Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 8

6.4K 299 65
                                    

CHAPTER 8

Maxene


Palihim akong sumulyap kay Boss JT at agad ding nag-iwas nang mahuli niya akong nakatingin. Hindi ko alam kung bakit sobrang buti niya sa akin. At sa lahat ng mga lalaking nakakasalamuha ko, sa kanya ako madaling napalagay. Kung paano niya nagawang pakalmahin ako kanina ay palaisipan pa rin sa akin.

Ibig bang sabihin ay puwede ko talaga siyang pagkatiwalaan?

Bumuga ako ng hangin at itinuon muna ang atensyon sa daan. Madilim at malalaki ang laktaw ng mga ilaw sa poste. Nakatatakot para sa akin ang ganoon, pero wala naman akong puwedeng ibang lipatan na mura at kaya ng aking budget. Hati pa nga kami sa upa ni Mutya.

Nang madaan kami sa grupo ng mga lalaking umiinom ay muli akong nakaramdam ng matinding kaba.

"Akala ko ba tomboy, p're? E, bakit may kasamang boyfriend?"

Kinagat ko ang aking labi at yumuko. Ayoko ng atensyon. Pero kahit pa ano yatang gawin ko ay napapansin pa rin ako.

"Hindi kaya nagpapanggap lang?"

Tumikhim si Boss JT. Parang nagpipigil na pumatol. Mas binilisan ko ang lakad dahil ayoko namang pumasok pa siya sa gulo. Kita ko man ang mga lalaking iyon, hindi ko pa rin alam ang likaw ng kanilang mga bituka. Puwede nila akong gawan ng masama at kahit si Boss mismo.

"Don't you want to consider moving to a better place?"

Saglit akong nag-angat ng tingin sa kanyang gwapong mukha at umiling-iling.

"Wala po akong alam na murang paupahan. Baka po hindi ko rin kayanin ang presyo."

"Our school has dorms, and you can also live there for free."

"Libre pa rin?"

"Yeah," tumatangong sagot pa niya. "Kailangan mo lang talagang mag-maintain ng grades. Like I said before, gusto namin ang masisipag na estudyante."

Wala ako sa sariling ngumiti. Malaki ang pag-asa ko kung ganoon. Masipag naman akong mag-aral. Dapat ko nga bang tanggapin na ang offer niya? Wala ba talaga siyang hihingin na kapalit?

"Ano pong kapalit ng pagtulong n'yo, sir?" Hindi ko na naitago ang kanina pa gumugulo sa isip ko.

Kunot-noo siyang bumaling sa akin at huminto sa paglalakad. Para bang may nakikita siya sa aking mukha pero hindi ko mahulaan.

"Kailangan bang may kapalit kapag tumulong?" balik-tanong niya sa akin. "But to answer your question, Max, nothing. I won't ask you for anything in return. Masaya na ang pamilya naming makatulong sa nangangailangan."

Gusto kong magtiwala pero natatakot ako. Hindi ko pa rin siya gaanong kilala. Pero paano kung 'di na dumating ang ganitong oportunidad? Mag-isip kang mabuti, Max!

Mapait akong ngumiti at tumango-tango bago magpatuloy maglakad.

Nang makarating kami sa paupahan ay nagtataka akong napakunot-noo. Patay pa ang mga ilaw. Wala ba si Mutya rito?

"I thought may kasama ka?"

"Si Mutya po. Baka po lumabas lang..."

Hindi naman na siya kumibo at sa halip ay nagmasid lang sa paligid.

Pumasok kami sa maliit na gate at nakadistansya pa rin siyang sumunod.

"Sir, okay na po—"

"Gusto ko lang masiguro na safe ka bago ako umalis. Don't worry, I won't go inside."

Ibig kong mahiya sa sagot niyang iyon. Nababasa yata niya ang nasa utak ko. Ipinasok ko ang susi sa pinto pero ganoon na lang ang gulat ko nang matantong hindi naka-lock iyon.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay fedejik/ Ate Mommy Dean, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni fedejik/ Ate Mommy Dean
@fedejik
Maxene Sevilla is afraid of men--until JT Greene, her boss, comes alo...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 42 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @fedejik.
BABY, IT'S YOU (Baby You Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon