BU: RVR 4

7.5K 102 20
                                    

BU: RVR 4

"What did you just do?!!!" Halos mahulog si Kari sa kinauupuan nya nang malaman ang ginawa ni Fina. "My goodness bessy!! Ano na ang nangyari sa karapatan ng mga kababaihan?"

"Grabe ka naman sa'kin! Wala namang kinalaman yun sa ipinaglalaban ko. Ang ipinaglalaban ko eh yung ginawa ng uncle nya sa'kin." Medyo lutang pa si Fina sa nangyari at nagsisisi din naman sya kahit paano dahil hindi nya natiis si Ezra.

"Ah ganun? So ipinagtatanggol mo na si Ezra ngayon?" Kakatapos lang nilang kumain sa bahay ni Fina. Ipinatawag ni Fina ang kaibigan matapos ang mangyari.

"Hindi naman sa ganun – ewan ko ba. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Kasalanan ko bang hindi ako makapagpigil sa kanya?" Nagligpit na ng mesa si Fina at inilalagay na sa lababo ang pinagkainan nila. "Naku sana lang wag na kaming magkita ulit. Buwisit din kasi yung lalaking yun! Dinala pa ako sa lugar na kaming dalawa lang!!!!" Bumibilis pa rin ang tibok ng puso ni Fina kapag naaalala nya ang nangyari sa kanila ni Ezra.

"Pero infairness sa kanya ha nageffort magtagalog. Pero di ba nagtatagalog naman yun dati?" Tanong ni Kari habang pinupunasan ang mesa.

"Oo nung una kaming magkita ata. May family issue kasi yun kaya ganun. Basta! Wag na nga nating pagusapan." Trabaho na ulit ang pinagusapan ng dalawa para hindi na maalala ni Fina ang nangyari sa kanila.

"Basta ituloy mo na lang yang work and other things sa buhay mo. Okay ka na naman eh. Wag lang talagang sasamahan ng paglalandi ni Ezra naku." Nagretouch si Kari at naghahanda nang umalis. "Teka nagkita na ba ulit kayo nung – sino nga yun? Yung – yung lalaki dun sa bar." Sinubukan nyang tandaan ang pangalan ng lalaking kasama ni Fina sa bar.

"Si Wil?" sagot ni Fina na nakaupo lang sa sofa at yakap yakap ang unan.

"OMG!! Bakit mo tanda ang pangalan nya?" Mabilis lumapit si Kari sa kaibigan. "Tell me nagparamdam na sya no?" Kinikiliti nya si Fina pero hindi naman kinikilig ang dalaga dahil si Ezra pa rin ang iniisip nya.

"Paano dun din sya nagtatrabaho sa CBP. Ano nga daw sya IT Supervisor ata – basta nakalimutan ko na. See hindi ko natandaan kasi wala naman sya sa'kin. He's just a random guy." Tumingin si Fina sa orasan. "Alam mo gumagabi na. Mamaya yung jowa mo magtamang hinala na."

"Okay ka lang ba dito magisa? Hindi ka ba magsasarili kapag naalala mo ang nangyari sa inyo ni Ezra?" Pagbibiro ni Kari at namula naman si Fina. "Joke lang hala mukang gagawin mo nga."

"Siraulo ka talaga!! Alam mo kung gagawin ko yun di ko sasabihin sa'yo!!!!" Binuksan ni Fina ang pintuan at inihatid si Kari sa labas. "Magtext ka kapag nakauwi ka na ha." Nagbeso ang dalawa at umalis na si Kari. Pumasok si Fina at isinara ang pintuan. Hindi pa naman sya inaantok kaya nagbasa sya ng mga may kinalaman sa trabaho. Ilang sandali pa ay may kumatok sa kanyang pintuan. "Naku Karrisa ano na namang nakalimutan mo!!!" Tumayo sya at binuksan ang pintuan. "Harvey? What are you doing here?"

"Hi – flowers?" Iniabot ni Harvey ang flowers sa dalaga. "Can I come in?" Tinitigan muna ni Fina ang bulaklak. "Please, sana naman tanggapin mo."

"Fine." Kinuha ni Fina ang bulaklak. "Pero hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. What are you doing here? Una yung food then ito?" paguusisa ng dalaga.

"I just wanna see you." Nahihiyang sagot ni Harvey.

"Here I am. Nakita mo na ako. What else do you want?" Hindi kaagad nakasagot si Harvey. "Come on Harvey, hindi dahil we made out eh meron na tayong something. I can do whatever I want with other guys kaya wag mong isiping espesyal ka!!!" She smirked at him.

"Alam ko naman but I want you back – at alam kong hindi madali pero handa akong maghintay. Handa kong gawin ang lahat. I wanna win you back." Hinawakan ni Harvey ang kamay ng dalaga. "I still love you at ikaw lang ang minahal ko buong buhay ko. Please give me another chance." Seryoso si Harvey habang pinapanood sya ni Fina.

Blazing Urge: Revenge Versus Regret Book 2Where stories live. Discover now