CHAPTER 24:

2.8K 59 0
                                    

This Chapter is Dedicated to my Friend BATMANFrench.xD

**********************
CHAPTER 24: (68-70)

Hindi ko nalang pinansin ang titig na iyon ni ken sa akin.


Kaya ang ginawa ko na lang ay nagpatuloy nalang ako sa paglalakad akay-akay si ken sa akin.


Nang makapunta na kami sa lobby ng hotel ay agad naman kaming tinulungan ng mga staff na naroroon.


Kaya hindi na ako muling nahirapan pa sa kanyang sitwasyon,


Binigay narin kasi nila ang susi sa kwarto niya, kaya agad ko namang kinuha ang susi at saka nagpatuloy sa second floor ng hotel para makapunta na sa kwarto niya.


Nang makarating na kami sa harap ng pintuan ng kwarto niya ay sinusian ko na ang pintuan at saka tinulungang ipasok si ken sa loob ng kwarto.



Agad naman akong nagpasalamat sa mga tumulong sa akin para maihatid dito si ken.


Nang maiupo ko na siya sa may couch na nasa sala niya ay doon ko lang napansin ang itsura ng condo niya.


Napakaganda nito base narin sa itsura aat pagkakagawa dito.


Black-Grey-White ang tema ng kulay ng loob ng kwarto niya.


Lalaking-lalaki ang dating at itsura nito.


Nang makahinga uli ako ng maluwag ay saka ko hinanap ang paglagyan ng emergency kit para masimulan ko na ang paggamot sa kanya...


Una kong hinanap ang kwarto niya at baka nandoon ang pang-gamot na hinnahanap ko.


Nakarating ako sa may kwarto niya at doon ay nakita ko kaagad ang isang king size na kama.


At Puti ang kulay nito na parang nakakatakot na humiga at baka marumihan pa ito.


Wala akong makitang pang-gamot kaya nagdiretso nalang ako sa may banyo na nasa gilid lang din ng kwarto niya.


Doon ay nakita ko ang bagay na hinahanap ko, at saka dali-daling bumalik sa sala para mapuntahan na si ken.


Nang makabalik na ako ay nakita ko siyang nakaupo at nakasandal pero nakayuko.


Alam kong hindi siya tulog dahil sa paggalaw-galaw niya ng kanyang mga daliri.


Agad-agad naman akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya.


Nagbuntong-hininga ako bago muna ako magsalita sa kaniya.


"K-ken...."- mahinang sabi ko pero sapat na iyon para marinig niya.


At dahil iyon ay dahan-dahan niyang iniangat ang mukha niiya para tignan ako.

==================

Kahit ang awkward ng sitwasyon namin ngayon, ay pinilit ko nalang na hindi iyon pansinin.


Buti ay naalala ko na kailangan ko pa palang itex ang kapatid ko para malaman nila na baka anong oras na ako makauwi.


Nang makuha ko ang cellphone ko sa na nasa couch ni ken ay saka na ako nag type ng message para sabihin sa kapatid ko na mahuli ako ng uwi.


Di nagtagal ay tumunog ang cellphone ko at ng tignan ko iyon ay nag reply ang kapatid ko.


Bubuksan ko na sana ang message na tinext ng kapatid ko ng biglang tumunog ulit ang cellphone ko na nagpapahiwatig na mayroong akong natanggap na panibagong tex.


Ken Dominguez✔️Where stories live. Discover now