قصة أصلية لـ واتباد
مازال هناك 4 فصول مجانيّة

Chapter 4

3.8K 187 18
                                    

CHAPTER 4

Jorge Theodore


"Kuya, where are you going?" kuryosong tanong agad ni Thayne.

Tumuro lang ako sa labas at hindi na sinundan pa ang sagot. Mabuti na lang at hindi na rin naman siya nangulit pa.

May kung ilang beses na may humarang na babae sa akin pero umiling lang ako at nagpakita ng kawalang interes.

Nang tuluyan akong makalabas sa bar ay parang noon na lang ako nakahinga nang maluwag at bahagyang nakaramdam ng ginhawa. Iba na rin kasi ang hangin sa loob lalo pa nga't sobrang daming mga tao.

Agad kong sinuyod ng tingin ang buong paligid at wala sa sariling ngumiti nang makita ang hinahanap.

There she is.

Wala ako sa sariling itinulak pataas ang nakarolyong sleeve ng aking suot bago tuluyang puntahan si Max na noo'y nag-iisang nakaupo sa ilalim ng puno at umiinom ng softdrinks? Interesting.

"Hello, Max."

Literal na umawang ang mga labi niya nang mapatitig sa akin.

"Sir JT!" agad pa itong napatayo at yumukod. "Good evening po."

"What are you doing here alone?" Sumenyas ako sa kanya na maupo ulit.

"Wala po akong hilig sa sayaw, sir," nahihiya rin naman niyang sagot.

"Really? Parehas pala tayo." Tumingin ako sa bakanteng space sa tabi niya. "May I?"

"Sige po, s-sir..." Dali-dali pa siyang kumilos at mas nilakihan ang space na uupuan ko.

Naiiling naman akong umupo at diretsong isinandal ang likod sa metal bench.

"Akala ko kanina namali lang ako ng tingin. Ikaw pala talaga ang nakita ko."

"Oo nga, sir. Madalas po kayo sa ganitong lugar?"

Tumango-tango ako. "Yeah, actually, I owned one." I clear my throat. Gustuhin ko mang sabihing pag-aari ko iyon ay mas pinili ko na lang na huwag na lang ding sabihin. She seems not to be the type who would be impressed by our wealth.

Inaasahan kong sasabihin niyang ang yaman ko pala, pero hindi iyon dumating at sa halip ay nagmasid lang siya sa paligid na para bang kontento na sa nakikita. Well, I think I was right. Hindi siya interesado sa yaman ng pamilya ko, hindi kagaya ng ibang mga babaeng nakakausap ko na parang gusto pang alamin kung ano-ano pa ang mga pag-aari ng pamilya Greene.

"I think hinahanap ka ng babaeng kasama mo kanina."

"Huh?" Kumunot ang kanyang noo.

Now, there's the look. I think my boys were right. She's not really a lesbian.

"'Yong babaeng kausap mo bago ka lumabas? I think she's looking for you."

"Ah, 'yon ba? Bagong kakilala lang po."

"Oh, I thought she was your girlfriend."

"Girlfriend?!" gulat pang aniya.

Now, that's the reaction I've been looking for. Kahit pa iyon lang ang reaksyon niya, kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkadisgusto sa sinabi ko. Kung hindi siya lesbian, bakit umaasta siyang parang lalaki kung ganoon?

Nag-angat ako ng kilay habang matamang nakatitig sa kanyang maliit at maamong mukha. Kahit pa gupit lalaki siya ay hindi noon maitatago ang gandang pambabae. Mabibilog ang kanyang mga mata na binagayan pa ng mapilantik at makapal na pilik-mata. Perpekto ring nakaguhit ang kilay na parang hindi nakaraas ng ahit. Makipot at kulay rosas ang mga labi. Mukha rin siyang natural na maputi at sobrang kinis.

BABY, IT'S YOU (Baby You Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن