PROLOGUE

315 103 60
                                    

"Oh well, look who's here. She's all by herself", napatigil ako sa pagkain nung marinig ang pamilyar na boses na iyon sa harapan ko. Bahagya akong nag-angat ng tingin at sumalubong sakin ang magandang mukha ni Chelsea.

She's wearing her fake smile while looking at me. Nakataas ang isang kilay nito habang nilalaro ang mahaba at medyo kulot niyang buhok. The Devil's Queen has awaken at ako pa talaga ang pinili nitong bibiktimahin? Jusme, wala akong laban sa kanya pagdating sa away, sa kantahan nalang siguro meron pa.

Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko at hindi ito pinansin. Ayaw ko ng gulo at isa pa, ang daming estudyante kaya ang nakatangin samin ngayon.

Hinila nito paatras ang upuang nasa harap ko at agad siyang umupo doon. Nakatangin parin ito sakin habang ako naman ay hindi na mapakali sa kinauupuan ko.

"Where's Nixon?", aniya na parang naiinip habang dinudurog-durog na nito ang dalang pagkain. Ini-imagine ko na sa akin niya ginagawa iyon kaya naman biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko.

Karamihan sa mga estudyante dito sa Academy ay takot sa kanya. Kahit kasi wala kang ginagawang masama, kapag trip ka niyang pagtripan ay talagang pag-iinitan ka nito ng ulo at pagnagkataon, gagawan ka niya ng dahilan para mapaalis dito sa Academy. She's the Bad-ass Queen of H.A. after all.

Maya-maya pa'y napaigtad ako sa sobrang pagkabigla nang ibagsak nito sa hapag ang hawak-hawak niyang tinidor.

Nanlilisik ang mga matang napatingin ito sa akin. "Do I have to repeat it AGAIN???", napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil sa sobrang pagkabigla. Siya na nga yung nagtatanong, tas siya pa tong galit?

Pinakalma ko mona ang sarili bago nagsalita. "Chelsea... pwede bang layuan mona siya? Alam ko na wala ako sa lugar para sabihin to pero... ito lang ang tanging paraan para sumaya kayo pareho", mapait itong napangiti habang nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot at panghihinayang. Maybe she's really into him. Ang tao talaga pagnagmahal nagbabago,at ganon din pagnasaktan.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad palapit sa kanya. Napatingin ito ng diretso sakin nang hawakan ko siya sa kamay. "Sky is now happy, if you really love him gagawin mo ang lahat para sa ikakasaya niya. Balang araw may—", hindi kona natapos ang sasabihin kong iyon ng maramdaman ko ang pagbaon ng kanyang matutulis na kuko sa balat ko gamit ang isa niyang kamay. Sobrang sakit nung ginawa niyang iyon pero tiniis kolang.

"Sino ka para pigilan ako? Sino ka para utusan ako? Lumayo? No way! That's bullshit! NO ONE CAN TAKE HIM AWAY FROM ME!", nanlaki nalang ang mga mata ko nung mapatayo ito at agad akong itinulak ng napakalakas dahilan para mapaupo ako sa sahig. Kung kanina galit siya, ngayon mas dumoble pa.

Bakas sa mukha ng bawat estudyante ang tensiyon sa pagitan namin. May mga gusto pa sanang tulungan ako pero agad ko silang inilingan. Ayaw ko na pati sila ay madamay pa sa nangyayari ngayon.

"Nixon is mine! He'll forever be mine! And you", turo niya sakin. "You'll pay for what you've said", aniya at agad na kinuha ang basong nasa mesa na may lamang tubig.

Gustuhin ko mang tumayo at umalis ay hindi ko magawa dahil sa sugat na natamo ko kanina nung bumagsak ako. Napapikit nalang ako at hinintay ang pagbuhos nito ng tubig sakin. Ngunit lumipas na ang ilang segundo ay wala paring nangyayari. Kaya agad akong napamulat at bumungad sakin ang isang lalaki na nakatayo ngayon sa harap ko. Nakatalikod ito kaya hindi ko alam kung sino siya.

"Are you enjoying this Ms. Fuentavillas?", asik nung lalaki habang nakapamulsa pa. Naka red itong suit kaya alam ko na hindi ito isa sa mga kabanda ko.

Natameme nalang ako maging ang mga estudyanteng nakapaligid samin.

"And w-ho are you to butt in, Mister?", balik tanong ni Chelsea na mukhang hindi nakayanan ang presensya nung kaharap niya.

Kaagad na napatawa ng mahina yung lalaki dahilan para mapaawang ang bibig. Napaka-imposible naman atang siya to diba?

"Me? I'm Xyanara's boyfriend. Am I right babe?", nanigas ako sa kinauupuan ko ngayon nung mapalingon ito sa puwesto ko. Hindi nga ko nagkakamali at siya nga ito. At ano? BOYFRIEND ko daw siya? Hell nooooooo

"If Nixon is yours, then you shouldn't have messed with her... what's mine is mine!"

"Hurt her again and you'll know what it feels to be in pain, you freak"

*****

🦋yaya_purple

HEIJUEL'S ACADEMY: School for MusiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon