Kabanata 12

272K 6.2K 3K
                                    

Kabanata 12

Cousins

I WAS one week absent in my work. One week na ring nagtatrabaho si Lazarus dito sa loob lang ng condo niya. About the groceries ay hindi na namin pinag-usapan 'yon nang nagbulontaryo si Laki at Ruin na sila na lang ang bibili.

My neck. Sh*t.

Since wala namang pumapasok na bisita rito sa condo ni Lazarus ay hindi na lang ako gumawa ng paraan upang takpan 'tong tatlong namumulang marka sa leeg ko. Iyong isa sa kabilang banda ng leeg ko ay medyo nawawala. Except noong nagpunta rito sila Laki at Ruin ay inayos ko talaga ang buhok ko upang matakpan lang 'tong namumulang marka. But the moment they left? Hinayaan ko na since si Lazarus lang din naman ang nakakakita nito.

He did this. Bakit mahihiya pa akong ipakita 'to? Hindi ko alam kung bakit. 'Di ba ay may galit siya sa akin at gusto niya akong pagbayaran sa pagsira ng buhay niya? Bakit nagagawa niya pa rin akong lapitan, kausapin at ang mas malala pa ay halikan ang leeg ko?

One week of hell in Lazarus' condo.

Simula nang nangyari 'yong pagsasagutan namin noong nakaraang araw at ang paghalik niya sa leeg ko ay hindi na mabilang ang mga tanong na pumapasok sa isip ko. Nalilito at nagtataka sa mga biglaang pag-iba ng pakikitungo ni Lazarus sa akin.

"Momma? What's that red spot po?"

Binaba ko ang hawak kong kutsara nang hindi kinain ni Zon ang sopas na sinubo ko sa kaniya.

My son's eyes were wondering as he took a closer look on my neck.

Hinawakan ko ang parte ng leeg ko kung saan 'yong tinutukoy ni Zon na red spot.

"Nothing, baby. Kinagat ng ano. . ." I paused for a second when I saw Lazarus walking towards the dining table where I was currently convincing Zon to eat his food. "Don't mind it, Zon. Now, eat."

Umangat ang mga kilay ko nang umiling si Zon.

My son never did that to me before. Kung papakainin ko siya ay masigla siyang kakain pero ngayon ay tila hindi niya na ako sinusunod.

"Luzon." Ang pagbabanta sa kalmadong boses ni Lazarus ay ang dahilan kung bakit napayuko ang anak ko at tumitig sa pagkain na nasa loob ng babasaging bowl sa harap niya. "Eat your food."

"Opo, Daddy," Zon took the spoon from my hand. Siya na mismo ang sumubo sa sarili niya.

Sinusunod niya si Lazarus tapos kapag sa'kin ay hindi? Takot siguro sa Daddy niya? Baka nagpapalakas lang siya kay Lazarus?

Dumiretso si Lazarus sa fridge na puno ng mga bagong biling pagkain. May kinuha siyang milk in carton at kumuha ng isang baso. He opened the carton and poured the milk in the glass. Saka siya lumapit sa dining table at inilapag ang gatas sa gilid lang ng bowl na kinakainan ni Zon.

The milk was for Zon.

Lumipat ang paningin ni Lazarus sa akin. "Change your clothes, Calista," he said after checking my appearance. "Pupunta rito ang mga pinsan ko."

Nahuli ko pa ang mga mata niyang saglit na sumulyap sa leeg ko.

I was just wearing another tank top, the black one paired with shorts.

Hindi na ako nakipagtalo pa at umalis na ng kusina upang pumasok sa kuwarto niya. I checked my phone but I found no reply from Irithel.

Kagabi kasi ay tumawag ako sa kaniya pero hindi niya naman sinasagot ang mga tawag ko. I texted her but she didn't reply until now. Nag-aalala na ako para sa kaibigan ko.

Since it was raining outside. Medyo malamig ang klima ngayon. Idagdag pa na air-conditioned 'tong buong condo ni Lazarus ay napagdesisyunan kong magsuot ng sweatshirt at sweatpants. Hindi na masyadong halata 'yong namumulang marka sa leeg ko. I did not tie my hair. Hinayaan ko itong nakalugay upang matakpan 'yong dapat takpan.

The Billionaire's Hidden Son (Cavanaugh #1)Where stories live. Discover now