BU: RVR 19

282 6 0
                                    


BU: RVR 19

Matapos ang trabaho ay dumiretso na ng uwi ng bahay si Fina. Hindi tulad ng dati na wala syang ganang kumilos, ngayon ay excited pa itong magluto. Nagshower sya ng mabilis tsaka nagpalit ng damit para maggrocery. Kahit hindi kagandahan ang nangyari sa araw nya ay nasa mood pa din itong magluto dahil kay Ezra.

"Uy Kari salamat sa pagsama sa'kin ha." Bati ni Fina sa matalik na kaibigan nang makarating sa supermarket.

"Pasalamat ka busy ang fiance ko ngayon kung hindi wala ako dito." Sagot ni Kari tsaka yumakap sa kaibigan. "Di ka naman usually naggo-grocery ng ganitong oras kasi pagod ka na, so what's new? Oh gosh, please don't tell me kayo na ni Wil?" Gulat na gulat na sabi ni Kari. "Sabagay gwapo naman si Wil, kung single ako baka nilandi ko yun." Kumuha sya ng shopping cart para sa kanya at para kay Fina.

"Sira ka talaga, hindi kami ni Wil no." Hindi mapawi ang magandang ngiti ni Fina at ganado na ganado syang magshopping. "Sa tingin mo mas masarap bang magsteak ngayon or typical Filipino dish na lang? Like gulay at isda, o kaya kare-kare o kaya sinigang, or italian na lang kaya? Ugh!! Lahat na lang bibilhin ko." Dire-diretso ng salita si Fina nang mapansin syang nakatulala lang si Kari sa kanya. "What? Okay fine! I was trying to stall pero dahil ang atat mo na wala na akong magagawa." Lumipat sila ng aisle.

"Okay, hahayaan kitang magpaliguy-ligoy kasi parang foreplay lang yan bago ang actual alam mo na. Ayokong ilakas baka may bata sa paligid." Pang-aasar ni Kari. "So sinong nakasex mo? Halatang halata kasi kapag nadiligan ka eh." Patuloy nya kaya siniko sya ni Fina para tumahimik ito dahil nahihiya na ang kaibigan.

"Parang nagsisisi na ako na nagpasama ako sa'yo ah." Tumigil si Fina sa aisle ng mga alak at tumingin ito ng iba't ibang klase nang kunin ni Kari ang hawak na alam ng kaibigan.

"Okay, spill! Ngayon na!! Obviously hindi ka engaged kasi wala kang singsing na tulad ng sa'kin. So, what's your deal? Hindi tayo aalis sa spot na 'to hanggang hindi ka nagsasalita!" Itinulak nya palayo ang kanilang mga carts.

"Okay, si Ezra lang naman ang nakakaganun ko no." Nahihiyang sagot ni Fina.

"Oh my gosh, pinatawad mo na si Ezra!! You're taking him back!" Napasigaw si Kari at napayakap sa kaibigan. "Mabuti naman at nagdecide ka na na pasayahin ang sarili mo. You deserve to be happy with someone you love." Masaya si Kari para sa kaibigan. Nahihirapan din kasi syang magbahagi ng tungkol sa love life nya kapag broken hearted si Fina.

"Well hindi ko pa sinasabi sa kanya na I am willing to move forward with him. Sabi nya he'll be back tonight kaya ang plano ko ako naman ang magiging romantic. Sya kasi ilang beses na gumawa ng effort para patunayan na mahal nya ako tsaka ramdam ko naman talaga. I don't have much time to prepare kasi di ko alam what time sya babalik kaya rush 'tong ginagawa ko. So, sana tulungan mo na lang akong mamili agad para makauwi na ako to prepare. Okay na po?" Mahabang paliwanag ni Fina pero mukhang hindi satisfied ang kaibigan. "What are you waiting for?"

"Ikaw, hindi mo sinabi kung sasabihin mo na ba yung magic three words." She folded her arms over her chest.

"Alam mo hindi ko na kailangang sabihin sa'yo ang buong details kasi dapat sya ang unang makakarinig ng lahat. Kung ayaw mo akong tulungan dyan ka na." Mabilis umalis si Fina para makapamili dahil late na din. Hindi na ulit nangulit si Kari at tinulungan na lang ang kaibigan na mapabilis ang kanilang pamimili.

Hindi nagtagal ay nakabalik na si Fina sa bahay pero wala pa din dun si Ezra. Tinext nya ang binata kung nasaan ito pero hindi naman ito sumasagot.

Nakaluto na sya at nakapaghanda nang biglang tumawag ang binata. Sobrang kilig at excitement ang naramdaman ni Fina pero ayaw nya itong ipahalata sa binata. "Hey there lover boy, where are you?" Bungad nya na may pang aakit na boses.

Blazing Urge: Revenge Versus Regret Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon