12

1 0 0
                                    

Lie

Hindi ako natulog doon. Kahit na nanghihina dahil sa nangyari, kinayanan ko pa rin umuwi. Hinatid naman ako ni Maximo hanggang sa gate namin. Hindi ko na siya hinayaan pang makapasok sa loob.

Nang pumasok ako sa bahay, hindi ko inaakalang makikita ko si Daddy sa sala namin na para bang hinihintay niya ako sa pag-uwi. But he realy did wait for me na agad kong pinagtakhan dahil hindi niya naman iyon ginagawa.

He was sitting on a couch but he stood up when he saw me.

"You're out with that Maximo?" Tanong niya sa akin. Hindi ko nagustuhan ang tono ng pagtatanong ni Daddy. Para bang ayaw niya iyon.

"Yes, Dad. Why?" Nagtatakang tanong ko.

"Be careful with that boy, August. I have heard humors about him." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What humors?" Anong humors? At saan naman iyon napakinggan ni Daddy?

"Do you know Kaye Villanueva?" I was stunned by what My Dad had said. Kaye Villanueva? Yeah, I heard that name. She's Maximo's ex, right?

"Kaye? Maximo's ex?" Umiling si Daddy na para bang dismayado siya. Hindi ko alam kung anong patutunguhan ng usapang ito pero kinakabahan na ako. I thought Daddy like Maximo for me?

"She is not Maximo's ex, August. She's his fiance."

Napatigil ako sa sinabi ni Dad. Where did he get that? Of course, that's just humor and I was sure of that!

"Dad, where did you hear that?" I laughed a bit.

"From my colleagues. The girl's father is the director of VAC Medical Hospital in Manila."

"That's not true, Dad. That girl is his ex. She wants Maximo back so maybe she spread false humor about them just to get his attention." Umiling lang si Dad sa sinabi ko.

"I don't know, August." He said before he walked away.

What my Dad just said can't be true. Kilala ko si Maximo at hinding hindi siya magsisinungaling sa akin. Itinatak ko sa isipin ko na isa lang iyong false humor.

Pero hindi ko mapigilang hindi mag-isip tungkol doon. Paano kung totoo pala iyon? Paano kapag pinagkasundo pala sila ng mga magulang nila para magpakasal? Paano kung isa pala iyong fixed marriage na hindi nila pwedeng takasan?

Kung totoo iyon, iiwan ba ako ni Maximo? Lalayuan niya ba ako? O ako ang pipiliin niya? Sumakit ang puso ko habang iniisip iyon.

Kung sakalo mang totoo iyon, sino ba ako para piliin niya? She's the daughter of the VAC Medical Hospital while I'm just a daughter of a Pedetrician in a small hospital. Hindi ako kailanman nagreklamo doon pero ngayon lang ako nakaramdaman ng panliliit. She's his ex while I'm just...hindi ko alam. A friend? A fuck buddy? A summer get-away?

But he just told me that he loves me. Iyong nalang ang pinanghawakan ko. Hindi iyon totoo, iyong nalang din ang pinasok ko sa isip ko.

Kinabukasan ay walang gana akong nagising pero nagawa ko pa ring pumunta sa bahay nila Maximo nang sobrang aga. Kakalabas niya lang ng banyo ng pumasok ako sa kwarto niya. Tanging ang tuwalya lang ang nakabalot sa kaniyang pang-ibaba.

"Hey, why are you so early? Ako dapat ang pupunta sa'yo." Ang sabi niya. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. I felt him stiffen while I smell his scented body wash and shower gel that gives a hint of his fresh fragrance. I

"What's wrong?" He worriedly asked. Niyakap niya rin ako, kasing higpit ng pagyakap sa kaniya. He kissed the top of my head. Umiling lang ako bilang sagot sa katanungan niya.

Summer Of AugustWhere stories live. Discover now