7

11 1 0
                                        

Tahimik lang akong nakaupo sa waiting shed habang hinihintay ang pagdating ng tito ko. Hindi ko na tinapos pa ang party dahil bukod sa naiilang ako sa mga titig ni Yena ay nahihiya din ako na baka makita ako ni Earl, 'yong lalaking isinayaw ako na siya namang tinakbuhan ko.

Tsk. Nag-ala Cinderella ang gaga!

Mayamaya pa'y may naramdaman akong presensiya sa gilid ko. Nilingon ko ito at nagulat nang makita kung sino. It was Earl with a huge smile plastered on his face!

What the fuck is he doing here!?

He broke the ice of silence when he said hi.

"Hello," awkward kong tugon.

And for the nth time, I heard him chuckle. "Why are you so tensed? Loosen up, hindi naman ako nangangat."

Hindi nga nangangat, naninisid naman. Rawr.

"Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko.

"What do you think?" He fired back while smiling. Buti 'di napunit bibig mo kakangiti. Tss.

"Don't answer a question with a question."

"Earl is your name right?" I asked and he nodded.

"So Earl, what are you doing here?"

"Sinundan kita kasi iniwan mo ako doon sa gitna," aniya.

"Eh sino ba kasing may sabi sa'yo na isayaw mo ako huh!?"

"My heart."

"Huh?"

He chuckled.

"Wala! Ang sabi ko, gabi na. Ihahatid na kita."

"Why would you do that?"

"Hoy tigilan mo na 'yang kaka-english mo. Naubusan na ako ng english sa katawan."

Napairap na lang ako sa inis. This man is so annoying. I don't know pero siya 'yong tipo ng tao na makita mo pa lang ay sira na ang araw mo. Lalo pa at palagi siyang nakangisi, jusko ang sarap tanggalan ng ngipin!

"Umalis ka na nga! Naiirita ako sa mukha mo!"

"Ang sungit mo naman. Gusto lang naman kitang samahan eh. Tara na ihahatid na kita."

"Paano mo ako ihahatid? May sasakyan ka ba?"

"I don't have a car but you can ride on me baby," pagkanta niya.

Yuck!

"Manahimik ka nga! Hindi maganda boses mo, okay? Mukha siyang naipit na tuta na-ah ewan!"

"Tss, ang sungit sungit nito. Bakit ko ba 'to naging crush!?"

"Ano!? Anong binubulong bulong mo jan?"

"Walaaaaa. Anyways gusto lang talaga kit-"

Naputol ang sasabihin niya dahil sa sigaw ni Elliana.

"Kez!!!"

"Bakit?"

"Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap at saka bakit ka lumabas ng venue?"

"Nagpapahangin lang. Ano, uhm-tapos na ba ang party?"

"Oo, pauwi na nga ako eh. Parating na 'yon si Papa. Sabay ka na lang sa amin, si Kyle kasi ay sumama kina Reid at Carlo."

"Saan...daw sila pupunta?"

"Hindi ko alam eh, basta silang tatlo ang magkakasama. Huwag kang mag-alala kasi matanda na 'yon si Kyle, makakauwi 'yon sa kanila ng maayos."

"So ano? Sabay ka na lang sa ami-uy! Nandito ka pala Earl! Bakit hindi mo sinabi?" The guy just smiled awkwardly.

"Ngayon lang kita napansin," dagdag pa ni Elliana.

"Paano mo 'ko mapapansin eh ang dami mo kaagad na sinabi," sagot ng lalaki dahilan para mapatawa ang pinsan ko.

"Anong ginagawa mo dito? Teka...huwag mo sabihing- may gusto ka ba sa pinsan ko!?" Nanlalaki ang matang tanong ni Elliana sa lalaki. Si Earl naman ay halatang nagulat at hindi alam ang isasagot.

The guy laughed awkwardly. "A-ano bang pinagsasabi mo? Nandito ako kasi may utang siya sa akin! Tama, may utang siya sa akin!"

"Teka, ako!?" gulat kong bulalas saka tinuro ang sarili. Tumango naman siya.

"Kailan pa ako nagka-utang sa'yo eh ngayon lang naman tayo nagkakilala!"

Nangunot ang noo ni Elliana, tila naguguluhan sa nangyayari. Huwag ganiyan 'te kasi ako rin naguguluhan!

"So...tama nga ako? You are here because you lik-hmywobsikn."

"Heheh wala 'yon, gutom pa raw kasi si Ellian. Sasamahan ko lang bumili ng pagkain ah. Byeee."

Ang pinsan ko naman ay nagpumiglas mula sa hawak ni Earl habang pilit na tinatanggal ang kamay ng lalaki na nakatakip sa kaniyang bibig.

"Ano ba! Hindi ako gutom okay? At saka saan mo ba ako dadalhin eh nandiyan na 'yong sundo ko oh!" tinuro pa niya ang sasakyang huminto sa harapan namin.

"Kainis 'to si Earl, amoy tae pa naman ang kamay!"

"Hoy naga-alcohol kaya ako!" depensa naman ng lalaki.

"Eww ewan ko sa'yo amoy tae ang kamay mo! Kez, huwag mo 'yang sasagutin kasi amoy tae ang kamay. Ayaw ko namang mapunta ka sa taong amoy tae 'no?"

"Huh? Anong sasagutin? Bakit ko sasagutin? Wait-what the heck is going on!?"

"HAHAH wala! Tara na hatid ka na namin sa inyo." Naguguluhan akong umiling.

"Huwag na, out of way kayo."

Nakita ko ang pagdungaw ng papa ni Jenyn sa bintana ng kotse kaya kinawayan ko ito.

"Tara Kez, ihahatid ka na namin," anito.

"Sabi ko nga sa kaniya Pa, eh siya itong may ayaw."

"Out of way na kasi tito kaya 'wag na. Parating na rin naman si tito Ver kaya okay lang po ako dito."

He nodded understandingly. "Sigurado ka ah?"

"Yes po, I promise."

"O siya, sige. Elliana sumakay ka na kasi susunduin pa natin si mama mo."

Kita mo na? May dadaanan pa pala sila tapos ihahatid pa nila ako. Tama lang na tumanggi ako kasi baka naghihintay na si tita doon.

"Ikaw na ang bahala jan sa pamangkin ko Earl."

Aba'y- binilin pa nga ako sa kumag!

"No problem sir, mag-iingat po kayo pauwi."

"Thank you hijo, kayo din. O siya, mauuna na kami ah? Bye."

And just like that, their car vanished from our sight.

"So? Binilin ka sa akin ng tito mo."

I scoffed. Alam ko buang!

"Ano naman ngayon? Paparating na din naman 'yong tito ko kaya 'wag ka ng umasa na magkakausap pa tayo ng matagal."

Sasagot pa sana ito pero natigil din sa ere nang makarinig kami ng busina. Napangisi ako nang makitang sasakyan iyon ni tito Ver. Yes!

"Sorry mister but I think this is already the last time that we'll see each other's faces. Adios!"

And true to my words, I didn't see him again after that night. . .

PHILORINA

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Strings Between UsWhere stories live. Discover now