14

1 0 0
                                    

Away

I ran back home, crying that day. Akala ko ay susundan ako ni Maximo. Totoo ngang nakakamatay ang maling akala. Bakit niya naman ako susundan? Umamin na siya sa lahat ng mga kasinungalingan niya at kahit anong eksplenasyon niya, hindi ko paniniwalaan kapag sinabi niyang may pakialam siya sa akin.

Ito na ba? Ito na ba ang pagtatapos naming dalawa? Iyon na ba ang huli naming pagkikita? Habang iniisip ang posibilidad na iyon, may parte sa akin na gusto maglakad pabalik sa kaniya para pormal at maaayos na magpaalam.

Pero hindi ako nagpatalo sa mahinang ako na bumubulong sa aking likuran. Sino ba ang niloloko ko?

Kung ito man ang huli pagkakataon, ayos na iyon. Mabuti na iyon dahil marami akong magiging dahilan para kalimutan siya, para kamuhian siya, para hindi na gustuhin na makita siyang muli. Ayoko na siyang makita muli.

Buong gabi akong nagkulong at umiyak lang sa kwarto ko. Ganoon din ang mga sumunod na araw at gabi at ang mga sumunod pa. Dinadalhan lang ako ng pagkain, na halos hindi ko naman makain, nila Ate Rose sa aking kwarto. Hindi naman na sila nagtangkang magtanong pa sa kung anong nangyari. Maliban nalang noong araw na kung saan si Daddy na ang kumatok. 

"August! August!"

Malakas ang mga katok ni Daddy na akala mo'y galit. Ayaw ko sana siyang pagbuksan pero ginawa ko pa rin. Inihanda ako ang sarili ko sa maaari niyang mga sumbat pero hindi ko akalain na yayakapin niya ako pagkapasok niya.

Mas lalo akong nanghina at naiyak sa mga yakap ni Daddy. Mas lalo kong ibinuhos ang mga luha ko nagbabakasakali na mailabas lahat ng sakit.

"I'm sorry, Anak."

No. Daddy was right all along. Kung maaga niya lang sanang nalaman iyon ay naisalba ko pa sana ang sarili ko sa sakit na ito. Pero paniniwalaan ko kaya siya kung sakaling ganoon nga? Masyado akong bulag sa pag-ibig ko kay Maximo.

"It's okay. Everything's going to be okay, I promise."

Dad's words somehow comforted me. Kinaya kong lumabas ng kwarto sa mga sumunod na araw at sa nga sumunod pa ay sa tuwing gabi nalang ako umiiyak. Unti-unti na rin akong nasasanay sa sakit at makalipas ng ilang buwan, akala ko ay okay na ako pero bumalik ang lahat ng pinagdaanan ko nang may malamang balita.

Isang linggo nang nagsimula ang pasukan at ngayong araw lang ako pumasok. Kasama ko ang mga kaibigan ko sa canteen. Masaya silang nagkukwentuhan habang ako ay tahimik lang sa isang gilid.

"Ang tahimik mo naman, August." Puna ng isa sa kanila. Lahat naman ng atensyon nila ay napunta sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanila.

"May pinagdadaanan ka ba?" Palabirong tanong naman ni Riley.

"Ayos ka lang ba? Mukhang namumutla ka, ah." Ang sabi naman ni James.

"Oo nga." Na sinang-ayunan naman ni Marco. Lumapit pa siya sa akin at idinikit ang likod ng kaniyang palad sa noo ko. Agad ko iyong tinanggal nang may maalala.

"Ayos lang ako!" Agap ko sa kanila. Ang mga mukha nila ay may halo nang pag-alala kaya mahina akong natawa para hindi na sila mag-isip pa. "Ayos lang ako, para kayong mga sira."

"Sigurado ka, ha?" Nang tumango ako ay hindi naman na nila ako kinulit pa.

Dumating ang isa naming kaklase na may dala-dalang pagkain. Nang maupo siya malapit sa akin ay naamoy ko kaagad ang mabahong amoy ng pagkaing dala niya.

"Ano 'yan? Sira na ata ang pagkaing dala mo." Pagpuna ko. Kunot noo siyang tumingin sa akin at inamoy iyon.

"Hindi naman, ah." Inilapit niya iyon sa akin para muli kong maamoy pero hindi ko napigilan ang sarili kong maduwal nang malanghap muli ng ilong ko iyon. Mabilis akong tumayo at tumakbo sa pinakamalapit na cr.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Summer Of AugustWhere stories live. Discover now