CHAPTER 27

3.4K 72 0
                                    

CHAPTER 27: (77-79)

WARNING: May pagka-Corny hahahahaha!

Vote kung inyong nagustuhan!

*********************

Ilang linggo ang lumipas nang magyare ang pangyayareng iyon.


At ngayon ay naka higa ang dalaga sa sarili nitong kwarto, nang biglang bumukas ang kanyang pintuan.


Dahan-dahang bumangon ang dalaga sa kanyang pagkakahiga upang pagbukasan ang kung sino mang tao sa labas.


BUmungad sa kanyang harapan ang kanyang ina, kaya walang atubiling pinalawak nito ang pagkakabukas ng pintuan.


"N-nay, pasok ho kayo"- sambit nito sa dalaga.


Tuluyan namang pumasok sa loob ang ginang at marahang umupo ito sa kama na kanina'y pinaghihigaan lamang ng dalaga.


"Anak, sigurado kanaba sa desisiyon mo na umalis sa restaurant na pinagtatrabahuhan mo?"- nakatingin sa kanya ang ginang habang tinatanong siya nito.


"O-ho inay, sigurado na po ako, mas magandang maghanap naman ako ng ibang mapagtatrabahuhan nang sa ganoon ay magkaroon naman ako ng panibagong pagkakakitaan."- sambit naman ni sam sa kanyang ina.


"Hay o siya sige, hindi na kita pipigilan sa mga nais mong gawin ngunit ito lang ang nais kong sabihin sa iyo anak..."


"Ano po iyon inay?"

"Anak, samantha, maraming salamat sa lahat anak, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka rito ngayon"


"Nay diba sabi ko sa inyo gagawin ko lahat para mamuhay tayo ng masagana? kahit wala na ang itay ako ang papalit sa kanya, patuloy akong kakayod para sa inyo inay, para sa mga kapatid ko, pagtatapusin ko sila ng pag-aaral nang sa ganoon ay makaginhawa tayo, nay, hindi mo na kailangang magtrabaho, ako na ang gagawa non para sa inyo, ayoko nang nakita kayong nahihirapan. Lalo nang malaman natin iyang sakit mo.Nay naiintidihan niyo po ba ako?, mahal na mahal ko kayo, inay, mahal na mahal namin kayo."- at pagkatapos non ay agad akong inakap ni inay, naramdaman ko narin ang pagtulo ng aking luha galing sa pisngi ko.

Nalaman kasi namin na may sakit si inay, kung si itay ay lung cancer si inay naman ay sakit sa puso.Oo Lung cancer ang ikinamatay ni itay.

HIndi na kasi kinaya ng kanyang katawan ang sakit at kirot na idinudulot nito sa kanya.


Ilang araw kasi ang lumipas nang napapansin ng mga kapatid ang labis na pagiging pagurin ni inay, na kahit konting walis lang ay hihingalin na siya kaagad.

At pati rin ako ay napansin iyon sa twing umuuwi ako galing trabaho.

Kaya walang atubiling pinatingin namin sa doctor kung anong problema sa kanya.

At doon kami nagulat nang sinabi ng doctor na may sakit siya sa puso.

At nalaman narin nilang nasa stage 3 na ito!

Maraming ipinagbawal sa kanya, isa na roon ang wag magpapagod, dahil nakakasama ito sa kanya.

Kaya mas pursigido akong makahanap ng ibang trabaho upang makapagipon at mapagaling si inay.

Ken Dominguez✔️Where stories live. Discover now