13

1 0 0
                                    

Hurt

Warning - R18

Buong buhay ko, siya lang ang taong minahal ko. Simula pagkabata, siya lang ang taong hinangaan ko at siya lang ang taong pinangarap kong makasama hanggang sa pagtanda.

Alam kong imposibleng masuklian niya ang nararamdaman ko para sa kaniya dahil una pa lang ay alam ko nang parang kapatid lang ang turing niya sa akin. Kaya nang maramdaman ko siya at ipinakita niya sa akin ang pag-asa, kakaibang saya ang naramdaman ko. Tila ba naabot ko na lahat ng pinapangarap ko at wala nang hihingin pa. Pero nawala rin ang lahat ng iyon nang nalaman ko ang pagsisinunging niya.

Kuntento na ako sa pagkakaibigan namin noon, pero hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang sirain iyon. Ganoon niya ba kamahal ang ex niya at kailangan niya pa akong gamitin?

Hindi ko pa man naririnig sa kaniya ang katotohan, wala naman na akong naiisip na iba pang dahilan para gawin niya ito.

Nanatili ako sa tabi niya kagaya ng sinabi niya. Pinapanuod ko lang siya habang abala siya sa pagtratrabaho sa harap ng kaniyang laptop.

Limang araw? Kaya ko bang magpanggap nang ganoon katagal sa harap niya bago siya lumisan? Kung siya ay kinaya niya nang mas matagal pa, kakayanin ko rin.

Ayaw ko siyang konfrontahin dahil ayaw kong sirain ang magiging huling memorya naming magkasama. Natatakot ako na baka dito na magtapos ang pagkakaibigan namin at tuluyang mabahiran ng masakit na ala-ala ang mga memoryang binuo naming dalawa. Kahit kung tutuusin, nasira na siya

Kung hindi niya sasabihin sa akin ay hindi ko na itatanong. Hahayaan ko siya na panindigan niya ang kasinungalingang kaniyang sinimulan.

"Are you hungry?" Tanong niyang bigla. Bumaling siya sa akin at ngumiti.

"Hindi." Simpleng sagot ko.

"Come here." Inabot niya ang aking siko at pinaupo niya ako sa kaniyang kandungan. Ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat. Hinayaan ko lang ang sarili ko sa kaniya.

"Are you bored?" Umiling ako.

"I'm sorry. I'll just finish this fast so that we could cuddle, hm?"

"I'm fine, Maximo. Just take your time." Kumawala ako sa kaniya at tumayo mula sa pagkakaupo sa kaniyang kandungan. Hindi ko kinakaya. Gusto kong umalis.

"Nagugutom ka ba? Pwede kitang ipagkuha ng pagkain." Malamig kong sinabi. Sinubukan niyang abuting muli ang siko ko pero iniwas ko lang iyon. "Ano?"

"No, I'm not hungry. Come here, please."

"Ipagkukuha kita ng meryenda." Maglalakad na sana akong palabas pero nahawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kaniya. Napaupo akong muli sa kandungan niya. 

"I said I'm not hungry. Just stay here." He encircled his arms on my waist and hugged me tight. Hindi ko mapigilang manlambot. Kanina lang ay gusto kong umalis dito pero ngayon ay gusto ko nalang manatili sa mga bisig niya. Literal siguro na ako ang depinisyon ng tanga.

Naririnig ko ang paghinga niya sa aking tainga. His simple breath can send shivers on my spine! Hindi ko mapigilan ang pagkalat ng init na nararamdaman ko sa aking katawan na tila ba isang traydor ito sa sakit na nararamdaman.

Maya-maya pa, ang kamay niya ay unti-unti naglakbay sa aking hita papunta sa aking pagkababae.

"Maximo..." Pagsuway sana iyon pero hindi ko napigilan ang paglambot sa pagtawag ko sa kaniya. Hindi ko rin napasunod ang sarili ko na huwag magpadala. Para bang may sarili silang mga buhay at iba ang takbo nila sa isip ko.

Naabot niya ang aking gitna at pinakiramdaman ang basa kong pagkababae mula sa aking panty. Hinugot niya ang kaniyang kamay at mabilis akong inangat sa kaniyang lamesahan sa aming harap. Itinabi niya ang kaniyang laptop sa gilid bago ako marahang hinalikan.

Summer Of AugustWhere stories live. Discover now