Kabanata 18

204K 5.3K 2.1K
                                    

Kabanata 18

Quit

EVERYONE were prepared for Laki and Ruin's arrival. It was almost twilight as the sun went down and we're all wearing our formal attire. I could sense their impatience and tiredness of waiting.

Pa-espesyal din kasi 'yong dalawa. Nang tumawag sa kanila si Noah, ang sabi ay 'on the way' na raw ang mga ito. Hanggang ngayon ay 'on the way' pa rin.

Law was silently standing straight right beside Manang Letecia. The men were unbelievably silent too. Their behavior changed since they stepped a foot inside the mansion.

Noon kasi sa bar ay kahit ilang metro pa ang layo nila ay hindi sila nauubusan ng pag-uusapan. Ngayon na matipuno silang nakahilera'ng nakatayo sa gilid ni Law ay wala akong narinig sa kanila kahit isang pagtikhim. They would just look at each other and trying hard not to smile or chuckle.

Iba talaga kapag nasa presensya kami ng nakakatandang Cavanaugh sa magpipinsan. Maybe that was why the Cavanaugh Finance Corp. was in the hand of Lazarus because Law was a lawyer. He was not into business. Nasa kamay niya ang batas ng mansyo'ng ito.

"Momma! Car po ni Tito Laki!" turo ni Zon sa isang Aston Martin V12 Vantage S na sasakyang papasok sa malaking cream coloured gates ng mansyon sa malayo. Hinihila ng anak ko ang aking kamay nang dahil sa sobrang excited nito at parang hindi na makapaghintay na makita ang pinakapaborito niyang uncle.

My son was wearing a little three piece suit. Bagay na bagay talaga sa kaniya ang kaniyang suot. His hair was pulled back with a gel. May isang hibla nito na nagpaiwan sa gilid na bahagi ng kaniyang noo.

This was how they welcome their family member. Parang may maliit na selebrasyon para sa kanilang magpipinsan. 'Yong pagpunta namin ni Lazarus dito ay unexpected kaya hindi napaghandaan ang pambungad nito sa amin.

"Pasikat," Noah murmured and shot a glare at the expensive car.

"P*nyeta." Malamig na komento ni Daumier nang huminto ang kotse sa harap ng mansyon at parang slow motion pa na bumukas ang pintuan nito.

Dahan-dahang lumabas ang dalawang lalaking nakasuot na rin ng kanilang sariling pormal na damit.

Laki sent his smug look at his cousins and Ruin just smirked. Wala namang komento ang kanilang mga pinsan, takot lang na baka ay masaksihan ni Law ang kanilang mga katarantaduhan.

"Mga hijo, ba't natagalan kayo?" pambungad ni Manang Letecia at bahagyang tumingala pa ang matanda dahil sa mas matangkad ang dalawang lalaki na ngayon ay nakapasok na sa loob ng mansyon.

"Pasensya na po, Manang. Ang dami kasing nagkakandarapa sa'kin sa syudad, hindi tuloy makadaan ang kotse ko," Laki answered egotistically. He never wipe off that smug look on his face.

"Idagdag mo pa ho 'yong mga babaeng nagpapatayan makita lang ako." Hindi rin nagpahuli si Ruin.

Magkakasundo talaga sila. Parehong makapal ang mukha.

Another thing about Laki. He was charismatic. Nangingibabaw ang karisma nito sa pagiging womanizer. Si Ruin naman ay mukhang mapaglarong lalaki lang, hindi ko pa kasi naririnig mula sa mga pinsan nila na nagkikipagtalik ang isang 'to. Mas malala talaga si Laki. Ewan ko na lang pero wala talaga akong masabi nang nasaksihan ko ang mga nangyari sa condo nang nakita ko ang mukhang inosente sa kanila na si Isaiah. Nakikipagtalik sa isang babae na ipinasok niya pa sa banyo.

"Ito talagang mga batang 'to, o' siya, hali na kayo. Nakahain na ang mga pagkain," aya ni Manang Letecia at naglakad na papunta sa pinto ng dining room nila. Sumunod naman sa kaniya ang dalawang dalagang katulong na kinindatan ni Ruin at sinundan lang ng tingin ni Laki. Napayuko na lamang ang dalawang babae upang magbigay respeto kahit na mukhang hindi naman sila nirerespeto ng dalawang amo nila.

The Billionaire's Hidden Son (Cavanaugh #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon