CHAPTER 19:

2.7K 61 0
                                    

CHAPTER 19: (55-57)

Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala na inihahatid siya ngayon ng binata.Nahihiya parin siya dahil nga sa nakaraang pangyayari na kung saan ay doon niya ito nakilala.

"Ahh i-ivan, sobra na ata itong ginagawa mo sakin eh, kasi may utang na loob ako sayo, dinadag-dagan mo pa, hehe, hindi kona alam kung pano ko babayaran"- nahihiyang sabi niya sa binata.


"haha hindi naman bayad ang gusto kong makuha eh "- ngiting sabi ng binata sa kanya.

Kahit nagtataka'y nagsalita parin ang dalaga sa kanya.

"e-hh??.. ano naman ang gusto mong makuha?"

"Kung pwede sana,gusto kong lumabas kasama ka sam."- sabi ng binata sa kanya.

Ngunit bago pa man makasagot ang dalaga sa kanya ay huminto na ang sasakyan at saka bumaba ang binata at siya'y pinagbuksan nito.Kahit nagtataka'y pinili na lamang niya ang bumaba dahil sa tingin niya'y hinnahanap na siya ng kanyang ina. Habang bubuksan na sana niya ang kanilang pintuan ay, bigla siyang tumalikod at doon ay nakita niya ang binata na nasa likudan pala niya!. Magtatanong na sana siya sa kanya kung bakit siya nito sinundan pa ay doon naman nagbukas ang pintuan ng bahay nila.


Nagulat naman ang ina ng dalaga dahil sa biglaan niyang nakita sa harapan niya. Ngunit bago niya ito kausapin at tanungin, ay pinapasok niya muna ang mga ito at doon ay kinausap sila.

"Anak, mukhang may problema kayo ah? dahil sa aking nakita ay parang mayroon kayong gustong pag-usapan na dalawa, at hindi na muna ako mangengealam sa inyo dahil sa oras na ito ay mukhang nagugutom na kayo, nga pala, masaya ako at nakapunta ka ulit dito iho, " sabay tingin naman nito sa binata,

"ahh wala po yun tita, nais ko lang sanang ipagpaalam sa inyo ang anak niyo"- diretso namang sabi ni ivan, doon ay biglang napatingin sa kanya si sam an may pagtataka sa kanyang itsura.

"Saan naman iyan iho?"- takang tanong naman sa kanya ng ina ng dalaga...


"Nais ko lamang pong ayain sa labas ang inyong anak,"- may pagrespetong sabi ng binata...


"Ay kung ganun lang pala eh, sige, pumapayag ako, ngunit sana'y alagaan mo ang anak ko, ingatan mo yan, dahil palaging malapit iyan sa gulo eh," sabi naman ng ina ng dalaga, at doon ay napatawa nalamang sila, ngunit hindi kumikibo ang dalaga, sapagkat, kahit na naghahanda siya ng makakain nila ay naririnig niya parin ang kanilang pag-uusap, dahil hindi naman nalalayo ang sala at ang kusina nila. Tinatanong niya sa kanyang isip kung kailan pa sila naging malapit? nagseselos tuloy siya ng wala sa oras at sitwasyon.

===========

Habang abalang-abala ang dalaga, sa pagbibigay ng serbisyo sa kanilang mga kostumer, ay bigla nalamang siyang tinawag ng isa sa mga security guard na siyang nagbabantay sa restaurant. Kahit nagtataka'y lumapit nalamang siya sa secu, at tinanong kung anong problema,

"may naghahanap sayo sam," ani ng security guard.tumungo nalamang siya tanda ng pagsagot.Pumunta siya sa may pintuan ng restaurant at laking gulat niya ng makita niya si ivan, na nakatayo doon at masuyong tinitignan ang paligid ng restaurant na siyang pinagtatrabahuhan niya.

"a-aah, bakit ka nandito??"- takang tanong ng dalaga sa kanya...

"Ahh walang lang, gusto lang kita makita, at kasunod non ay gusto kong isama kita para lumabas? parang dinner ganun"-sabi naman ni ivan, habang, nakatingin sa dalaga, hindi niya alintana ang mga tao na nanonood na sa kanila. Kilala rin naman kasi si ivan, sa pagiging mayaman nito, dahil narin sa ama niya, at dahil sa sobrang gwapo nito na halos lahat ata ng babae ay nagkakandarapa sa tuwing makikita siya...

Ken Dominguez✔️Where stories live. Discover now