6

5 2 0
                                        

The day of the acquaintance party came. I'm still not ready and I don't feel like going anymore. Tinatamad akong kumilos!

Mayamaya pa'y tatlong sunod-sunod na katok ang bumulabog sa pag-iisip ko. "Kez! Handa ka na ba?" It was Hannah who's outside the closed door.

"Yes!" I lied.

"Great! Nasa baba na sila Kuya Ver at Kyle, ikaw na lang ang hinihintay."

I sighed heavily. Mukhang wala talaga akong takas. Kaya imbes na magmukmok pa ay kumilos na lang ako at nagbihis. Tapos na akong maligo, pagbibihis at make up na lang talaga.

I just wore a black bodycon tube dress which falls above my knees. Regalo ito sa akin ng auntie noong 10th birthday ko. Hindi naman ako lumaki kaya kasya pa rin sa akin.

I applied a light amount of make up and extended my eyeliner to make me look more fierce. I have a natural strong features that makes every people around me think that I am strict.

Wearing my 3 inches stilettos, I grabbed my purse and went out of my room only to see my grandmother's amused smile.

"Ang ganda, ganda naman ng apo ko!! Naku, naku, naku apo! Paniguradong maraming lalaki ang magkakagusto sa'yo ngayong gabi."

Tipid lang akong ngumiti saka nagpasalamat.

"Pero-bakit ang taray mo naman ata tingnan!? Dear, matatakot ang mga lalaking lapitan ka kung ganiyan ka kataray!" I sighed.

"Lola, that's the reason why I made myself look like this. I don't want any guys to bother me. I am just going for the attendance and... for the food."

"Ang seryoso talaga ng batang ito. O siya sige, mag-iingat kayo doon. Enjoy the night kids."

Humalik ako sa pisngi niya bago magpaalam na aalis na. Hinatid kami ni Tito Ver sa school at susunduin niya rin kami mamayang alas dose.

Noong dumating kami ay marami ng nakakalat na estudyante sa paligid. Ang iba pa nga ay nilalantakan na ang mga pagkain sa buffet.

I roamed my eyes around, trying look for a vacant table to occupy. And guess what? I found none, tch. Maglalakad na sana ako palabas ng venue nang makasalubong ko si Jenyn kasama si Niel na masama na ang tingin sa akin.

"At saan ka naman pupunta aber?" mataray na tanong ni Niel.

"I was about to go home already." I answered and shrug my shoulders.

"Gaga! Bakit ka naman uuwi? Ang sexy-sexy ng outfit mo ta's sasayangin mo lang!?"

Uhhh paano naman masasayang? It's not like I'm going to throw my dress away!

"There's no vacant table left! What do you want me to do then? Stand for the whole night? Hell no!"

"Girl dumudugo na 'yong ilong ko sa'yo ah. Tigil tigilan mo ako sa kaka-english mo kung ayaw mong sabunutan kita." I just chuckled. I can't help it okay? Nasanay na akong mag-english so it's not that easy for me to stop.

"Anyways couz, sumama ka na lang sa amin kasi may vacant seat pa naman doon sa table namin." Elliana, my cousin said. Kahapon ko lang din nalaman na magkaklase pala kami. We are cousins but we are not close. Nag-uusap lang kami, nagtatawanan din minsan pero hindi kami close talaga.

Nagpatangay na lang ako sa dalawa. Siguro mas okay na 'yong sila ang kasama ko kesa naman mag-lonely ako ngayong gabi.

Duh, nagbibiro lang din naman ako kanina. Wala naman talaga akong planong umuwi agad. Napagod na ako sa pagbibihis tapos uuwi lang agad ako? Uyyy walang ganyanan!

"Hi Kez!"

"Looking so fab, Kiezara!"

"Evening Kez!"

Strings Between UsTempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang