CHAPTER 23:

2.9K 63 1
                                    

CHAPTER 23: (65-67)

Malapit na mag alas-siyete nag gabi ngunit naglalakad parin ako paunta sa paradahan ng sasakyan. Hindi ko talaga maisip na ako pa ang ginawa niyang personal na sekretarya niya.

At dahil nga sa sinabi niyang iyon ay sinumulan na niya akong utusan para sa mga gagawin ko bilang 'sekretarya' niya...

Naalala ko naman kung pano ako ginabi ng uwi!

Tumambad sa harapan ko ang mga folder na patong-patong at sa tingin ko ay humigit-kumulang 30 mga folder sa isang column non!

Kaya imabot ako ng ganitong oras sa pag-uwi.

Habang patuloy ako sa pag-lalakad ay naramdaman kong may paparating na sasakyan kaya pasimple akong gumilid para di ako masagasaan.

Ngunit napansin ko na parang tumigil ang sasakyan na nasa likuran ko at lilingon na sana ako ng bigla itong pumreno! kaya talagang tumingin na ako sa likod ko para tingnan kung sino ang tao na nasa loob ng sasakyan.

Habang pilit kong inaaninag kung sino ang sakay non,habang naka bukas ang kanyang ilaw, ay bigla nalang may lumabas na lalaki na pamilyar sa loob ng sasakyan!

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, nang makita kung sino ang tao na nasa loob non!.

Walang iba kung hindi si Ken.

Tumalikod na ako para ipagpatuloy ang paglalakad ko ng bigla niyang hatakin ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.

AGad naman akong napayuko ng makita ko ang mga mata niyang titig na titig sa akin.

"Anong pumasok sa kokote at naglalakad ka ng mag-isa rito! ha?!"- Nagulat ako ng bigla niya akong pagsalitaan ng ganun!

"A-ah kasi s-sanay naman na ako k-kaya ok lang"- sabi ko naman sa mahinahong boses

"tssk! sumabay ka na!"- at binitawan na niya nga ang braso ko. HInimas-himas ko naman iyon dahil alam kung magkakaroon ng pasa roon, eh, sobrang higpit kasi ng hawak niya sa akin. Di naman ako nagreklamo at baka mapagalitan pa ako. =______=

Hindi naman na ako naka-angal pa at nagmadali naring  pumasok sa sasakyan niya.

Habang patuloy siyang nagmamaneho ay wala paring imikan sa aming dalawa.

Wala naman akong gustong sabihin sa kanya kasi wala naman akong dapat sabihin! =_______=

Nakatingin ako sa labas habang pinagmamasdan ang simpleng bayan kung saan ako lumaki, ngunit naputol kaagad ako nang marinig ko si ken na magsalita.

"Sam... "- alanganin pa niyang sabi at doon ay tumingin ako sa kanya, at nakita kong nakakunot pa ang kanyang noo. Ano kayang iniisip niya?

"B-bakit Ken/"-tanong ko sa kanya habang nagmamaneho at seryusong nakatingin sa daan.

"Sam, nung kanina sa restaurant habang kinakausap ko ang ibang mga staff, san ka nanggaling nun?"- tanong niya.

Napaisip naman ako, sasabihin ko ba sa kanya??? may karapatan ba siyang malaman kung san ako nanggaling??? pero bakit nga ba niya tinatanong?

"B-bakit mo naman natanong?"- balik kong sabi sa kanya

Shunga mo talaga sam! syiempre tatanungin niya dahil isa ka sa mga empleyado roon! =______=

Nakita kong nag-dadalawang isip pa siya bago sagutin ang tinanong ko sa kanya, hanggang sa bumuntong-hininga siya at nagsalita na.

"Dahil ngayon na sekretarya na kita ay kailangan na hindi ka basta-basta pupunta kung saan-saan, dapat sabihin mo muna kung saan ka pupunta dahil, hindi pwedeng basta-basta ka mawawala nalang, nagkakaintindihan ba tayo, ms. Bautista?"- tumango nalang ako sa kanya habang mariing nakagat sa labi ko.

Ken Dominguez✔️Where stories live. Discover now