"Goodnight sweetheart." ani Nightfall sa malambing na boses. Potek, bakit ba ako kinikilig? Bakit kasi nakakaakit yung boses niyo. Hindi lang iyon, iisa pa boses niyong tatlo pero magkakaiba naman yung way ng pananalita nila.

Hinimas ni Nightfall ang noo ko saka nito hinalikan.

"Sleep tight baby." usal naman ni Twilight saka ako hinalikan sa kaliwang pisngi ko.

"Sweetdreams little snowflakes." malambing na ani Midnight saka hinalikan ang kanang pisngi ko.

Hindi ko maiwasang kiligin lalo na't pinaliligiran ako nang naguguwapuhang ama, hindi man nila alam na advanced ang pag iisip ko, atleast malaya akong pagpantasyan sila...Biro lang.

Sino ba naman kasi hindi kikiligin? Tatlong magagandang nilalang ang humalik sa akin. Pakiramdam ko talaga nasa Harem world ako...Chos.

Kinakantahan ako ni Midnight habang hinahaplos nito ang noo ko, hindi ko alam kung anong klaseng kanta iyon basta iyon ang nakapagbigay antok sa akin hanggang sa hindi ko na lamang namalayan ay nakatulog na ako.

KINABUKASAN ay hindi mapakali ang lahat na narito sa bahay, dahil nga aalis na kami maya-maya. Nag-aayos pa lamang kami ng aming mga sarili para sa pupuntahan naming 'Tea Party'. Kaya heto ako ngayon ay binibihisan na ni Nightfall. Oo si Nightfall. Siya ngayon ang nakatoka na mag-aalaga sa akin ngayong araw, parati na lamang kasi si Midnight ang nag-aalaga sa akin kaya si Nightfall na ang nag presinta na siya muna ang mag aasikaso sa akin.

Matapos akong bihisan ni Nightfall ay sinapatusan na niya ako. Sa pagyuko nito sa aking harapan ay amoy na amoy ko ang mabango niyang katawan, anong pabango kaya ang gamit niya? Nakakaadik. Ang guwapo din niya ngayon...kahit na araw-araw ko silang nakikita rito sa bahay, at segu-segundo pa ay hindi ko parin maiwasang humanga sa kanilang angking kagandahang mukha. Sana lahat pinagpala. Kahit na alam kong iisa ang pagmumukha nila ay kakaiba parin kani-kaniyang karisma at awra.

"Done." ngiting sambit niya saka niya ako maingat na kinarga sakaniyang mga bisig.

Mas lalo kong nalanghap ang mabango niyang leeg. Wala sa sarili kong napayakap sakaniyang leeg at isinubsob ang mukha ko. Bigla akong nagitla sa ginawa ko, Putspa!

Napatigil si Nightfall at napatingin sa akin. Pati ako ay nagulat sa aking ginawa at napatingin din sakaniya. Bigla niya akong tinawanan dahilan para mas lalo akong lamunin ng kahihiyan. Gaga ka talaga Rei!

Anong pinaggagawa mo!?

Isinubsob ko na lamang ang aking mukha sakaniyang dibdib dahil ayokong harapin siya dahil sa kahihiyan na kagagahan na ginawa ko.

Buti nalang ay nakasubsob ako sa dibdib ni Nightfall kaya malaya akong langhapin ang mabango niyang amoy. Grabe napakamanyak ko naman sa lagay na ito.

"Oh! Nariyan na pala kayo." napalingon ako kay Twilight na nagsalita na hindi ko namalayan na nakababa na pala kami ni Nightfall. Masyado pala akong abala sa pagsinghot kay Nightfall kaya hindi ko namalayan na nakababa na pala kami.

"Where are the children?" tanong ni Nightfall. Napalibot din ang tingin ko sa paligid nang makita kong wala ang dalawang magkapatid na hapon.

Oo nga, nasaan na kaya sila.

Tanging sina Yujin at Ryuzaki at ang dalawa pang kambal ni Nightfall ang naririto sa sala.

Kilala ko na rin ang dalawang bisita na ito, dahil sa panay tawag ni Twilight sa pangalan ng mga ito nitong mga nagdaang araw.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 2) (On-Going)Where stories live. Discover now