4

3 0 0
                                    

2nd Base

Warning - R18

Siya ang unang bumitaw sa halikan namin. Mabigat ang aming paghinga matapos ang malalim at mainit na halik na iyon.

"August." Tawag niya sa akin pagtapos ay lumapit ulit siya para sa isang halik. Saglit lang naman iyon at hindi na niya hinayaan pang lumalim.

"We should go downstairs." Nahihirapan niyang sinabi. Tumango ako at dahan-dahang umalis sa kandungan niya. Hinawakan niya ang aking siko na para bang ayaw niya pa akong umalis pero binitawan niya rin naman iyon.

"Tara na." Dahan-dahan siyang tumango at tumayo na rin.

"Akala ko hindi ka pupunta dito ngayong araw dahil alam mong wala na ako dito."

Nandito kami ngayon sa kanilang teresa sa likod at kumakain ng meryenda.

"Paano kapag hindi ako pumunta? Hindi ko pa pala malalaman na nandito ka na. Paano kapag sa sumunod na bakasyon na ako bumalik?" Tanong ko sa kaniya.

"I'll go to your house. Kakadating ko lang kaninang umaga at balak ko talagang puntahan ka sa inyo."

Tumango ako at uminom ng juice. Magkatabi ang mga upuan naming dalawa dahil ganoon ang gustong pwesto ni Maximo. Nakasandal ang kaniyang braso sa likod ng upuan ko.

"Mabuti na lang pumunta ako dito." Mabuti na lang talaga at ganoon. Wala pa naman sana akong balak na pumunta pa dito.

"Did you miss me? I'm really sorry. It's not my intention to leave without saying goodbye to you."

"It's okay. Akala ko lang ay bumalik ka na talaga sa Maynila nang tuluyan. Ayun kasi ang sabi ni Ate Nina."

"Hindi ako papayag na umalis hangga't hindi kita nakakausap kung ganoon."

Mabuti naman kung ganoon. Muli tuloy nabuhayan ang inaakala kong magiging malungkot kong bakasyon.

"Give me your number." Bigla niyang sinabi. Oo nga pala! Balak ko rin sanang tanungin iyan sa kaniya kanina kaya lang ay nakalimutan ko. Iniabot niya sa akin ang cellphone niya kaya itinipa ko doon ang number ko.

"Come here." Hinawakan niya ang siko ko at iginaya ako para makatayo. "Here." Itinapik niya ang kaniyang mga hita. Taas kilay ko siyang tinignan.

Hinawakan niya ang beywang ko at pinaupo ako sa kaniyang kandungan. Ngayon ay nakadikit ang aking likod sa mainit niyang dibdib. Ipinalupot niya pa ang kaniyang mga braso sa aking beywang.

"So, you're being clingy now huh?" Puna ko sa kaniya. Hindi naman na ako magrereklamo kung ganito siya. Sana na lang ay makayanan pa ng puso ko dahil palaging titibok ito nang mabilis sa mga galawan niyong ganito.

"Uhuh." Bulong niya sa aking tainga. It automatically sent shivers into my spine. Sa simpleng pagbulong niya ay nang-iinit kaagad ang buong katawan ko.

"Do you like me now?" I asked sounding like it wasn't a big deal. Pero ang totoo ay kinakabahan ako sa maaring maging sagot niya.

"What do you think?" Medyo nakiliti ako nang maramdaman ang halik niya sa aking leeg. "You're 18 now so..."

"So?" I probed. What does he mean? Gusto ko pa sana siyang tanungin pero nababaliw na ako sa halik niya sa aking leeg patungo sa likod ng aking tainga.

"Maximo..." Tawag ko sa pangalan niya. Nagtunog pa iyon na para bang isang ungol.

"You're making me crazy, women." He whispered. Ang mga kamay niya ay unti-unting tumataas mula sa aking tiyan papunta sa aking dibdib. Napaungol ako ng maramdaman ang kamay niya doon.

Summer Of Augustحيث تعيش القصص. اكتشف الآن