4

7 1 0
                                        

I saw how my mother's eyes panicked upon seeing me. Siguro ay iniisip niyang narinig ko ang usapan nila ni papa.

Yes mom, I did hear your conversation. But don't worry, I can act like I've heard nothing.

Magsasalita sana siya kaso biglang dumating si lola kaya hindi na ito natuloy.

"Narito ka na pala, apo. Mabuti at hindi kayo ginabi sa daan."

"Mano po," saka ako nagmano sa kaniya.

"Pagpalain ka ng Diyos," marahang sabi ni lola. "Nasaan na ang mga pinamili mo?"

Bago pa ako makasagot ay pumasok na si tito dala dala ang mga pinamili ko kanina.

"Oh, ayan na pala si Ilio! Nakabili ba kayo ng uulamin natin ngayon, Ilio?"

Kumunot ang noo ko. Wala namang inutos si lola ah.

"Ano pong ulam, Lola?" Nanlaki ang kaniyang mata at nilingon ako.

"Ibig sabihin ay wala kayong binili para kainin natin ngayong gabi?!"

Nag-panic agad ako at mabilis na tinaas ang hawak na mga box ng pizza. "E-eto po! Bumili po ako ng tatlong box ng pizza kasi sabi ni Mama pang-dinner daw po natin."

"Ano ba namang mga bata ito jusko! Kiezara, hindi kami naghahapunan ng pizza lang. Kung nasanay kayo sa Amerika na ganiyan lang ang kinakain, puwes ibahin mo kami dito. Tsaka ang payat-payat mo na nga hindi ka pa kumakain ng maayos na pagkain," mahabang litanya ni lola kaya napakamot na lang ako sa batok ko. Malay ko bang hindi pala sila naghahapunan ng pizza lang!

"Kumalma ka nga, 'Ma. May karne naman diyan sa ref kaya 'wag ka ng mag-panic," biglang sulpot ni Hannah kaya medyo kumalma si lola. Si Hannah ay kapatid nila mama, siya ang sumunod kay Jayzelle bago si Kyle.

"Mabuti naman kung ganoon. O siya, sabihin mo kay Jayzelle na lutuin 'yong karne nang makapag-hapunan na tayo. Jusko ang taas pa ng araw pero gutom na gutom na ako!" Mahina akong natawa sa tinuran ni lola. Lumingon siya sa akin bago nagsalitang muli.

"Magbihis ka muna Kiezara saka ka bumili ng toyo doon sa malapit na tindahan," utos ni lola sa akin. Tumango ako saka nagpaalam ng aakyat sa kwarto upang magbihis.

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay muli na namang sumagi sa aking isipan ang naging usapan nina Mama at Papa kanina. Napabuntong ako ng hininga saka umiling-iling, pilit na tinatanggal sa isipan ang narinig. Remembering those won't make any good. Nagbibis na lamang ako ng simpleng t-shirt at dolphin shorts. Nang makuntento ay agad din akong bumaba at humingi ng pera kay lola pambili ng toyo.

Isang tindahan lang naman ang malapit dito sa amin, pero nang makarating ako doon ay nabigo ako. Hindi dahil wala silang binebentang toyo, pero dahil maraming toyoin sa harap ng tindahan ni Aling Rosa. May mag-jowa sa harapan na mukhang nag-aaway, tapos meron pang mga tambay na lalaki na sana naman ay mga gwapo kaso mga mukhang kinulang sa mwa mwa mwa ng kanilang girlfriend.

Eto namang si Aling Rosa hindi pinaalis ang mag-jowang nag-aaway. Talagang nakadekwatro pa siya habang may hawak na pamaypay at nakiki-marites. Jusko!

Hindi na lang sana ako tutuloy sa tindahan ni Aling Rosa at patuloy na naglakad hanggang sa matapat ako sa mag-jowang nag-aaway at sa mga tambay. I kept my poker face and ignored their cat calls. Tusukin ko 'yang mga eye balls niyo eh!

"Kung hindi mo 'yon kaibigan edi sino 'yon!?" narinig kong sigaw nang babae sa boyfriend niya.

"Baby, I don't know!" the guy answered but the girl looks like she's not convinced.

"You don't know? Huh! Potangina paanong hindi mo alam kung sino 'yon eh nag-comment iyon sa post mo! Akala mo ba bulag ako huh!? Na hindi ako marunong mang-i-stalk!? Huh! Boy mali ka ng kinalaban!" She brushed her hair backwards before continuing. "Tapos alam mo ba kung gaano ako kamahal ni Mark!? Dumaan lang naman sa Facebook friends suggestion ang second account mo at no'ng ini-stalk ko nakita ko ang kadugyutan mo! Ano iyong post mo doon huh!? Akuchi kuchiko abunjing abunjing tapos naka-tag iyong babae mo? Seriously? Tawagan niyo 'yong abunjing abunjing? Eww ang dugyot naman! Pero ang punto ko dito bakit mo ako niloloko huh, Joshua!?"

Strings Between UsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora