit na kamay nito sa tubig. Hawak niya pa ang kaniyang paboritong Spiderman toy. "Let's swim po!"

"Busy si Uncle Law mo, Luzon."

Hindi na ako nagtaka nang narinig ko ang boses ni Lazarus sa tabi ko. Alam niya sigurong hindi mahilig sa ganito si Law kaya pinagtakpan niya na.

Alam kong kanina pa mainit ang ulo niya dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig ng mga pinsan niya. He did not like it when they say vulgarity in front of Luzon. He warned them before. Pero sadyang matigas ang ulo ng mga pinsan niya.

The Billionaire's Hidden Son (Cavanaugh #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن