Kabanata 10

277K 7.2K 3.6K
                                    

Kabanata 10

Bruised

IT'S been two days since we came here at Lazarus' condo.

For the sake of my son, I stayed.

Sa dalawang araw na 'yon ay walang ibang ginawa si Lazarus kung 'di ay ang magbabad sa laptop niya. Nasa kusina siya lagi at nakaupo lang sa upuan doon sa six seats dining table.

My Mom called yesterday. Nagpadala na siya ng pera. But the problema was I could not go out.

So I decided to text Ashley since we exchanged numbers the first time we became close and that was when the first time we met. I texted her to claim the money and also told her to tell the club's manager for my absence under three days of work. Dahil kagabi ay hindi ako pinayagan ni Lazarus na magtrabaho.

Hindi ko talaga alam kung ano'ng problema niya. Parang kinukulong niya ako rito, kami ng anak ko.

Alam ko naman na 'yong anak ko lang ang kailangan niya at napipilitan lang siyang isama ako rito dahil 'yon ang gusto ni Luzon. Hindi niya ako magawang paalisin dito dahil kung gagawin niya 'yon ay baka sumama si Luzon sa akin.

Kaya ito 'yong ginagawa niya sa'kin. Hindi ako pinapayagang umalis dahil ayaw magpaiwan ng anak ko.

Kailangan ko na agad makaipon at para makapagrenta man lang ng kahit maliit na kuwarto na sapat lang sa amin ng anak ko. Pero mukhang hindi agad ako makakapag-ipon dahil sa mga ginagawa niya.

Ngayon ay hinihintay ko si Ash na dumating. I told her the address. Alam kong maaasahan 'yong si Ashley kahit bago pa lang kaming nagkakilala. Irithel was out of town with her parents, she texted me.

"Luzon, come here, baby. Let me change your clothes."

Lumapit naman agad si Zon sa akin at iniwan ang mga laruan niya na nagkalat sa sahig. Kahapon lang ay dumating 'tong mga gamit dito at mga bagong biling damit namin.

Umupo ako sa sofa habang dala ko ang isang kulay puting tee shirt niya. Medyo pinagpapawisan kasi siya kahit air-conditioned naman 'yong buong condo.

Hindi kasi sanay ang katawan niya sa mga sobrang malamig na lugar. Just the average temperature. Hindi malamig, hindi rin mainit.

"Momma? We're not going to leave Daddy again po?" I was not sure, pero naririnig ko ang pangamba sa boses ng anak ko.

"I don't know, baby..." was my only answer. "Gusto mo ba rito, hm?"

"Opo, Momma. Nandito si Daddy at nandito rin po ikaw."

He raised his cute hands up. Kaya agad ko namang itinaas ang damit niyang medyo basa na dahil sa pawis. Pinunasan ko muna ang likod niya ng towel bago isinuot 'yong isang malinis at bagong tee shirt sa kaniya.

Dalawang araw. Dalawang araw na lagi na lang ganito ang trabaho ko buong araw, nakaupo sa sofa, nagluluto pero hindi pa ako nakakapaglaba rito since ipapadala lang pala ni Lazarus ang mga damit sa laundry, inaayos si Zon, and I felt like those women in history. 'Yong nasa loob lang ng bahay.

Gusto ko 'to kasi mas nakakasama ko ang anak ko pero parang ayaw ko namang kumakain dito sa pagkakaalam na napipilitan lang pala si Lazarus na patirahin ako rito.

Hindi ko na pinigilan si Zon nang tumakbo siya papasok sa kusina at lumapit sa ama niyang abala sa pagtitipa nito sa laptop niya.

Sinundan ko ang anak ko nang nakitang gusto nitong umupo sa lap ni Lazarus.

Akala ko ay papaalisin niya ang bata ngunit nakakagulat na lamang ako dahil binuhat niya si Zon at pinaupo sa hita niya kaya pareho na silang dalawa na nakaharap sa laptop.

The Billionaire's Hidden Son (Cavanaugh #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon