Bumuga ako ng hangin saka ngumuso akong nakasalubong parin ang mga kilay na tiningnan si Midnight.

Biglang napaigtad at napakurap si Midnight ng tingnan ko siya sa hindi ko malamang dahilan kung bakit naging ganoon ang kaniyang reaksiyon.

"Wha...What?" aniya na animo'y kinakabahan.

Ano bang problema mo? Tiningnan lang kita.

"Ayum tayrud." ' I'm Tired.' ani ko.

Muli siyang napakurap ng ilang beses. "What?"

Tsk. Lihim kong itinirik ang mga mata ko paikot. Sa loob ng ilang buwang pagsasanay sa sarili kong iayos ang pananalita ko, ay hindi ko parin nagagawang maituwid ang salita ko. Kaya't hanggang ngayon ay hindi parin nila ako naiintindihan sa mga nais kong sabihin sakanila.

"Pakut akuu!" mariing usal ko.

"Eh?" - Midnight.

"Eh?" - Ryuji.

"Eh?" - Renji.

"Ehh??" - Sila.

Wala sa sarili kong napatampal sa sarili kong mukha. Wala na talagang pag-asa.

"Oh! I know! She said, she's tired!" ani Renji dahilan upang mabuhayan muli ako.

Good job Ren!...For now.

"Oh. I see." blangko ang expression na ani Midnight at muling nagbago na ngayo'y nakangiti na ito sa akin. "Okay, Baby it's nap time!"

Tumayo na si Midnight sa pag-kakaupo ni sa sofa at lumapit sa amin. Marahan akong kinuha ni Midnight at nakapulupot na ang mga braso nito sa akin.

Naiinis parin ako kasi hindi ko nagagawang makalakad kahit alam naman nilang marunong na akong maglakad pero ayaw parin nila akong palakarin. Parati nila talaga akong binubuhat at umay na umay na ako, Hays.

"Whaaat? But I still want to play with Winty." nakakunot ang noo at malungkot ang mukhang nakatingalang nakatingin sa amin ni Midnight si Renji.

Takte, hindi ko alam na may mas ikukyut pa pala itong si Renji sa tinuran niya ngayon. Bigla ko tuloy naalala sina Eren at Ermin.

"There's a next time, dimwit." ani Ryuji sa kapatid nito. Ang sama mo naman. Naalala ko naman sa batang ito si Efraim, pero ayoko nang alalahanin iyon. Hindi dahil sa naiinis parin ako sakaniya, ayoko lang alalahanin baka mamiss ko na lamang siya bigla at yung kalupitan ng batang iyon sa mga salita niya.

"But..."

"Don't worry when Baby winty wakes up again, you two can play again later." wika ni Midnight na nakapagpabuhay sa kalooban ni Renji. Takte, naaalala ko talaga si Ermin eh.

Dinala na ako ni Midnight sa aking kuwarto, pinalitan niya muna ako ng komportableng damit bago niya ako pinahiga sa aking kama. Oo tama...sa kama mismo. Masaya ako na hindi na ako sa kuna natutulog. Atleast hindi na ako magmumukhang tuta na ilalagay pa sa sariling kulungan para doon matulog.

"Sleep tight, baby." ani Midnight bago niya ako kantahan ng pampatulog.


"I SEE, I can't believe you stole that child from Erden. What happened to Erden after you picked up the child?" ani Yujin matapos sumimsim ng iniinom nitong kape.

"Hmm, well. I dunno. Hindi ko na rin kasi inalam kung ano nangyari sa mansiyon. And I'm sure he knows that I'm the one who stole his child. Hindi na rin kasi ako bumalik roon pagkatapos naming kunin si Fuyumi." tugon ni Twilight na nakadekwatro ang mga binti at nakahawak ang parehong kamay nito sa kaniyang tuhod.

"Why didn't you find out? It looks exciting if we find out how he reacted when he found out his child was missing." nakangising usal ni Yujin.

"Nah." iyon na lamang ang nasabi ni Twilight.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 2) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon