prolouge

1 0 0
                                    

 
Spotlight isn’t always for everybody. At least not for her.
 
 
Pamasid-masid lang kasi ang madalas sabihin ng karamihan ‘pag tinatanong kung anong ginagawa ni Sabrina. Pero kung ano man ‘yon,  it's not that interesting. With a weight of forty-three kilos at 5'1, ay hindi considered na intimidating enough for a seventeen-year-old.
 
 
Napaka-awkwad na tititigan ka ng ilang segundo, ‘ni hindi mo alam kung naiintindihan ka ba o wala ka lang sense kausap. Eto pa lang, sign na para bumagsak sa competitive school.
 
 
Karera ang ganap sa paligid ni Sabrina. Pagalingan at payamanan. Kung wala naman sa kategorya, dapat madiskarte ka para iwas lunod. Kaya sa sitwasyon niya, lugi siya.
 
 
 
Aminado si Sabrina na hindi siya on game. Wala sa ranking system. Hindi sa wala siyang pakealam o nagbubulakbol siya. Ayaw niya lang.
 
Ayaw rin niyang makuha ang atensyon ng kahit sino. Gusto niya lang maging parte ng grupo. Myembro lang, hindi espesyal. Hindi siya yung tahimik na mabangis. Wala lang. No revelation. Siya lang. Ayaw niyang mag-expect sa kanya ang tao, kaya lumalayo sa atensyon.
 
 
Disadvantage man, pero pinili niyang maging gano’n lang. Low profile dahil do’n siya komportable. Kaibahan niya sa karamihan, nasa marathon ang iba samantalang nasa tracking line rin siya, naglalakad. ‘Di pinipiling mapagod habang ini-enjoy ang sariling presensya.
 
 
Inaamin niyang na-bored na rin siya.
 
 
Na-bored siya dahil nag cut off ang Wi-Fi kaya ‘di natapos ang di-na-download na movie. Minsan, pinipili niyang makipagtitigan sa kisame dahil baka ‘di niya mapigilang lumabas at ubusin ang allowance sa Chuckie at hopia ‘pag nakakakita ng convenience store. Kadalasan, na-bo-bored siya dahil iniisip niyang baka na-bo-bored siya.
 
 
"So, pa’no ‘yun, stay ka lang sa apartment mo buong instrams?", natatakang tanong sa kanya ni Joy na kagrupo niya  sa research last year at natatangi niyang kasama simula tungtong niya ng senior high.
 
 
May listahan si Sabrina sa isip. Ki-no-cross out niya ang mga taong hinding hindi niya makakasundo. Taong filtered ang approach for the sake of group project, taong ginagawang gamit ang kapwa tao, taong walang alam sa etiquette ng people's privacy at taong nagpapakatao lang.
 
 
At speaking of group project, gaano niya ba kaayaw ang concept na ‘yon?
 
 
Throughout the experience, makakakita siya ng pare-parehong ugali sa iba't ibang katawan. She's used to that. Pero at least iba si Joy. Si Joy ang taong hindi magtatanong ng 'kumain ka na ba?' for the sake of conversation. Si Joy ang mag-iiwan ng pagkain sa lamesa mo at i-me-message ka ng 'kumain ka na'.
 
 
Maybe, she just wanted a different kind of spotlight.
 
 
"Syempre mag-a-attendance." Sagot ni Sabrina, aware na may point naman siya.
 
 
"Oo nga. Pero mag-i-stay ka lang after sa apartment mo?"
 
 
"Baka,” Sabi niya pero sigurado siyang 'Oo', "Titignan ko".
 
 
"‘Di ka ba natatakot sa apartment mo? Lagi kang mag-isa tapos ‘ni bisita ‘di ka nagpapapasok?" Panakot ni Joy na ang gustong sabihin ay kailan ba si Sabrina magpapabisita. ‘Di pa kasi nakakatungtong si Joy sa apartment niya maliban sa nanay niyang twice a month dumadalaw. Isa pa, medyo ayaw niyang pag-usapan ang tungkol do’n.
 
 
"Rules ng landlord,” rebutt ni Sabrina.
 
 
"Tingin mo kung magbayad ako do’n ng rent magpapapasok ka na?" Tumawa si Joy para ‘di ma-offend si Sabrina kahit ‘di naman na-o-offend si Sabrina sa kanya.
 
 
"Baka may lalake ka do’n, ah."
 
 
Natigilan si Sabrina sa paglalakad at halatang napansin iyon ni Joy. Nang na-realize niya ang pagtigil niya, bumawi siya ng lakad at muling pinantayan ang kasama.
 
 
"Uy ha nag-jo-joke lang ako baka totoo ah."
 
 
"Ha? Wala," insist ni Sabrina. Takot sa posibleng isipin ni Joy.
 
 
"Pahalatang affected kasi. Ikaw ah," sagot ni Joy, halatang na-curious na sa kanya.
 
 
"Hindi nga. Wala," sagot ulit ni Sabrina at pinalabas na ang poker face. Meaning, alam niyang sa side ni Joy, sign na ayaw na niyang magpakulit.
 
 
"Nasa sa’yo, baka gusto mong magpahatid," last try ni Joy sa kanya.
 
 
"Wala nga, nagulat lang ako," last rebutt na rin ni Sabrina. Naisip na iba talaga si Joy kasama, kahit ‘di pa gano’n katagal, kilala na siya nito.
 
 
"Okay sige nagulat lang. O siya, di na kita ihahatid," sagot ni Joy na alam na relieving para kay Sabrina ang desisyon.
 
 
Nasa tapat na sila ng waiting shed ng gate ng campus nang nagpaalam si Joy. "Sige, dito na lang ako. Commute nalang siguro ako baka ‘di na dumating si Mang Brad," sabi ni Joy na tinutukoy ang driver nila.
 
 
Tumango si Sabrina. Sinimulan na rin niyang maglakad nang nagsalita pa si Joy, "Sure kang wala kang kasama sa apartment mo, ah," tawang tawa ulit na sabi ni Joy.
 
 
Napatango ulit si Sabrina. This time, alanganin.

 
***

 
Karamihan ng nag-re-rent sa apartment na ni-re-rentahan ni Sabrina ay puro mga babae. ‘Di pa ‘ata siya nakakita ng lalake na dumaan galing karatig room kahit wala namang nakapaskil sa labas na 'for ladies spacer only'.
 
 
Siguro, na-build na rin ang reputasyon ng apartment na karamihan babae ang nag-re-rent kaya wala ng lalakeng magtatangkang mag-inquire. Kaya kung sa iisipin, imposible ang sinabi ni Joy. Pero, ‘di na rin niya alam.
 
 
‘Di malaki ang room na narentahan niya pero para sa kanya, hindi rin naman maliit. Compare sa kalakihang space ng buong compound, mas pinili niya ang room niya ngayon. May tamang pang pwesto lang ng foam na nilalagay niya sa lapag. Tapat no’n, isang study table kung saan nakalagay ang 60% ng importanteng bagay na mayroon siya. May space rin para sa maliit na lamesa at may gas stove katabi ng lababo. Two meters no’n, banyo na niya.
 
 
Sasabihin ng iba masikip ang room para sa kanya. ‘Yon kasi ang sabi ng nanay niya nang makita ang itsura ng apartment niya. Pero para sa kanya, isa itong sanctuary. Hindi na magkakasya sa dalawang tao ang room kaya paniguradong siyang-siya lang mag-isa sa tinutuluyan.
 
 
Kaya ‘di niya alam kung anong nangyayare sa apartment niya nang nakaraan pa.
 
 
Tamad siya kadalasan pero maingat siya sa gamit. Kaya napapaisip siya kung bakit palipat-lipat ng pwesto ang suklay niya at ballpen. Minsan, maaabutan niyang bukas ang laptop, pero ‘di naman naka-on. Nakakalabas pa ang tasa niya sa lalagyan. Ang nakakapagtaka, hindi niya paboritong tasa ‘yon.
 
 
Sana nga multo nalang ang kasama ni Sabrina. Marerespeto pa niya. Hindi man siya religious, mas okay pa sa kanya na maniwala sa concept na iyon kaysa isiping may tao siyang kasama. Pero, kung iisipin, hindi naman siya nakakaramdam ng sinasabi ng iba na malamig na presensya o ano. At tsaka, ‘di naman nagkakape ang multo.
 
 
Mas nag-a-alangan pa si Sabrina kung tao pa ang lumalabas pasok sa room niya. Pumasok na sa isip niyang baka magnanakaw, pero ‘di pa naman siya nawawalan. Kaya rin ‘di pa niya masabi sabi sa landlord, dahil wala pa siyang masabing ebidensya o dahilan.
 
 
Ano naman kaya ang habol ng kung sino mang pumapasok sa apartment niya? Mangtrip lang? Iniisip palang niyang may tumititig sa kanya habang natutulog ‘pag gabi, kinikilabutan na siya. Wala naman kasing ibang tao na magkakaroon ng access na makapasok, maliban nalang sa landlord.
 
 
O baka naman ang landlord ang pumapasok?
 
 
Isa pang nakakapagpagulo sa kanya, kung karatig niyang room ang gagawa nito, ano rin ang purpose? Wala namang kahit sino ang gustong mag-approach sa kanya since unang taon niyang mag-rent. Kaya hindi siya masyadong sigurado na ka-boardmate niya ang gagawa no’n. At isa pa, bakit nararamdaman niyang lalake ang gumagawa nito sa room niya?
 
 
Baka statistics.
 
 
Pero hindi pa rin siya sigurado. Baka nga masyado lang siyang na-pa-paranoid.
 
 
Binagsak ni Sabrina ang katawan sa higaan. Baliw na siya kakaisip. Hindi naman niya marason kay Joy kaya matagal niyang naaasikaso ang research at ibang requirements dahil sa hindi siya mapakale.
 
 
Ngunit iyon naman ang pagkabangon ni Sabrina sa hinihigaan.
 
 
Bago pa siya maka-react ramdam na niya ang kaba at bilis ng tibok ng puso.
 
 
Tinitigan niya ang nakapwesto sa study table at di-no-double check kung tama ba ang nakikita.
 
 
Ugali ni Sabrina mag-set ng alarm para matulog galing klase at magigising ng alas otso para sa paperworks. Pero sa nakikita niya ngayon, mukhang malabo na siyang makatulog.
 
 
Wala pang alas otso, ‘di pa siya dumaan ng convenience store...
 
 
Pero bakit may Chuckie at hopia na sa lamesa?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Traces of SabrinaWhere stories live. Discover now