005

160 75 2
                                    


Xyanara's POV

"C.A.V???", usal ko rito habang nakangiti naman ito ng todo sa akin.

Humakbang siya palapit sa akin at agad akong inakbayan. "Hey wag!, madumi ako", wika ko habang nakacross pa ang dalawa kong kamay sabay yuko. Basa pa rin kasi yung damit ko kaya ayaw kong pati siya ay madumihan.

Napaismid naman ito na lalong nagpacute sa kanya. "Are you avoiding me?", nalulungkot na saad nito. Gusto kong matawa sa reaksiyon niya ngayon dahil para siyang tuta na ayaw pakainin ng amo niya.

Anyway, he's Carl Ashville Villasoccoro aka CAV. Kilala siya bilang twin brother ni Clint Ashton—isa rin sa mga hot baes dito sa school. Nabibilang din ang magkapatid nato sa Top Ten kaya naman magkakilala kami. They both known as the 2C.A.Vs, sila ang pang-apat sa lista at ang category nila ay Duo.

Napailing-iling ako, "No it's not like that, tingnan mo ang dungis ko ohh tapos lalapit kapa?", bigla naman itong natawa.

"But why? What happened ba?", nakatingin ito sa akin with matching nakangiti parin.

Napabuntong-hininga ako, "It's a long lame story Ash, kaya wag kanang magtanong", napa-ahh nalang ito saka iginaya ako paalis don sa Restau.

Maya-maya pa'y napatigil ako sa paglalakad ng may inabot ito sakin ng kung ano. Nang makita ko, susi pala ng locker niya. "Aanhin ko to?", nagtakakang tanong ko sa kanya.

"I have clothes there, I know nakalimutan mo namang magdala ng extrang damit. Just don't get caught okay? May aasikasuhin pa kasi ako", sagot niya saka ako nito hinawakan sa magkabilang balikat ko at itinaboy paalis.

"Pero Ash...", aangal pa sana ako kaso tumalikod na ito habang kumakaway na sakin. Ganyan siya lagi, mabait, mapagbigay at higit sa lahat, ayaw niyang may nakikitang nasasaktan. Marami ding babae ang nagkakagusto sa kanya pero sa pagkakaalam ko, may inaantay lang daw itong isang babae. Sino kaya? Basta ang masasabi ko, ang suwerte niya period.

*LoCkEr RoOm

Dahil wala akong choice, napilitan nalang din akong pumunta sa looker room ng Top Stars. Naiiba rin kasi yung locker namin kumpara sa ibang mga estudyante. Nasa first room yung locker ng mga boys at yung samin naman ay ang kasunod nitong kwarto.

Tama nga naman si Ash, parati ko talagang nakakalimutan na magdala ng extrang damit. Hindi naman ako failure sa memorization pero bakit ako makakalimutin? Ewan ko talaga sa sarili ko, kailangan ko na atang uminom ng Memo Plus Gold.

"Twen-ty... Nine, tama eto nga yung locker niya", nagliliwanag ang mukha ko habang nakatayo na ngayon sa harap ng locker ni Ash. Agad kong kinapa at kinuha sa bulsa yung susi na binigay niya kanina sakin at binuksan ito.

Pagkatapos kong mabuksan, napamaang ako sa dami ng kanyang extrang damit. May dalawang jacket na katulad nung sa mga nakikita kong sinusuot ng mga Amerikano, tatlong magkakaibang kulay na t-shirt na may tatak C.A.V sa likod, mga sando at yung iba ay mga jogging pants at shorts na niya.

Kinuha ko yung black niyang t-shirt at agad na isinara ang locker nito. Nilibot ko ang buong tingin sa loob ng kwarto, buti nalang at walang ibang tao. Restricted kasi kaming mga babae na pumasok dito kaya pagnagkataon na mahuli ka, tumatagingting na limang libong peso lang naman ang multa o di kaya'y gagawin kang janitor ng isang buwan.

Dali-dali akong naglakad palabas habang ginawa kong takip sa mukha ang t-shirt ni Ash. Mahirap ng may makakita sakin dahil wala akong pambayad at baka mapagkamalan pakong stalker dito or worst, magnanakaw. Napabuga ako ng hangin ng makalabas habang habol ko ang sariling hininga. Napatakbo kasi ako dahil sa kaba kaya ito ako't humihingal ng sobra ngayon habang nasa dalawang tuhod ko ang mga kamay ko. "Bu-ti nalang... wa-lang tao... kung hin-di——

HEIJUEL'S ACADEMY: School for MusiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon