11

1 0 0
                                    

First

Warning: R18

"Let's go on a date."

Isang hapon sa isang araw, nakaupo kami sa pasamano nila sa kanilang teresa, nang tanungin niya ko no'n. Naalala ko bigla ang unang date naming dalawa kung saan nauwi sa pagseselos at....ayoko nalang isipin.

"Bakit?" Tanong ko. Hindi pala dapat iyon ang sagot. Ano pa ba ang dahilan kung bakit magdidate ang dalawang tao?

"Just because." Simpleng sagot niya. Nagkibit balikat ako.

"Saan naman? Ngayon ba o bukas?" Maggagabi na kaya naiisip ko kung saan naman kami maaaring pumunta sa mga oras na ito kung sakaling ngayon man.

"It's a surprise. Wear something nice tomorrow night." Tumango ako. Bukas pa pala ng gabi! Akala ko ay ngayon na.

I wore a sky blue, backless dress that is above the knee, paired with white shoes the next night. He told me to wear something nice. I just don't know it needs to be formal or what. So I just made it casual.

Mga alaskwatro ng hapon nang umuwi ako sa amin galing sa kanila. At alasais ng gabi ay sinundo niya ako gamit ang kotse niya at pumunta na kami sa pupuntahan namin. Hindi ko alam kung saan iyon basta ang sabi niya lang ay 'surprise' raw.

Pumasok kami sa isang private resort hindi kalayuan sa aming bayan. Nagtataka pa akong bumaba ng sasakyan kung bakit dito kami pumunta pero hindi na ako nagtanong.

Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad pa kami kung saan. I was stunned when I saw a table set up on an open deck near the shore. There are candles on the floor and rose petals. The tables also had candles that made it look like a fancy dinner.

I looked at him, amazed by this scenery in front of me. Did he make all of this? Malamang hindi dahil mag-hapon kaming magkasama! Malamang ay nagbayad siya ng kasama para lang gawin ito. Hindi nanaman mapigilan ng puso ko ang matuwa. This guy really knows how to make my heart flutter!

"Anong meron?" Natatawa kong tanong. Naglakad kami patungo sa table. Hinila niya ang upuan ko at pinaupo ako.

"Nothing. Is there a need for an occasion?" He raised a brow as he sits down. He's wearing a plain white shirt and cream pants paired with white shoes. It's so casual like me. Tama lang pala ang desisyin ko na ito ang suotin.

"Wala. Nakakabigla lang." Natatawa kong sabi dahil natutuwa ako.

May lumapit na dalawang, waiter siguro, sa amin. At isa ay may dala-dalang wine na sinalinan kaagad ang wine glase naming dalawa. Ang isa naman ay may dalang menu at ibinigay sa amin.

"What do you want?" He asked. Hindi ko alam kung ano ang oorderin ko. Pakiramdam ko kasi ay busog na busog na ako sa paru-parong naramdaman nang makita ito.

"I'll just have a corn and fish chowder." I smiled at the waiter. Sinabi rin ni Maximo ang kaniya at umalis na ang waiter.

"Oh, I forgot about the dessert." Bigla kong naalala. Well, we can just say it to the waiter later.

"Don't worry, you already have your dessert in front of you." He smiled devilishly. Hindi ko pa nakuha kaagad ang sinabi niya at napatingan pa ako sa table para lang hanapin ang tinutukoy. Pero naningkit ang mata ko nang mapagtanto! Mahina naman siyang natawa.

"Talaga?" I plastered a devilish smile, too. Nawala ang ngiti niya at matalim aking tinignan.

"Do you want to sit near me?" Makahulugan niyang sabi. Agad akong nang-init nang naisip ang gusto niyang mangyari. Agad ko siyang sinuway.

"Maximo!" Bumalik naman ang palabiro niyang mga ngisi.

"What?" Patay-malisya niyang sabi. "So we can see together the view here!"

Summer Of AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon