epilogue (ft. fanboy diaries)

Magsimula sa umpisa
                                    


Kung mukhang hole ng gitara yung cd ng first album, glowing blue moon naman ang itsura nitong cd ng pangalawang album. To be specific, para siyang bilog na may ibat' ibang shades ng blue, mula sa pinaka light na shade hanggang sa pinaka dark. May pirma niya yung cd, tapos may maliit na moon icon sa edge... 


Nabasa ko sa isang random post sa internet na ang color blue daw, pag tiningnan mo, nakakapagparelease ng relaxing hormones... blue na blue itong album na ito, pero pag tinitingnan ko 'to, imbis na maging relaxed, umiinit ulo ko! SKL.


And now, her latest album, released January 1st of this year... Her 3rd album: 'What Love Is'. Ayon sa blurb sa back cover ng physical album... ito ay naglalaman ng...


Mga kuwentong nabuo nang ika'y umalis.

Mga istoryang naisulat habang ika'y hinihintay.

Mga bagay na ikikwento sa'yong pagbabalik.


The track list gives off images of sunflowers, summer, summer skies, golden hour, sunsets, and the bright blinding sun...


Mukha ulit pinto yung physical album, pero sky blue naman this time. A sky blue door with white clouds scattered all over it. Reminiscent of the blue sunny sky... Mukhang big ball of fire yung cd sa loob. To be specific, para siyang bilog na may ibat' ibang shades ng orange, mula sa  pinaka light/pastel orange na shade hanggang sa pina dark. May pirma niya ulit yung cd, tapos may maliit na sun icon sa edge... ito pinakapaborito kong album sa lahat. OMG. T^T <3


Her 3rd album contains 7 tracks. 


Kakatapos lang niyang kantahin sa unahan ang track 1: Crimson red.


Habang hinihintay ang pagbabalik niya sa entablado, nabalik ako bigla sa araw na yon, 4 king inang years ago...


Kakapasok ko lang sa kotse, sobrang sakit ng lahat-lahat habang nagmamaneho ako palayo mula sa kung saan siya kasalukuyang nakatayo't nakatanaw...


Asul na asul ang langit, maaraw, maliwanag ang paligid, pero yung nakikita ko sa harapan, malabo, foggy. Basa. Basang-basa... kahit na hindi umuulan.


Kumurap ako.


Parang nakasakay sa time machine, bigla akong napunta sa iba na namang panahon.


Kasalukuyang akong nakatingin sa langit habang hinihintay ang departure ng eroplanong sasakyan ko paalis ng Pinas.


The sky looked so sad that day. Like it's about to cry. Like it needed cheering up and comforting. O... baka ako talaga yung malungkot? At papaiyak? At kailangan ng magpapasaya at magko-comfort? Hindi ko alam.


Kumurap akong muli. At muli, sa ibang panahon, ibang lugar, at ibang langit na naman ako nakatingin.


Kakalabas ko lang ng Narita airport. Binati ako ng unfamiliar, nakakapanibago, at parang mangangain na langit ng land of the rising sun, aka, Japan...

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon