017

79 21 3
                                    



Keydee's POV


Malalaki ang mga hakbang kong umalis palabas sa shop at agad na tinungo ang daan papuntang Mizzymaze Cafe.

Hindi nako nag-abalang sumakay pa sa kotse tutal hindi naman ito ganoon kalayo mula sa shop ko.

Sa totoo lang, mainit talaga sa labas pero wala parin ito sa kung gaano kainit ang ulo ko ngayon. I'm way too hot compared to the Sun and anytime, mag-e-emit na ako ng mga fireballs na parang isang dragon. Whoever block my way, he'll surely die in vain.

After mga ilang minuto ay nakarating nadin ako sa wakas. I let out a sigh before I enter the said Cafe. Buti na ngalang at hindi ganoon kadami ang tao sa loob kaya nakahinga ako ng maluwag.

Kaagad kong inilibot ang tingin sa loob pero hindi nahagip ng mga mata ko ang aswang na babae na yon.

Plano kona sanang bumalik nalang pero ang aswang nasa isang sulok pala nakaupo.


"Brother! Brother! Dito!", she shouted while waving her hand.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanya at agad na umupo ng nakadekwatro sa katapat niyang upuan. I crossed my arms without looking at her.

"Uhm, brother... Do you want some water, juice or coffee?"

Hindi ko siya pinansin at nanatili lang akong walang imik. Mas lalo yatang uminit ang dugo ko dahil sa maarte niyang tono. Yung tipong masisira na ang eardrum ko dahil nakakasakit sa tengang pakinggan niyon.

"Can I get your order now Ma'am?", I heard the lady asked her.

"One cappuccino for me and... a glass of water for him please"

Aalis na sana ang babaeng kumuha nung order pero agad ko itong hinawakan sa braso. "Just prepare the coffee Miss", usal ko at binalingin ng tingin si Tanya.

"Okay po Sir, masusunod"

Nang makaalis na ng tuluyan ang babae at ng kami nalang ulit na dalawa ay hindi kona napigilang magtanong sa kanya.

"What is it that you want to talk about with me?", I sounded calm but deep inside, isa-isa ng nagsisiputukan sa inis ang mga veins ko.

She bit her own lip and met my gaze. Hindi lang pala boses ang nakakairita sa kanya kundi pati din yung buong pagmumukha niya. If everyone admires her beauty, oh I'm sorry to say this, but I loathe it!



"Brother listen up, yesterday, I talked to Dr. Santiago about Dad's condition and according to him..."

"Kailangan na daw natin siyang ilipat sa mas magandang facility. I have some thinking and this is what I wanted to tell you"

"Next week, I'll send Dad to America. Don kona siya ipapagamot Keydee. I'm confident na magiging madali ang progress ng paggaling ni Dad doon dahil mga kilalang Doctor ang hahawak sa kanya and don't worry about the expenses, ako na ang bahala sa lahat"

"I just hope you're not against with—

She paused when I suddenly burst out laughing. I don't know why, but what she said really sounds so funny to my ears. It's like a joke that I've never heard before, sobrang nakakatawa.

I started rubbing my brow as I kept on laughing, but this time, in a sarcastic way. She's still in shock, I guess, dahil sa ginawa ko but I don't care. Wala akong oras para intindihin siya at kailan ba ako nagkaroon ng pake sa kanya? Sa nararamdaman ya? Maybe noon, nung hindi ko pa alam ang totoong ugali at ang totoong pagkatao niya.


"What kind of shit did you take this time huh? Don't tell me na nahulog ka sa isang malalim na bangin at nauntog yang ulo mo sa matigas na bagay kaya nagkakaganyan ka ngayon?"

"O baka nagkaron kana ng sakit sa pag-iisip after you've realized what really you are"

"The Tanya that I know would never do things like this... She'd rather go party all day and flirting with those addict guys. And as far I remember, wala yung pake sa ibang tao including sa pamilya niya"

"So I didn't expect that you would call me just to get my permission? Tama ba talaga yung narinig ko? Ipapagamot mo si Dad?HA-HA-HA that's a good joke Tanya. You really make me laugh"

Napabuntong-hininga lang ito ng ilang beses while she's trying to avoid my cold stare at her. Nakakapanibago nga dahil dapat dinidefend na niya ang sarili niya ngayon sa mga isinusumbat ko sa kanya. Na mali yung sinasabi ko o kaya hindi niya iyon ginustong mangyari.

I really don't give a damn if I am being harsh on her now. After all, deserve naman niya to eh at kung tutuusin, kulang na kulang pa nga.

She's a real living monster. Wala ng makakaangat sa kanya pagdating sa kademonyohan. Ewan ko nga kung talagang kapatid ko to eh. Ang layo-layu ng ugali niya sakin pati kina Mom at Dad.

Nang mapatingin ulit ako sa kanya ay napakagat uli ito sa kanyang labi at dahan-dahan na napayuko. She's rubbing her two hands together, which she always does whenever she's holding back herself not to cry.

And me? I just shrugged while I'm still glaring at her. As if I have a care? Hush! Mabato ko pa siya ng sapatos kong singkapal ng pagmumukha niya.

"If only you knew everything Keydee siguro, maintindihan mo rin ako... Bakit ba laging mali nalang ang parati mong nakikita sakin?", usal niya na napiyok pa bago napasinghot.

"Kailan ka ba gumawa ng tama?", balik tanong ko sa kanya. "Remember the day you told Mom na hindi kana ulit gagawa ng gulo? I knew that you were just saying those words to make them shut their mouths! Bakit Tanya? Ano bang rason bakit naging ganto kana kalala?"

"Everything you do, laging sakit sa ulo ang dala nito sakin at sa mga taong nasa paligid mo. You know what, I don't think I can trust you again. It's so difficult to put broken things back to its original state, lalo na kapag yung tao ay wala ng pag-asang isatama ang mga pagkakamali niya"

Hirap na hirap siya ngayong salubungin ang tingin ko dahil alam niya sa sarili niya na tama ang lahat ng sinabi ko tungkol sa kanya. Kung akala niya wala lang sakin ang mga iyon, she's very wrong.

Kabisadong-kabisado ko na siya mula sa pagsisinungaling niya, sa mga kagagahang nagawa niya pati na rin sa pagkli-claim niya ngayon na siya pa yung biktima? She's unbelievable, wala siyang karapatan na sabihin iyon dahil siya ang salarin at hindi biktima.

"I did what I have promised to Mom, Keydee. Hindi na ko gumawa ng gulo simula ng araw na yun... What Nani have told you was all wrong! Sinisiraan niya ko sayo at kina Dad. Believe me brother, I really overheard her conversation with his notorious Dad, si Uncle Dario. Hindi aksidente ang lahat Keydee. Plinano nila ang pagpatay kay Mom! Nani is a killer and anytime, isusunod na niya tayo para mapa sa kanila na ang pera at ang kompanya"


For the nth term, I sarcastically laugh again to the point na yung ibang tao ay napapatingin na sa gawi namin.

I don't care at them at all, ang alam ko lang gawin ngayon ay makinig at tumawa sa mga kalokohan at kagagahan ni Tanya.

"So now dinadamay mona si Nani at Uncle... really Tanya? Wala ka na ba talagang ibang maisip na magandang alibi para pagtakpan ang kasalanan mo? You're the one who killed Mom. Kung hindi ka naglayas, siguro ngayon, buhay pa siya at hindi pa kita gaano ka kinamumuhian", I paused for a bit before I point my finger on her. "You and your goddamn excuse sucks!"


Pinandilatan ko siya ng mata habang nanggigigil ako sa sobrang inis. Any minute, alam kong iiyak na siya. At heto ako na harap-harapang isinasampal sa kanya ang mga ginawa niyang katarantaduhan sa buhay.

Bilib na bilib nga naman talaga ako sa kanya. Kita mo, dinamay pa niya ang ibang tao sa usapan para lang iligtas ang sarili niya? Siya itong gumagawa ng kwento at hindi si Nani.

Kung talagang totoo ang sinasabi niya na plinano nila ang pagpatay kay Mom. Di sana may nangyari ng masama sakin dahil ako ang nagpapatakbo ng kompanya na itinayo ni Dad. She's obviously making a way to get herself out, sinusumbat na niya ngayon sa iba ang mga kasalanan niya? That's absolutely her type!

A teardrop suddenly came out from her eye. Napabuntong-hininga ako ng malalim at agad na napatayo sa kinauupuan ko dahil sumasakit na talaga ang ulo ko sa kanya.

"The-re's no point ex-plaining to you Keydee. You've fixed your mind not to believe me so let's just put it that way. Nakakapagod din palang ipagsiksikhan ang sarili mo sa taong ayaw ka namang bigyan ng chance na magbago..."

Unti-unti siyang napatingala saka niya ako tinapunan ng tingin habang isa-isa ng tumutulo sa pisnge niya ngayon ang kanyang mga luha. Instead of giving her a handkerchief, napailing-iling lang ako sa kanya. At nung akma na akong aalis, I suddenly heard her call my name again. Nanatili lang ako sa puwesto ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Keydee... please, I'm b-egging you. I know I was wrong, but can you just let me this time? Hayaan mo kong alagaan o makabawi man lang kay Dad. I really want to help and I don't want to be a burden to you anymore. Please..."

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang sumikip ang dibdib ko matapos kong marinig iyon galing sa kanya. Parang may kung anong pumipiga nito to the point na hindi na ako makahinga ng maluwag. I can't breathe properly and I know, it's because of anger.

Galit ako kay Tanya at galit ako sa mundo. Sa dinami-dami ng tao, bakit sa pamilya ko pa? Bakit si Mom pa yung namatay? Bakit si Dad pa yung nagkakasakit ngayon? Bakit hindi nalang yung mga taong gumagawa ng masama?

I fucking wanted to end everything! Wala ng saysay ang lahat sa buhay ko. Ang hirap-hirap mag-pretend na okay ka, na malakas ka all this time after all the ups and downs. Tao lang rin naman ako na nasasaktan at nagdudusa pero bakit sobra-sobra na ata?

Hindi ko na napigilang ikuom ang dalawa kong kamay dahil don sa sinabi niya. I tried everything I can to calm myself pero mas lalo lang akong hindi kumakalma.

"We don't need your help, Tanya. And can you stop calling me by my name? We're not close and we didn't even know each other! To tell you frankly..."

"I've already planned to take Dad somewhere else away from you. So please, leave him alone kung may konsensiya kapang natitira diyan sa sarili mo"

Hindi na ko nagdalawang-isip na umalis sa lugar na yon matapos kong sabihin iyon sa kanya. Baka kung ano pa ang magawa ko kapag tumagal pako don kaya mas mabuting lumayo nalang.

Lakad lang ako ng lakad habang iniisip ko kung bakit pa ba ako nagpakita sa kanya? Di sana hindi ako naiinis at nagagalit ngayon at mas lalong wala sana akong oras na nasayang ng dahil sa kahangalan niya!

Ano pa bang inexpect ko? She ruined everything in my life. Wala siya tinira... si Dad? Nagkakasakit ngayon dahil sa pag-aalala sa kanya at ako nawalan na ng ganang ipagpatuloy ang mga bagay na minsang nagpasaya at bumuo sakin.

Maya-maya'y naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Kukunin ko na sana ito para tingnan kung kanino galing ang text kaso may kung sino naman ang bigla nalang bumangga sakin.

Nasapo ko ang sariling noo dahil don at frustrated na napabuntong-hininga. "What the heck Miss?! Are you that——

Hindi kona natuloy ang sasabihin kong iyon ng makita ko ang mukha nito. Sobrang familiar niya sakin pero hindi ko talaga matandaan ang pangalan niya, basta ang alam ko, DG told me not to get close with this girl.

He actually warned me and that makes no sense! Oh baka type niya ito kaya pinagbabawalan niya kong lumapit dahil baka natatakot siyang agawin ko ito mula sa kanya? That's possible nga naman talaga but as far as I could remember, DG likes Akira. So what on Earth is he trying to do? Uhh, dumagdag pa 'to sa iisipin ko!

I remained silent until she finally lift her chin up. "Hala sorry, hindi ko naman...", napaawang kaagad ang labi nito matapos niya kong makita.

Shock is written in her face right now and I know that she remembers me the way she blink her eyes. Ito na nga ba ang sinasabi ko, ang hirap nga namang kalimutan ang gwapo kong mukha kaya wala tayong magagawa.


"Keydee?"


"Oh"


"Eh?"

"What? H-ow did you know my name Miss? D-o you know me?", pabalang kong tanong rito na kunwari nagulat ako dahil alam niya ang pangalan ko.

Napakagat siya sa labi niya at napalunok naman ako ng laway ng walang pasabi itong napangiti pagkatapos. Gosh, gusto ko siyang e-take out!

"Oo naman, hindi mo ba ako natatandaan?"

Kaagad akong napailing-iling sa tanong niya. Hindi ko naman gustong magsinungaling sa kanya pero patay ako pag hindi ko sinunod si DG. He'll get mad and I'm very sure he will do something against me.

"I really don't know who you are Miss and I'm probably sure that I am not the person you're talking about"

"Pero ikaw talaga yon eh..."

Muli kong naramdaman na nag-vibrate ang phone ko kaya dali-dali ko itong kinapa at kinuha sa bulsa ko. Kay Grace galing ang text at hindi maganda ang laman niyon.

"Whatever, just let me through okay? I have a lot of things to do. Mauuna na ko"

Magtatanong pa sana ito kaso hindi na niya nagawa ng mabilis akong humakbang paalis. What's more important for me now is yung tinext ni Grace. Something bad happened and I'm the one whose in the bad situation right now.

Nang medyu malapit na ko sa shop ko ay nakita kong nagsikumpulan ang mga tao sa labas including my employees. Grace texted me that someone broke the car that I borrowed from DG. Well in fact, hindi nga niya alam na hiniram ko.

Nakayukong lumapit sakin si Grace na bakas sa mukha nito ang takot. "Si-sir Keydee... na na-basag po yung back glass ng kot-se niyo... at——

I heaved a sigh. "Okay hindi ako bulag Grace nakikita ko at bakit nga pala kayo nasa labas?! I'm pretty sure that I'd said earlier na bantayan niyo ang shop"

Nabigla ata ito sa inasal ko kaya napaatras siya at unti-unting yumuko ulit. Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa nangyari.

I'm really, really not in a good situation right now...

HEIJUEL'S ACADEMY: School for MusiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon