BU RVR: 13

305 2 0
                                    


BU RVR: 13

"Uy, Kari kanina ka pa tumatakbo dyan. Magpahinga ka muna." Pagpapaalala ni Fina sa kaibigan habang nagwoworkout sila sa gym.

"I gave him everything!" Galit na sagot ni Kari. "Ugh!!" She stopped the treadmill and took a sip of water. "How did you do it?" Tanong nito sa kaibigan while catching her breath. "How did you get over Harvey after all those years?" Umupo ito sa sahig habang pinapanood magoverhead pull ups si Fina.

"It wasn't easy, pero magkakabalikan naman kayo. Your case is different from mine." Payo ni Fina dito na kanina pa nya kinakausap pero parang hindi naman ito nakikinig.

"Bes, ang tagal tagal na namin oh. Alam ko nanay nya yun, pero pucha naman, sana kinampihan man lang nya ako!" Naiiyak na sabi ni Kari kaya naman dinamayan sya ni Fina. "Ang sakit lang kasi."

"Masakit dahil ibinigay nya sa nanay nya yung nakuha nya sa pagte-trade at hindi sa'yo?" Tanong ni Fina at tumango naman si Kari.

"Kari, magiging nanay ka din. Hindi nyo dapat pinag aawayan ang pera. Gusto nyang i-treat ang nanay nya, let him do it. Nanay naman nya yun." Kinuha ni Fina ang gamit nya at inilagay sa tabihan ng elliptical.

"I know pero we had a plan, we didn't even know na pwede pala kaming magkaroon ng ganung kalaking pera. We could've travelled to Iceland!" Pilosopong sagot ni Kari na kanina na nakapagpapainis sa kanya.

"So you can see the northern light?" Fina curiously asked.

"To see the Game of Thrones setting! 180 dollars per head lang yung package, 5,000 dollars yung kinita nya. Dapat nga itinabi na lang nya yun para sa kasal namin! But no, dapat unahin nya palagi yung nanay nya. Yung nanay nya na ayaw sa'kin at boto pa din dun sa ex ng anak nya! But not for long, kapag nakita nilang sumexy at gumanda ako, I'll make sure pareho silang magsisisi." Tumayo ulit si Kari. "Kaya dapat maka-burn ako ng 1,000 calories per day!" At nagsimula na naman itong tumakbo.

Fina shook her head and went on with elliptical. Naisip nya ulit si Ezra. She hasn't heard from him since they last saw each other, nung sobrang nalasing sya. Part of her is worried, but mostly in pain. She just wants to move on dahil ayaw nya na sya na nga ang niloko sya pa ang mapagiiwanan. Ayaw nyang isipin na may possibility na may iba ng kasama si Ezra. She knows him, when he likes a woman, he tends to get really busy. Naisip nya yung magandang babae na nakita nyang katawanan ni Ezra. Kumirot ang puso nya at halos gusto na nyang umiyak pero ayaw nyang sabayan ang problema ng matalik nyang kaibigan. Kari's been always there for her when he was brokenhearted, and she wants to be there for her, kahit na magkaiba ang dahilan nila sa pagiging single.

"Josie?!" Fina snapped back when she heard her name. "Do you even rest?" Biglang sumulpot si Wil.

"It's not in my vocabulary." She said to him nang bigla nyang maalala ang trabaho. "Did you talk to your boss?" She panicked. "Wala talagang kumakausap sa'kin sa team ko. I don't know if I still have a job on Monday." She buried her face in her hands.

"Hey, don't worry. I talked to my boss today. Galing nga ako sa office this morning." Nagsimulang magwarm up si Wil.

"What did your boss say? Natanggal ka ba sa trabaho?" Fina frowned dahil kung matatanggal sila sa trabaho she would feel guilty at hindi nya yun matatanggap.

"Me? They wouldn't fire me. I'm the only one they've got." He answered then winked at her tsaka sinimulan ang treadmill sa tabihan ni Fina. She rolled her eyes while waiting for his answer. "Hindi natuloy yung meeting kasi hindi nakapunta yung CEO. Apparently, hindi lang tayo yung nastranded. Hindi daw nakaalis yung helicopter dahil sa lakas ng ulan. So sinagot na lang ni CEO yung dinner ng lahat ng nagpunta sa event." He sighed and shook his head. "Hindi tuloy ako nailibre because I was stuck with you."

Blazing Urge: Revenge Versus Regret Book 2Where stories live. Discover now