BU: RVR 20

404 9 3
                                    

BU: RVR 20

"Ang hirap palang magworkout ng seryoso! Uy beks nakapagfile ka na ba ng day off para sa meeting with my wedding planner? Gusto ko nandun ka kapag namili ako ng invitation." Halos araw araw ng nasa gym si Fina dahil sinasamahan na rin nya si Kari. "I still can't decide kung anong motif kasi naman sobrang dami kong gusto but at the same time ayoko naman gumastos si jowa ng malaki baka kasi tag gutom na kami after." Pagpapatuloy nito then she took a sip of water. "Hala, Fina naman kanina pa ako salita ng salita dito, mga one hour na pero ikaw wala man lang reaction. Mas mabuti pang kausapin ko na lang ang sarili ko!!!" Itinigil ni Kari ang treadmill tsaka nagpunas ng pawis.

"Sorry, beks di ko lang kasi talaga mapigilang hindi icheck yung phone ko." Itinago ni Fina ang cellphone tsaka tumingin sa kaibigan. "I am just jealous na finally ikakasal ka na sa forever mo." She felt genuinely sad but happy for Kari kasi she's the opposite of her. She has a long time partner na hindi sya sinaktan or niloko.

"Naku pasalamat ka mahal kita, pero beks I need you one hundred percent kasi ikaw ang bridesmaid ko!!" Ito ang unang pagkakataon na sinabi ni Kari sa kaibigan ang magandang balita kaya naman tuwang tuwa si Fina.

"What? I mean I was kind of expecting that but I also thought of your jowa's sister or cousins na close sa'yo pero beks ahhhhhhh I am so excited!!!" Tumalon si Fina tsaka yumakap sa kaibigan. "I promise I'll be more attentive when it comes to your wedding preparation." Ngumiti si Fina sa kabila ng pangungulila kay Ezra.

"Fine, let's talk about Ezra na. Have you talked to him yet?" Tanong ni Kari habang nagku-cooldown silang dalawa.

"No, not yet. I don't want to look desperate naman na but I already lost track of time since the last time I talked to him. I am giving him the time he needs but I thought the two of us could be together again." Malungkot si Fina dahil kung kailan handa na syang makipagbalikan sa binata ay tsaka naman ito nawala.

"Eh bakit hindi mo puntahan dun sa bahay nya. Baka naman matyempuhan mo sya dun basta wag kang magugulat kung may makita kang babae na kasama nya." Pang-aasar ni Kari at tiningnan sya ni Fina ng masama.

"I thought of it but what would I tell him? Hey, I wanted to get back together but you did not show up so I am here to check up on you. Ganun? Parang mas desperada! Uhhhh nakakabaliw mag isip. Dati dinededma ko lang sya kasi he's everywhere tapos ngayon naman hinahanap hanap ko na sya but he's nowhere to be found." Halos hindi na rin makatulog si Fina ng maayos kakaisip sa binata.

"Or you were there as a friend who's worried about a special friend and you just want to make sure he's okay. Alam mo you're making it so complicated. Pwede mo namang tawagan at sabihin na you want him back. End of story!!! The truth will set you free." Advice ni Kari habang pabalik na sila sa women's locker room. "I know that look, come on beks, anong taon na oh. Uso na yung babae na ang nanunuyo kesa ikaw ang matuyo. Sige ka, ikaw din magsisisi sa huli." Naghubad ng top si Kari tsaka nagpalit ng bago at ganun din naman si Fina.

They're walking out of the gym nang makasalubong nila si Wil. Nagkatinginan sila ni Fina pero umiwas ng tingin ang dalaga. Tumigil si Wil pero dire-diretso lang sila Fina sa paglakad. Gustong kausapin ng binata si Fina but he knows she's not ready yet kaya he's giving her the time she needs.

"Kari, mauna na ako ha. I am tired gusto ng mahabang pahinga." Sigaw nito sa kaibigan habang papasakay ng sasakyan.

"Naku beks maghugas muna ng kamay ha. Ganyan talaga, sarili sarili muna habang wala si alam mo na." Namula si Fina sa sagot ni Kari dahil nasa parking lot sila. Mabuti na lang at walang ibang tao doon.

Dumiretso na ng uwi si Fina. Araw araw ay umaasa sya na darating sya sa kanyang bahay na nandun na si Ezra, pero araw araw din syang nabibigo. Wala man lang paramdam sa binata at hindi nya alam kung nasaan ito. Nakapatay pa rin ang cellphone nito at hindi nito alam kung saan na sya nagtatrabaho. Nagpapakasubsob naman sya sa trabaho para mawala sa isip nya ang labis na pagiisip kay Ezra. Halos trabaho, bahay at gym lang sya madalas unless kailangan sya ni Kari somewhere dahil naghahanda ito para sa kanyang kasal. Pero kahit na ganoon ay halos araw araw pa rin nag aayos si Fina just in case biglang sumulpot si Ezra ay handa sya. Kahit na nakita na sya ni Ezra ng bagong gising, gusto nya she's always at her best para sa lalaking mahal nya.

Blazing Urge: Revenge Versus Regret Book 2Where stories live. Discover now