Wattpad Original
There are 5 more free parts

Chapter 3

4.3K 168 9
                                    

CHAPTER 3

Maxene


Agad akong pumasok sa locker room at saglit na kinalma ang sarili. Alam kong hindi ako ganito dapat kapraning sa tuwing mapapaikutan ng mga lalaki. Hindi tama 'to!

Mariin akong pumikit at ilang beses na humugot ng malalim na buntonghininga. Kailangan kong lakasan ang loob ko at paglabanan ang takot. Muntik na ako kanina. Kung hindi pa rin sa tulong ni Boss baka nga nag-collapse na ako nang wala sa oras. Hindi ko alam kung bakit pagdating sa kanya ay hindi ganoon ang kaba. Siguro dahil alam kong hindi ang gaya niya ang gagawan ako ng masama.

"Come on, Max, may pang gimik na tayo!" tumatalong salubong agad ni Mutya na noo'y abot-tainga ang ngiti.

Si Aljon naman ay nakangiting tumango-tango na para bang iniingganya ako. Hindi pa rin ako ganoong ka-komprortable kasama ito, pero sa nakikita kong trato niya sa ibang babae ay medyo nakakampante ako.

"Nagpamigay ng entrace tickets si Sir Chandler sa staff. Bigay raw ni Boss Thayne!" excited na balita pa nito.

"Boss Thayne?"

"Yup! 'Yong kapatid ni Boss JT! Tara na, Max! Tagal na nating walang gimik!"

Napalunok ako. Hindi ko alam kung tama bang pumunta ako sa lugar na iyon. Bukod sa sobrang daming tao...nakalalamang na ang dami ring mga lalaki.

"K-kayo na lang kaya, Mutya. Wala akong hilig kasi—"

"Ay! 'Wag kang OA! Tara na!"

"Oo nga naman, Max! Ang daming chics doon!" excited ding dagdag ni Aljon. "Magpupunta rin ang ibang kasamahan natin, 'no! Kaya paniguradong enjoy 'to!"

Umiling-iling ako. Pakiramdam ko ay mag-nervous breakdown lang ako sa lugar na iyon.

"Kayo na lang—" igigiit ko pa sana kaso naman ay nakahila agad si Mutya sa kamay ko at noon ko na lang napansin na bitbit na niya ang bag ko.

Ibang klase!

"Akong bahala sa 'yo!" paniniguro pa niya. "Walang gagawa ng masama sa 'yo roon!" pabulong pang aniya sa huli.

Humugot ako ng isang malalim na buntonghininga at napilitang tumango. Siguro nga ay kailangan ko lang ulit sanayin ang sarili ko sa ibang mga lalaki.

Kaya naman kahit na labag sa loob ko ay napilitan akong sumama. Saglit kaming kumain ng hapunan sa labas at nagpalipas ng oras sa pag-iikot sa mall bago tuluyang magpunta sa bar na sinasabi nito.

Sa labas pa lang ay sobrang ingay na at naglisaw na rin ang mga tao. Pabago-bago rin ang kulay ng mga ilaw na nakatutok sa estatwa ng lalaki't babae na akala mo ay nagsasayaw.

Wala ako sa sariling inipit ang aking dibdib at kabadong nagpalinga-linga sa paligid. Hindi ko alam kung tama bang ginagawa ko ito. Parang gusto ko nang mahilo hindi pa man.

Agad na nagtanggal ng pang-ibabaw na damit si Mutya at ganoon na lang ang gulat ko nang makitang sobrang sexy noon!

"Hindi mo naman pinaghandaan 'to, 'no?" biro ko sabay paikot ng mga mata.

"Aba, hello! Dapat nga ganito rin suot mo!"

Sa halip na sumagot ay dinilatan ko lang siya. Hindi ako kailanman magsusuot ng ganoong klase ng damit. Mas pipiliin kong magsuot ng oversize na t-shirt o kaya ay long sleeves, pero hinding-hindi ng sexy na damit.

"Hindi ko ma-imagine si Max na magsuot ng ganyan!" tumatawang sabat ni Aljon na noo'y pormadong-pormado rin.

Ako lang yata ang naiiba ang suot sa aming lahat. Simpleng long sleeves at baggy pants na mukhang outdated na rin kumpara sa nauusong fashion nitong nakakaraan.

BABY, IT'S YOU (Baby You Series #1)Where stories live. Discover now