CHAPTER 7

22 4 0
                                    


4 weeks later

LUMIPAS ang ilang linggo ay mas naging malapit kami ni Charly sa isa't isa. Siya na minsan ang sumasama sa akin para mga pacheck up sa clinic. Ang asawa kong si Azor ay palaging wala sa bahay. Ngayon ay nasa ibang bansa siya,sa California. Dumalo siya ng business meeting dun at tatagal pa ng ilang araw bago siya makakauwi . Gustuhin ko mang sumama sa kaniya doon ay hindi pwede dahil may business din kami dito na kailangan kong asikasuhin at lalong hindi niya ako papayagan na sumama sa kanya doon.

“Damihan mo ang pagkain ng gulay.” Sinubo ni Charly ang isang kutsara ng gulay sa akin. Nakangiti pa siya habang pinupunasan yung dumi sa gilid ng labi ko.

Napa-simangot ako. “Balak mo ata akong gawing kambing nito, Charl’. Araw-araw nalang ay gulay ang pinapakain mo sa akin.” Araw-araw nalang na puro gulay ang putaheng niluluto niya pag pumunta ako dito sa condo niya . Nitong mga nakaraang linggo ay siya ang palagi kong nakakasama kaysa kila Honey.

Masayang kasama si Charly, hindi niya ako hinahayaan. Daig ko pa ang sanggol sa mga kamay niya. Hindi ko talaga makakalimutan yung araw na tinawag ko siya dahil gusto kong magpabili ng tsokolate sa kanya. Talagang kinansela niya ang importanteng meeting sa kompanya niya sa araw na iyon para lang mabilhan ako ng tsokolate. Boyfriend material,halos nasa kaniya na lahat ng katangian na hinahanap ng isang babae. Kung hindi lang ako loyal sa asawa ko ay baka pinayagan ko na noon itong si Charly na ligawan ako. Sino bang tatanggihan na bukod sa gwapo't matalino siya ay mapagmahal at maalaga pa. Napakas’werte ng magiging nobya niya.

“Huwag ka ng magreklamo,masarap yan. Nakakabuti yan sa iyong kalusugan at lalo na kay baby...”

Napa-simangot nalang ako at hindi na umangal pa. Mahirap ata makipagtalo sa lalaking ‘to lalo na kung tungkol sa pagkain na dapat kong kainin ang pag-uusapan. Daig niya pa ang doctor.

“Wala ka bang work ngayon?”Tanong ko sa kanya. Tumango siya bilang sagot kaya napatango nalang ulit ako.

“Say ahh...”Napalunok ako ng ilang beses habang tinitigan ang okra na nasa kutsara na papalapit sa bibig ko.

“T-teka,busog na ako Charl’.”

“Lasy na ‘to. Say ahh...”

Napa-irap nalang ako bago suboin yung okra. Daig ko pa talaga ang bata nito.

“SAAN ka galing kanina,Ate?”Tanonv sa akin ni Alita ng madatnan ko siya sa sala ng bahay.

“Namasyal lang ako,Alita.”Hindi pa ako hanyna sabihin sa kanya ang tungkol kay Charly dahil natatakot ako na baka ay makarating kay Azor.

“Nanh mag-isa?” Tumango ako.

“Ate,alam mo naman na buntis ka bakit hindi mo ako  tinawagan para masamahan kita.” Nagkibit-balikat ako sa kanya.

“Don’t worry sis,i can handle myself.”

“Duhh!”She rolled her eyes.“Kumain ka na ba,Ate?”She asked.

“Oo,tapos  na. Ikaw ba?”

“Hindi pa nga Ate,eh...”

“Sige,ipaghahanda kita ng makakain mo pero magbibihis muna ako ng damit.”

“Sige ,Ate.”

Pumanhik na ako sa itaas at pumasok sa aking silid.

Habang nagbibihis ay iniisip ko kung ano ang lulutuin ko para kay Alita.

“ATE, kamusta na nga pala kayo ni Kuya Azor?”Tanong niya. Hindi agad ako nakaimik. Kamusta na nga ba kami ng asawa ko? N’ong bago lumipad si Azor papuntang California ay imbes na magpaalam siya sa akin ay pinukolan niya lang ako ng masamang tingin.

“Hoy! Ate, tahimik ka diyan!” Nabalik ako sa aking sarili ng dahil sa sigaw ni Alita sa likuran ko.

“A-ahh...oo, maayos lang kami ng kuya Azor mo.”Nilingon ko siya at pilit na nginitian. Siya naman itong tumango-tango.

“Tinatawagan ka ba niya,Ate?”

“Oo naman, kinakamusta niya ako ay tinanong kung kumakain ba ako sa tamang oras ...”Pagsisinungaling ko. Sana nga ay ganun ang ugali ng asawa ko.

“Mabuti naman at nagbago na siya.” Aniya.

Ngumiti nalang ako. Sana nga.



>>>Short Update? Bawi tayo next time mga anak. 

𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon