PROLOGUE:

12.4K 170 2
                                    

PROLOUGE/Teaser:

Binilisan ko na ang pagtitimpla dahil baka mapagalitan pa ako kaya nang matapos ko na ang kape na ginagawa ko ay doon na ako pumunta sa second floor na kung saan ay ang kwarto ni ken...


Hindi ko alam kung ano ang dapat kung sabihin at ikilos pag nasa harapan na niya ako...


HIndi ko alam kung anong sasabihin ko, kung bakit, siya ang bumili ng restaurant na ito?, na bakit siya nandito?


Siguro, hindi naman dapat na gawin ko at sabihin ko mga iyon sa kanya dahil, ngayon, ay iba na.


Hindi na siya yung dating ken na pwedeng kong kausapin sa paraang gusto ko.


Hindi na siya yung dating ken na pwede kong asarin, barahin at sagu't-sagutin..


Dahil ngayon, ibang Ken Dominguez na ang nasa aking harapan,


Mas seryusong Ken,


Mas karespe-respetong Ken,


At higit sa lahat...


Isang Ken na siyang tinitingala, hinahangaan at tinitilian ng mga kababaihang nahuhumaling agad sa kanya ang makikita, at mapapansin mo...


Isang buntong-hininga ang ginawa ko nang katukin ko na ang pintuan niya...


Nag-antay ako ng ilang segundo, at ang akala ko ay walang tao, nang biglang may nagsalita sa loob


"Pasok"- ani nito


Biglang kumalabog ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na dahilan kung kaya't natapon rin ang kape na siyang hawak-hawak ko,


Pasalamat nalang ako dahil may platito na nakalagay dito, at kung hindi ay paniguradong buhos sa damit ko ang kape na ito!


Bumuntong-hininga ulit ako ng nag-umpisa na akong pumasok sa office niya


At tamang-tama nang pagka-tingala ko sa kanya ay doon nanaman ako natigilan at muntik pang nabuhos ang kape na hawak ko!


Naka-topless kasi siya! OMO anong gagawin ko? nanginginig na kaya ako dito! ni mag salita ay hindi ko magawa!


Napansin kong parang may sinabi siya sa akin ngunit hindi ko ito halos marinig dahil sa sobrang napako ang mga paa ko sa sahig habang nakatitig ako sa kanya! Ay Mali pala Sa kAtawan niya?! anong nangyayare sakin?!


Bigla niya akong nilapitan at bigla niyang pinitik ang noo ko na dahilan para bumalik ako sa katinuan


"HIndi mo nanaman ba narinig ang sinabi ko? Ms. Bautista?"- naiinis na sabi niya sa akin


"Ahhh I-im sorry S-sir.."- nakayuko kong tugon sa kanya


"I SAID THAT YOU WILL NOT CALL ME IN THAT KIND OF SHIT! CALL ME IN A PROPER WAY!!"- Bigla niyang sigaw sa akin


Nagulat ako nang sigawan niya ako


Siya lang ang unang nakagawa sa akin ng ganun.


At dahil sa biglaan niyang pagsigaw ay doon ko na nabitawan ang kape na siyang hawak-hawak ko.


At dahil nakayuko ako ay kitang-kita ko na nabasag ito at nagkandapira-piraso pa.


Nagakalat rin ang kape na laman nito.


=====================

Ken Dominguez✔️Where stories live. Discover now