BU: RVR 22

407 5 3
                                    


BU: RVR 22

Halos ilang araw din na hindi makatulog si Fina kakaisip kung nasaan si Ezra at kung okay lang sya. Sinubukan din nyang magfile ng missing person pero pinagtawanan lang sya ng mga pulis. Hindi sila naniwala na papatulan ng isang bilyonaryo ang tulad ni Fina. Wala syang nagawa kundi ang umasa at magintay kay Wil. Nagsubmit na din ng resignation letter si Fina effective immediately. Hindi nya kayang magtrabaho ang taong sumira ng relasyon nila ni Ezra. Unti unti ay nagagamit ni Fina ang kanyang savings dahil sa wala syang trabaho. Kung saan saan na din sya nagpunta at nagintay hoping na makikita nya doon si Ezra. Pero sa ilang linggo na paghahanap ay wala pa ding nangyayari.

Hindi pa naman halata ang tyan ni Fina pero halatang nag gain sya ng timbang, bagay na napuna kaagad ng kanyang kaibigan na si Kari. "Ang hirap pumili ng cake halos lahat masarap. But one thing is for sure, dito ko oorderin yung cake. Ikaw anong bet mo?" tanong ni Kari sa kaibigan habang papaalis sila ng bakeshop. Napansin nito na tahimik lang si Fina. "Beks, I know it's been weeks na walang paramdam si Ezra, pero let's be positive. He's a Lincoln, anong pwedeng mangyari sa kanya? He'll show up when he's ready." Payo nito kay Fina. "Mabuti pa let's go shopping. I need new clothes kasi pumayat na ako. Grabe hindi ko inaasahan na liliit pa ako. Iba pala talaga kapag ikakasal ka no?" She dragged Fina in one of the clothing stores nearby.

"Wala pa din syang bagong status update sa lahat ng social medias nya. What if nagbago na sya ng account because I am stalking him? Paano kung he fell out of love kasi sobrang arte at pa-hard to get ako?" Pag-aalala ni Fina.

"Then bahala sya, it's his lost beks." Dumiretso kaagad sila sa women's section. "Ohhhh I wonder anong underwear ang isusuot ko sa unang gabi namin as husband and wife."

"Baliw, huhubarin din naman nya wag ka ng mag-alala." Huminga ng malalim si Fina. "I really need to find Ezra."

"Fine, go find him. Pero kapag hindi mo sya nahanap before ng kasal ko kalimutan mo na sya." Pagbibiro ni Kari pero hindi naman ito narinig ng kaibigan. "Oh look I found a perfect dress for you! Come on let's try this on." Hinila nya si Fina papasok sa dressing room. "Remember the old times? We're gonna try all the clothes on tapos wala naman tayong bibilhin. Wow, tagal na pala nating magkaibigan." Biglang niyakap ni Kari si Fina. "I'm glad I have someone like you. You're like a sister to me na nasasabihan ko ng kahit ano at walang kahit anong sikreto between us."

"Uhm, Kari - Kari wait hindi ako makahinga." Nahilo si Fina dahil mahigpit syang niyakap ni Kari at dahil maliit lang din ang dressing room sa store na yun.

"What? Grabe ka ha, hindi naman ako ganun kalaki. Ikaw nga 'tong hindi na mag-abot yung dalawa kong kamay sa likuran mo - " napatingin si Kari sa balakang ni Fina sa salamin, " - Beks anong hip workout mo? Bakit ang laki ng hips mo? Oy nagwoworkout ka ba ng hindi ako kasama? Tunay ba 'to?" Pinalo-palo nya ang pwetan ni Fina pero mabilis lumabas si Fina ng dressing room to grasp some air. "Uy hindi mo pa nata-try tong dress - hmmm by the looks of your behind, parang hindi na ito ang size mo. OMG!!! Mas sexy na ako sa'yo beks wooohooooo!!!" Masayang masaya si Kari kaya hindi nya napansin ang reaksyon ni Fina.

"Kari uuwi na ako. Sumama kasi yung pakiramdam ko. Grabe kasi yung amoy dito hindi ko kayang tiisin." Kinuha ni Fina ang hawak ni Kari na damit tsaka ibinalik sa rack tsaka sya lumabas. "I can't go with you nga pala tomorrow morning. Pwedeng afternoon na lang? I have an appointment kasi in the morning." Napansin ni Fina na nakatitig sa kanya si Kari. "Kari?"

"You wouldn't happen to hide anything from me, would you?" Hindi sumagot si Fina. "I know you wouldn't. Anyway, just go rest don't worry about tomorrow and I'll see you later." Yumakap si Fina sa kaibigan tsaka naglakad papunta sa sasakyan nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Blazing Urge: Revenge Versus Regret Book 2Where stories live. Discover now